Kabanata 46

241 7 12
                                    

"Just in case anything happens, immediately leave the area through the backstage, okay?"


Sebastian kept on reminding me about that. None of us were sure on how would they react to this event. Kaya naman sinisigurado nila ang safety ko pati na rin ang mga magulang ko. They prepared everything carefully. Hindi ko inaasahan na malinis nilang naiplano ang lahat.


"Okay, alright."


"I am sure that all of the invited guests won't make a scene in a formal event. All of them are businessmen, kaya sigurado akong wala namang mangyayari sa'yong masama," he said. "We were just worried about the media. Iilan lang naman ang nasa loob ng venue. Pero marami ang nag-aabang sa labas."


He was right. Habang inaayusan kasi ako kanina ay iyon ang balitang naririnig ko sa tv. Hanggang sa pags-scroll ko sa social media accounts ko, ganoon din ang mga nababasa ko. It was like a formal event of the decade!


"Uhaw ang mga iyon sa paggawa ng articles tungkol dito. Iyon lang ang ipinag-aalala ng mga magulang mo."


"What's new?" I shook my head.


"Sasamahan naman kita hanggang sa makarating ka sa parking kung magkataon man."


"Okay, thank you!" I smiled at him.


"I will stay here for the meantime as we wait for the signal from my team. The security is tight kaya huwag kang mag-alala," marahan siyang ngumiti sa akin.


Nanatili siyang nakatayo malapit sa pintuan ng hotel room ko. My glam team was doing final touches for my make-up. Inihahanda na rin ang gown na isusuot ko.


They finished fixing my hair in a french roll updo style. Sabi nila bagay raw kasi iyon sa desired look nila sa akin for tonight. Hindi ako masyadong uma-attend sa mga ganitong formal parties, pero mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili.


"Magbihis ka na," naka-ngiting sabi sa akin ni Ate Dems.


I went straight to the bathroom as my stylist helped me dress up. I couldn't help but to smile seeing myself in front of the mirror. I am wearing a burgundy colored low back evening gown. It was a simple spaghetti strap with a mid-v neckline and has a slit on the side.


They also offered me different sets of jewelry that I could use. Pumili lang ako ng earrings doon. Iyon lang naman ang kulang sa gagamitin ko.


"Are you sure you won't change that necklace?" they asked.


"Yes. I want to use this instead."


Wala naman talaga akong balak alisin ang necklace na ibinigay ni Jayce. Maraming bagay ang magbabago mula sa araw na ito pero iyon ang isa sa mga ayaw kong kalimutan sa buhay ko. Iyong pangarap ko... yung totoong pangarap ko para sa sarili ko.


"How about your ring?"


"No need," I smiled at them.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now