Kabanata 19

239 14 1
                                    

I slept peacefully that night. Feeling ko tuloy ay nakangiti ako sa buong oras ng pagtulog ko.


Nagising ako sa liwanag na tumama sa mukha ko. I moved a little, only to realize that Jayce's arms were wrapped around my waist, pulling me closer so he could hug me tight.


"Morning," he greeted me with his morning voice and smiled.


Mas gusto ko na yata ang morning voice niya. Shit! Ang rupok talaga!


I just smiled at him at mabilis na umupo para abutin ang bag ko. I can't talk to him with my morning breath! Nakakahiya. Agad kong hinanap ang kit ko kung saan nakalagay ang breath spray ko.


I heard him chuckle. That's why I glared at him, pouting.


"You want some?" tanong ko sa kanya nang matapos akong mag-spray sa bibig ko. He nodded and opened his mouth.


"You know, I really don't care about your morning breath," he playfully laughed, teasing me.


I rolled my eyes at him. Tinulungan ko na siyang ayusin ang mga gamit namin. Sinabi ko na mag-drive thru nalang kami kaysa dumaan ulit doon sa kung saan kami kumain nung nakaraan. 


"Dalian mo na," sabi ko dahil nang-aasar pa siya. "Kapag ako nainis, hindi kita susubuan kahit boyfriend pa kita!"


Sinusubuan ko siya ng pancakes dahil siya ang nagd-drive.


"Hindi mo naman ako matitiis e," sabi niya.


"Hindi ka sure!" biro ko kaya napailing nalang siya habang nagmamaneho.


Naka-connect naman na ang phone ko sa sasakyan niya kaya nag-soundtrip lang kami habang nasa byahe. Nagulat pa ako sa tawag ni Archer sa phone niya. Naka-loudspeaker iyon kaya naririnig ko ang usapan nila. Ilang pang-aasar pa ang natanggap niya mula sa pinsan.


"Tangina, bro! Hindi ka umuwi sa condo!" Archer teased.


"Shut up," sagot ni Jayce sa pinsan.


"Hoy, Jayce Caden! Alam kong kayo na ni Adeline pero dapat umuuwi rin sa condo," rinig ko pang sabi ni Archer.


"Pauwi na ako," he answered casually.


"Wala kami sa condo ha? Nandito kami sa bahay niyo."


"What - "


Naputol ang sasabihin ni Jayce nang marinig ko ang boses ng kapatid niyang si Jayle.


"Kuya!"


"Hello," malambing na sabi niya sa kapatid.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now