Kabanata 38

209 10 13
                                    

"How's the preparation for the conference next week?"


Iyon agad ang bungad ko kay Klaire nang maabutan ko siya sa table niya. Sa susunod na linggo na ang conference sa Singapore kaya sinisigurado kong ayos na lahat ng mga kailangan namin para roon. I was late today. Dalawang araw na nga akong absent, late pa ako ngayon. I have a valid reason to be absent because what I did was work-related.


Galing kasi ako ng Batangas at Laguna para tignan ang pwedeng pagganapan ng teambuilding namin. Weekdays lang kasi ang available schedule ko dahil naging busy ako nitong nakaraang weekends nang bumisita ako sa learning center ko.


"Yes, ma'am. Everything is settled for next week's conference in Singapore."


"Okay, thank you."


Paalis na sana ako mula sa pwesto niya nang mapansin kong parang maya't-maya ang paglabas-pasok ng mga empleyado sa conference room.


"What's going on there?" I asked Klaire, pointing at the conference room.


"Naku ma'am! May emergency meeting po sila kahapon with the bosses. May niru-rush po yata sila."


"Di'ba, last week pa sila may hinahabol?" I curiously asked.


It's been a week since me and my girls had a night out. If I am not mistaken, that very same day, before I went home, parang natataranta na rin ang mga empleyado ni Jayce bago ako umalis ng opisina noon. Hindi pa ba sila tapos o may bago na silang ginagawa?


"Hindi ko po sigurado, Ms. Adeline," sagot ni Klaire. "Hindi ko pa po nakakausap yung Digital Advertising team dahil mukhang hindi sila pwedeng abalahin eh.


"Don't forget to check on them, okay?" I reminded her before I went straight to my office.


As much as I wanted to personally talk to them, I can't. Kaya kong kausapin ang mga empleyado namin doon. Pero ang head nila, hindi. Hindi pa sa ngayon.


Isang linggo na ang nakalipas mula noong uminom ako ng kasama siya. Inihatid niya ako noon hanggang sa labas ng unit ko. Hindi na siya naabutan ni Calli nang pagbuksan niya ako ng pinto dahil saktong kasasara lang ng elevator noon.


Alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang kausapin ulit siya. Pakiramdam ko, mas ginawa ko lang awkward ang atmosphere sa aming dalawa.


Why the hell will you talk about your present to your ex-lover? Stupid!


"Adeline!" Reese snapped her fingers right in front of my face.


"Y-yes?" I even blinked.


"Ano? Naglalakbay na naman isip mo?" she hissed. "Pasalamat ka ikaw ang HR Department Head. Kung hindi, baka binabaan ka na rin ng disciplinary action." I glared at her. "Di ka naman mabiro, Ms. Lafuente," she said.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now