Kabanata 28

250 10 18
                                    

"Can you believe that?!"


Magkaka-videocall kaming magkakaibigan ngayon dahil kinamusta nila ang date ko with Vince. Talagang hinintay nila akong makauwi kaya hindi pa sila natutulog. Hinihintay ang chika ko!


Pagkatapos kong ikwento ang tungkol sa date ay binanggit ko sa kanila ang pagkikita namin ni Jayce dito sa condo.


"Oh? Eh, bakit parang stress na stress ka dyan?" natatawang sabi ni Azariah.


"Huh?" natatarantang tanong ko. "I looked stressed?!"


Mabilis tuloy akong napatayo sa kama at humarap sa vanity mirror para mas matignan nang mabuti ang mukha ko. I pouted when I heard their laughs.


"Hindi naman e!" sabi ko at bumalik na sa kama para humiga.


I felt so tired, pero kaya ko pa naman makipag-chat sa kanila. I just can't drop the call dahil baka isipin nila, hindi ko kayang pag-usapan si Jayce tulad noon.


"Malamang! Kelan ka ba nagmukhang stressed?! Strong ka nga in all aspects e!" si Calli.


"Ang ibig kasi naming sabihin, 'Why do you sound so stressed?'" Azariah narrowed her eyes.


"Malay mo naman naka-check in lang or something," sabi naman ni Reese.


"The top floors are occupied by the residents, Reese."


"So he really is living there! In that same building!" namamangha na sabi ng pinsan ko.


"Oh? Eh ano naman kung nasa iisang building kayo?!" Calli rolled her eyes. "As if naman affected ka pa?"


"Mas malala pa pala to compared kay Farrah," natatawang sabi ni Azariah.


Farrah laughed because of that.


"Paano yon? Kapag wala kayo sa work?" panimula ni Reese. "Hindi naman pwedeng 'We'll both work professionally' ang linya mo, girl!"


"Civil lang, I guess?" I shrugged.


"Bakit parang hindi ka sure?" tanong ng pinsan ko.


"Pupusta ko yung pera na makukuha ko by the end of this year sa channel ko, magkakaroon ng comeback!" Azariah teased.


The side of Farrah's lips rose. "Parang gusto ko rin sumali sa pustahan?" sabi niya bago tumawa. "Libre na yung PF namin kapag nagpagawa kayo ng sarili niyong bahay."


"Yiiiieee. May 'namin'. Narinig niyo 'yon girls ha?" pang-aasar pa ni Azariah kay Farrah. 


"13th month pay ko yung ipupusta ko!" si Reese. "Plus the bonus!"


"All-expense paid trip to Palawan in December oh!" Calli.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now