Kabanata 10

276 13 0
                                    

"I bet, most of you asked someone to draw your homework," sabi ng prof namin sa Bio kaya natahimik kami. "Let's see kung hanggang saan aabutin yan," he smirked after reminding us about the exam for next week, then he dismissed the class


"Moving exam yung first set. Tapos, yung remaining time..." si Reese


Pinaalala ko sa kanya na tutulungan naman siya ni Archer kaya wala siyang dapat ipag-alala. Ngumiti tuloy siya dahil doon. Nagpunta lang kami sa library para mag-aral. Mayroon kasing lecture mamaya tungkol sa Psych Assessment. Kaya kailangan naming magbasa ng ilang journals doon at libro.


Hanggang sa pag-uwi ng condo ay iyon ang pinagkakaabalahan namin ni Reese. By pair naman ang groupings doon kaya wala kaming magiging problema. Sinabihan ko lang ang pinsan ko na ayoko nang kinukulang ako sa oras lalo na't pagdating sa mga requirements sa school.


Baby thesis lang naman iyon, pero sa buong semester ay iyon lang ang pagkakaabalahan namin after mag-discuss ng ilang key points ang prof namin. Kaya tuwing umuuwi kami ng condo ay nag-lalaan kami kahit isang oras para lang mag-isip at maghanap ng pwede naming maging topic.


"Here," abot ni Jayce ng mga scratch paper.


Mabilis lang lumipas ang mga araw at Biyernes na ngayon. Half day lang ang klase namin dahil may seminar kaya nandito ako ngayon sa UST.


"Thank you," sabi ko at tinitigan ang microscope na nasa harap ko ngayon.


"Hindi ka makakausad kung tititigan mo lang yan," sabi niya sa mahinang boses.


Nandito kasi kami ngayon sa isang org room. Hindi ko alam kung paano siya pinayagan at paano rin ako nakapasok dito.


"How come?" nagtatakang tanong ko.


"Hmm?"


"Paanong pwede tayo dito? At paanong pumayag na hindi naman ako student ng university pero nandito ako?"


May mga pumasok sa pintuan at lumingon lang kay Jayce at ngumiti. Nag-meeting sila doon sa isang gilid at ang iba ay pumunta sa gawi namin at may ilang itinanong dito sa katabi ko.


"Thank you, Kuya Jayce! Laking tulong mo talaga!" sabi nung isang lalaki at tinapik lang ni Jayce ang balikat nito.


Kuya! Should I start calling him Kuya since he's older than me?! Mukhang mga ka-edad ko lang ang mga kausap niya or mas bata pa ata sa akin.


"What were you saying again?" bumaling siya sa gilid ko.


"Buti pwede tayo dito."


"I used to become a student leader back then. I have access," kumindat siya sa akin pagkasabi noon.


"Yabang!" bulong ko pero narinig niya yata iyon at tumawa siya.


Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now