Kabanata 11

244 11 4
                                    

Nagising ako sa ingay sa unit ko. Hindi naman sobrang ingay, pero sapat lang para magising ako. Parang may mga tao sa baba.


"Wala naman kaming usapan ng mga kaibigan ko this weekend dahil abala kami sa mga kanya-kanya naming requirements di'ba?" tanong ko sa sarili dahil ngayon lang ako nagising na maingay sa labas.


Tinignan ko ang alarm clock sa side table at nakita kong alas otso palang ng umaga. Weekend ngayon kaya may rason para ma-late ng gising. Imposible naman na pumunta ng maaga si Jayce para sa usapan namin.


Hindi na ako nag-abala pa na tignan ang phone ko. Bumangon ako kahit hindi pa nag-aayos at bumaba para makita kung ano ang nangyayari sa unit ko. Pagsilip ko sa hagdan ay nagulat ako sa nakita ko.


"Good morning, Lou!" bati ni Archer nang makita ako pero agad rin ibinalik ang tingin sa pinapanood. 


Nakatayo siya ngayon sa gilid ng couch na nasa living room at nanonood ng TV habang sumisimsim ng kape sa tasa na hawak niya.


"Uhh... good morning too!" nahihiya kong bati. Nanatili nalang ako dito sa kung nasaan ako dahil nakakahiyang lumapit sa kanila. Hindi pa nga ako nakakapaghilamos!


"Coffee?" tanong ni ...


"Jayce?!" gulat na tanong ko. 



Bakit nandito na siya? I wasn't expecting him to be this early! Nakita kong ipinatong niya ang hawak na tasa sa countertop at naging abala saglit sa phone niya.


"Hi, good morning," he greeted as he looked at me.


"Hello. Uh... I didn't expect you this early," medyo nag-aalangan kong sambit.


"I texted you last night. You didn't received it, did you?" he asked. 


Hindi ako makasagot dahil hindi ko pa nahahawakan ang phone ko mula kagabi pagkatapos namin mag-research ni Reese ng ilang articles.


"Gising ka na pala, Lou," natanaw ko si Reese na ngayon ay naghahain na ng pagkain sa dining table. "Sana all fresh pa rin kahit bagong gising," sabi niya nang lumingon sa akin. "Messy hair don't care eh?" Inayos ko tuloy ang buhok ko.


"Sorry. Maaga kasi ang usapan namin ni Reese," napahawak sa batok si Archer at nakitang nag-peace sign naman ang pinsan ko na malapit na kay Archer ngayon. "Did we wake you up?"


Ngumiti ako kay Archer. "Hindi naman," I lied dahil nagising naman talaga ako sa ingay na narinig ko kanina.


Nanatili ang titig ni Jayce sa akin. The side of his lips rose after he examined me from head to toe.


Then I realized... Hindi pa ako nag-aayos at naka-oversized shirt lang ako na hanggang itaas lang iyon ng tuhod ko.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now