Kabanata 4

279 16 5
                                    

"Gising na pala etong si Lou," sabi ni Farrah pagkalabas niya ng kwarto. Katatapos ko lang ligpitin ang mga pinagkainan namin ni Jayce.


"Feeling better?" tanong ni Reese.


"Yup," I smiled para hindi na sila mag-alala sa amin.


"Do you still want to go with the adventure? Pwede naman na huwag nalang tayong sumama," si Azariah.


"Uy. Ano ba. Okay na talaga ako. Huwag niyong i-cancel yung mga adventure dahil lang sa akin. Baka kulang lang sa tulog kaya nagkaganoon," sabi ko.


"Sure ka talaga ha?" si Calli. I nodded.


"Uh, balik lang kami sa hotel namin para makapagpalit ng damit," sabi ni Theo.


"We'll just go back here para sabay-sabay na tayo mamaya," si Archer.


"Alright," sagot naman ni Calli.


Hindi naman medyo mabigat yung water activities namin ngayon kaya naman nagpalit nalang ako ng stripped cropped top rashguard and a black high waist bikini bottom.


Hindi nagtagal ay sinundo nga kami nila Archer. Nakakahiya nga dahil ang naghintay pa sila ng ilang saglit dahil ang tagal magpalit ng mga kaibigan ko. Idagdag mo pa si Azariah na nagv-vlog. Hindi na rin nakabalik yung dalawang lalaki na kasama nila sa tour dahil may emergency daw kaya kinailangan ng bumalik sa Manila kaya silang tatlo nalang ang naiwan.


Una naming sinubukan ang helmet diving. Sabi nung nag-aassist sa amin, we will be submerged into the sea for about 5 metres deep or about 16 feet from the water surface. Nakakatakot pero at the same time, sobrang exciting.


"Don't worry because this activity is safe. The helmet that you will be using is pressurized to keep the water from coming in. Kaya wala po kayong dapat ikabahala," sabi ni kuya na nag-heads up sa amin kung ano ang dapat i-expect namin sa activity na ito.


Dahil by pair ang activity na ito, nauna kaming sumubok ni Azariah. Dala niya ang Go Pro niya dahil nga nagv-vlog siya. Nakakatuwa dahil we've got a chance to have a close encounter to marine creatures. The fishes were very tamed. Nag-picture kami ni Azariah sa baba ng tubig para naman may remembrance kami sa activity na ito.


After namin ay sumunod na ang iba naming mga kasama para sumubok rin. Even though this water activity only lasted for 15 minutes, makikita sa mga mata namin ang pagka-mangha sa mga nakita naming marine creatures sa ilalim ng tubig.


Pagkatapos namin subukan ang helmet diving, nag-aya naman ang magpipinsan na mag-jetski. Sagot daw nila kaya pumayag agad ang mga kaibigan ko. By pair ulit kami, si Archer at Reese, si Theo at Calli.


"Kami nalang ni Farrah ang magkasama!" sabi ko sa kanila.


"Hindi nga ako marunong mag-jetski," sagot naman ni Farrah. "Bakit, Lou? Marunong ka ba?" tanong niya pabalik sa akin kaya umiling ako.


Lost in Paradise (Morayta Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن