Kabanata 23

266 12 0
                                    

"Thank you."


Mabilis ko rin kinuha ang ipinadeliver ni Jayce na breakfast. He has been consistent in bringing something for us every morning.


"Doon ba tayo mag-iintern sa company niyo?" tanong ni Reese nang makaupo ako sa stool ng countertop.


I was actually thinking about our company too. Nasa condo kami ngayon and we were currently looking at the list of partner companies. Wala naman masyadong nakakakilala sa akin doon kaya ayos lang.


"Okay, doon nalang tayo. Para atleast, we can be familiar on how our company works," I smiled at her.


Pinag-uusapan namin ni Reese ngayon kung saan kami mag-iintern. We need to decide which company we should go dahil after two weeks ay magsisimula na ang internship namin. We need to fix our schedules para hindi conflict sa subjects namin sa school.


"Grabe ang bilis ng panahon noh?" si Reese.


"Patapos na tayo sa third year!" I said excitedly.


Katatapos lang nang briefing and orientation para sa internship namin. Maraming ibinilin ang Practicum Coordinator namin tungkol doon. Every Mondays, Wednesdays and Fridays ay hindi kami papasok sa Piyu para sa internship namin. If ever na may emergency meetings ay doon lang daw kami ipapatawag.


"Oo, malapit ka na rin ipakilala sa public!"


"Huwag mo na ngang ipaalala," inirapan ko siya. "Dati, okay lang sa akin na ipakilala ako at tanggapin yung two years na palugit e! Kaso ngayon, parang ayaw ko na ulit!"


Tanggap ko na ang kahihinatnan ko noon, pero simula nang maging kami ni Jayce, parang biglang gusto kong umatras sa desisyon namin nila mommy. It would be hard for us of course!


Hinihintay namin ang mga kaibigan para sabay-sabay umuwi. Magkakachat naman kami kanina at buti nalang ay pare-parehas ang oras ng uwi namin tuwing Friday. 


Magkasabay na dumating yung tatlo. Dumiretso na kami Katipunan para makakuha sila ng extra clothes. Sa condo daw sila matutulog after pumarty kaya wala naman akong magagawa doon. Umalis sandali si Azariah at susunod nalang daw kung saan kami kakain.


"Buti naman hinintay niyo ko?" si Azariah nang makarating sa restaurant.


"Kakain ka pa pala? Akala ko busog ka na e," ngumisi si Calli.


"I have the right to remain silent," sagot ni Azariah sa kanya at ngumisi rin pabalik.


Tumunog ang phone ko dahil sa tawag ni Jayce. I always feel excited kapag magkausap kami.


"Hey, love. I miss you," he said.


I bit the insides of my cheeks to stifle a smile. I chuckled a bit before I spoke to him.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now