Kabanata 42

231 9 20
                                    

"Kaya ka hindi umalis kahapon dahil aalis ka ngayon?"


Naabutan ako ni Reese na nag-eempake na ng gamit ngayong umaga. Buti nalang at naunahan ko pa siyang makauwi kagabi kaya hindi niya alam na umalis ako. Ala una na yata ng madaling araw na sila nakabalik ng hotel. Marami raw silang pinuntahan e.


"Girl, it's already nine in the morning. I need to pack my things now since I'll be having brunch with a friend."


"Friend?" she asked.


"Archer."


I asked Archer if we could have brunch instead of having dinner. Tutal, nandito na rin naman sila ng fiancée niya. I'm not sure about how my schedule would go once I went back to the Philippines. As much as I wanted to invite Reese, alam ko naman na hindi siya sasama. Alam ko na iyon kaya hindi na ako nagtaka pa sa isinagot niya.


"Oh! Okay. I'll just go back to sleep. Grabe yung pagod ko kahapon."


"Yeah, you should have some rest. Grabe! Gala ka talaga mula noon hanggang ngayon," I laughed.


I let her sleep and decided to finish packing all of my things. Aayusin ko nalang ulit ito mamaya pagkatapos bumili ng mga pasalubong. Pagkatapos ay gumayak na rin ako.


jaycecaden: Do you still have errands to do before going back to Manila?


adelinelouise: I will be having brunch with your cousin.


jaycecaden: Can I join?


I was about to message Archer, when he messaged me first. Naramdaman ko na agad kung ano iyong text niya kaya hindi na ako nagulat pa roon.


archeryyy: Hello, Lou! Is it okay if I invite Jayce too? :) See you later!


adelinelouise: Yeah, sure.


archeryyy: Alright! See you later then!


He messaged me the exact location and even suggested that me and his cousin should go together since we were coming from the same place. Magpinsan nga talaga!


Since we will be having a casual dining, I just opted to wear a knitted long sleeve and plain gray plaid pants. Hindi na ako nag-abala pa na mag-heels dahil plano kong bumili na rin ng mga pasalubong sa area kaya nag-white sneakers na lang ako.


Reese was still asleep when I left, so I just left her a text instead. Sinabihan ko si Jayce na sa MRT station na lang kami magkita at sabay na nga kaming pumunta sa ION Orchard.


"Bibili ka rin ba ng pasalubong mamaya?" tanong ko sa kanya.


"Yes, I'll go with you."


Hindi ko namalayan na hawak lang ni Jayce ang kamay ko mula pagkalabas ng MRT hanggang sa maglakad kami papunta sa lugar na sinabi ni Archer. Hindi ko alam, pero hindi ko rin naman magawang magreklamo kaya bandang huli ay hinayaan ko na lang.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now