Kabanata 8

259 11 2
                                    

Hindi ko mabilang kung ilang party rin ang napuntahan namin noong sembreak. Pero kadalasan sa mga iyon ay kasama ang magpipinsan na sila Archer.


"Ikaw naman kasi, masyado ka mang-judge. Psych major pa naman tayo!" si Reese na ngayon ay pinagsasabihan ako sa mga ginawa ko kay Jayce.


Pinag-uusapan kasi namin ni Reese si Jayce dahil nai-kwento ko sa kanya yung nangyari nung minsan sa isang party. Although, lagi naman kasing may mga babaeng kumakausap sa kanya. Hindi ko ipagkakaila na magaganda nga ang mga iyon. May iilan pang mga modelo sa pagkakaalala ko. Pero gayunpaman, hindi niya hinahayaang maiwan na dalawa lang sila.


Hindi ko sigurado kung totoo ang mga ipinapakita niya sa akin para lang patunayan na mali akong badboy at playboy siya.


Is he really proving me wrong? Or is it just an act because he knew that I am there and that maybe I am observing him in every single way?


"First impression ko lang yon sa kanya! Malay ko ba kung totoo," sabi ko habang papasok kami dito sa UST.


Tapos na ang klase namin at pumunta agad kami dito dahil nakareceive kami ng text mula kay Azariah na sumunod daw kami dito.


Sa España gate dumaan. Kaya naman lakarin mula Morayta kaya iyon ang ginawa namin ni Reese dahil traffic.


Iba pala talaga ang feeling kapag andito ka sa loob ng UST. There is something that I cannot explain as I enter the university. Ibang-iba sa FEU, kung saan ako nag-aaral. Para siyang isang malaking painting that will bring you back to history, lalo na nung makalapit kami sa Main Building at sa gilid noon ay ang mga naglalakihang letra na UST at may tigre pa sa gilid.


I feel like I belong to this place. I feel like I'm home.


I can even hear my yellow heart screaming for their chant, "Go USTe!"


Natigil nga lang ang pag-iisip ko ng nakitang pumitik ang mga daliri ng pinsan ko sa harapan ko. Kaya para akong bumalik sa katinuan.


"Lou, are you okay?" tanong ni Reese na ngayon ay nasa harapan ko na.


"O-oo naman!" nauutal kong sabi dahil sa pagkamangha ko sa ganda ng campus.


"Alam ko naman na dream school mo ang UST," medyo nag-alangan ang pinsan kong magsalita.


"Dream school," pag-ulit ko sa sinabi niya at ngumiti ako nang malungkot sa kanya.


May sasabihin pa sana siya nang biglang nagsalita si Farrah.


"Nandito na pala sila eh!" si Farrah at hinila na kami ni Reese papalapit sa mga kaibigan.


"Reese! Lou!" excited na tawag ni Archer.


Nagkita-kita kami dito malapit sa TARC Building. Sabi ay bumili lang daw ng mga pagkain sila Jayce at Theo.


Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now