Kabanata 14

215 11 1
                                    

Naging abala ang lahat maghapon para sa paghahanda sa party mamaya. I still managed to talk to Jayce casually dahil hindi naman maiiwasan na hindi kami mag-usap kaya hindi nahahalata ng mga kaibigan namin ang ginagawa kong pag-iwas sa kanya.


"Adeline, paki-assist naman sila sa photobooth area," sabi ni Calli kaya agad akong nagtungo roon.


Tinulungan ko ang ilang staff doon dahil gusto ni Calli ay may personal touch niya ang photobooth. Mainit pa kaya madali akong pinagpawisan at nauuhaw na ako.


"Water?" alok ni Jayce pero hindi ko siya pinansin. Nagkunwari akong hindi siya narinig at nag-assist pa sa mga staff na andoon.


"Ate, paki-move nalang po nang kaonti," sabi ko sa isang staff at sinunod agad ang sinabi ko.


Nakita kong ipinatong ni Jayce ang bote ng mineral water sa gilid at kumuha ng isang design doon. 


"Where should I put this?" tanong niya sa akin.


Palihim akong umirap sa kanya at bumulong. 


"Fine arts student, hindi marunong sa design."


He chuckled for a bit kaya nilingon ko siya na ngayon ay pinipigilan na ang sarili sa muling pagtawa. Tinuro ko nalang ang isang parte ng backdrop na wala pang design.


Nagpaalam saglit ang ilang staff dahil may ipinagawa pa si Calli sa kanila. Naiwan tuloy kaming dalawa rito ni Jayce. Nauuhaw na ako kaya wala akong choice kung hindi uminom sa bottled water na dala niya.


The side of his lips rose when he saw me drink. Tinaasan ko siya ng kilay. 


"Akala ko hindi ka iinom ng tubig dahil sa akin galing eh."


Kinuha ko ang bimpo na katabi noon at pinunasan ang pawis ko sa leeg at balikat. 


"Nauuhaw ako," masungit kong sagot sa kanya at tumalikod na. 


Tapos naman na iyon kaya pwede na akong magpahinga saglit bago ako mag-ayos.


Naligo ulit ako dahil nalagkitan ako sa pag-aayos kanina. Nagsuot nalang ako ng white off shoulder top and paired it with a high-waisted shorts. I wore a black two-piece bikini for my inner para if ever na maisipan naming mag-swimming mamaya ay ready ako.


Nagsalita si Calli sa may mini stage hudyat na magsisimula na ang party. 


"Okay! The night is still young, so let's just have some fun and enjoy the party," kaya naghiyawan na ang lahat.


Kumuha ako ng isang bote ng beer at naglakad-lakad sa garden, tumitigil sa ilang table kapag may bumabati sa akin. May mga kakilala naman ako dito dahil karamihan ay mga taga-Piyu ang invited sa party na ito.


Nagulat ako ng kumapit sa braso ko si Calli at hinila ako sa isang grupo na malapit gilid ng pool. 

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now