Kabanata 34

245 13 337
                                    

"Are you still having your breakfast?"


I asked when I called Vince once I reached the lobby. Nang malaman ko na nasa wooden pavilion pa siya ay doon na rin ako dumiretso.


I saw him wearing a white short-sleeved polo paired with chino shorts and boat shoes. Nakasabit ang sunglasses niya sa polo niya. Nakita kong kumaway siya sa akin nang magtama ang aming mga paningin.


I saw some group of people with him. Siguro ay nakilala siya ng mga iyon dahil nga artista siya. Natatawa pa ako nang makita ang ibang mga tao na pinagtitinginan sila. Mukhang curious kung bakit nagpa-picture sa kanya.


"Hello, Vince!" I greeted him as I approached his table.


"Hey," he greeted back and smiled at me.


Ibinaba ko na ang bag ko sa upuan na nasa katabi ng katapat na upuan niya. Nang hihilahin ko na ang upuan na para sa akin ay bigla siyang nagsalita.


"Wait lang guys," he politely said to the group of girls beside him. Mga nagpapa-autograph at magpapa-picture yata sa kanya.


He was about to pull the chair for me when I stopped him. "I'm fine, Vince. Go talk with your fans," I said. "I can manage," I added.


Nilingon ko ang mga babae na naghihintay sa kanya. I awkwardly smiled at them. "Hello!"


"Ay, hello po. Sorry po," sabi nung isang babae na may hawak na camera.


"Hello, it's okay," I smiled at her. "Gusto mo ako nalang mag-picture sa inyo?" I asked.


"Hala! Nakakahiya naman po iyon."


"Okay lang. I insist," inalok ko ang kamay ko para kuhanin ang phone niya.


Lumapit na rin sa kanila si Vince. I took some group shots of them tapos ay puro solo shots lang nila.


"Thank you po ate! Pasensya na po sa abala," sabi nila.


"Hindi, okay lang," I smiled at them genuinely.


"Kayo po ba?" diretsang tanong nung babae.


Nakita kong napatingin sa gawi ko si Vince.


"Uh... No," tanggi ko agad. "We're just friends."


Iyon nalang ang sinagot ko para hindi na magkaroon pa ng issue. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na nag-confess sa akin si Vince at nagsabi na nanliligaw ito sa akin. Isa pa, nagsisimula nang maging maingay ang pangalan niya dahil sa on-screen partner niya ngayon.


"Hay! Makakahinga tayo nang maluwag!" sabi pa nung isa bago ngumiti sa amin.


Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now