Kabanata 21

287 16 0
                                    

"Are you even listening, Lou?" tanong ni Reese.


I didn't know that I was zoning out. Pinag-uusapan kasi namin ang gagawin para sa Psych Statistics class. Sabado ngayon at nagre-review kami ng pinsan ko dahil nag-discuss ang prof namin about test construction and measurement.


"Yes, sorry. Where were we again?"


"Difference ng validity sa reliability," pag-uulit ng pinsan ko.


"Reliability is consistency. Validity measures what it is supposed to measure," pagpapaliwanag ko.


"Yung mas madali?" napakamot pa siya sa ulo niya.


"Ayan, alak pa ulit ha?" inis na sabi ko sa kanya dahil pumarty sila kagabi. Hindi ako sumama kasi tinatamad ako.


"Makinig kang mabuti," may diin sa pagkakasabi ko kaya iyon ang ginawa niya. 


"Reliability is the consistency. Sa tagalog, kung paulit-ulit yung sinasabi, reliable siya. Gets?" tumango siya. "Kapag validity naman, yun ba talaga yung sinusukat niya? For example, a test of intelligence should measure intelligence, nothing more, nothing less."


Nag-review lang kami doon dahil may recitation daw sa Monday. Buti nalang at hindi bumisita si Reese sa kapatid niya sa Katipunan. Doon kasi siya usually every weekends bago sila sabay na umuwi sa Makati.


"Miss mo na jowa mo?" tanong ng pinsan ko sa gitna ng pagre-review namin.


Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Mas naging madalang ang pagkikita namin ngayon ni Jayce dahil may project silang ginagawa. Ayaw niya nga sanang tanggapin iyon, but it was their family friend who asked for him personally kaya hindi siya makatanggi.


Malungkot man dahil hindi kami ganoong kadalas magkita, pero ayos lang naman sa akin. I don't want to sound like a very, very clingy girlfriend to him! Baka mamaya ay ayaw niya noon or something.


I want to be an understanding girlfriend to him. He's way older and mature than I am, kaya kailangan kong intindihin siya. We always make sure that we will have a communication with our relationship. Kaya kapag nagtatampo or nagseselos ay pinag-uusapan agad namin ang bagay na iyon para hindi na lumaki pa ang issue.


I am loving him even more seeing how passionate he was in his career. Tapos, nakakaya niya pang balansehin ang oras niya. Isa pa, he was always true to his words and promises. Dahil bumabawi talaga siya kapag free time niya.


My phone suddenly beeped because of a text. I immediately smiled kaya nakatanggap pa ako ng pang-aasar mula sa pinsan.


"Sige na. Babe time yan," she winked at me bago ipinagpatuloy ang pagbabasa sa living room.


"Hindi ka uuwi?" I asked her while I'm checking my things in my bag.


"Dinner lang sa labas mamaya, pero uuwi rin dito," she smiled.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now