Kabanata 6

269 11 0
                                    

Nagising ako sa pagtapik sa akin ni mommy.


"Anak, it's already 3:30 in the morning," nakangiting bungad sa akin ni mom.


"Good morning, mom," bati ko sa kanya at umupo sa kama.


"I cooked you some food for breakfast," sabi pa niya kaya tumango ako. Miss ko rin ang ganitong moment kapag kasama ko ang family ko.


Naghilamos lang ako at nag-toothbrush at hindi na nag-abala pang maligo dahil pagbalik ko sa condo ay babalik ulit ako sa pagtulog.


Pagbaba ko sa dining ay naabutan ko nang umiinom ng kape si daddy at naghahain na sa lamesa si mommy.


"Good morning, dad" at humalik ako sa pisngi niya matapos niya rin akong batiin.


Kumain kami nang sabay-sabay. Naging mabilis lang iyon dahil hindi ako pwedeng abutin ng liwanag dito sa bahay at ayokong maabutan ng traffic sa daan.


May pagka-strict man ang parents ko, malaki ang pasasalamat ko dahil minsan lang mangyari ang mga ganito, kaya kahit maliliit na bagay ay chine-cherish ko talaga nang husto kapag nakakasama ko sila.


"I'm gonna miss you again!" yakap ni mommy sa akin bago ako sumakay ng sasakyan ko.


"I'll miss you too! Both of you!" sumali na rin si daddy sa yakap namin.


"Inutusan ko na rin ang mga katulong na ilagay sa sasakyan mo ang mga groceries," si mommy.


"Mom, it's too much," pagtingin ko sa back seat ng sasakyan ko at may ilang mga naka-paperbag na nasisisgurado kong galing sa clothing line namin.


"It's the least thing we can do," pagkibit-balikat ni mommy at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti kaya niyakap ko siya nang mahigpit at nagpasalamat sa kanila ni daddy.


Sumakay na ako ng sasakyan at pinaandar ang makina. Ibinaba ko ang bintana dahil naalala kong may sasabihin pa nga pala ako sa kanilang dalawa, "I'll visit here again, promise. Like the usual time. Yung mga alanganing oras," natatawa kong sabi.


"I almost forgot to tell you," panimula ni dad. "In a few months, we will be releasing a new set of collections and you will be doing some shoot here," kaya tumango ako sa kanya at nagpaalam na sa kanila.


Mabilis lang naman ang naging byahe ko dahil maaga pa. Nagpatulong ako sa ibang staff ng condo dahil ang daming pinadala sa akin ni mommy. Umakyat na ako sa unit ko at sinabihan ang mga staff na iwan nalang sa isang tabi ang mga gamit.


I put some of the food inside the refrigerator dahil may mga meat na nakalagay doon.


Kinuha ko ang mga paper bags para ilagay iyon sa kwarto at aayusin ko pagkagising. Paakyat na sana ako sa kwarto pero tinignan ko muna ang bintana nitong condo ko. This is what I love the most in my place, the ceiling to flooring window kung saan kita ko ang halos buong lungsod ng Quezon City. Ang gandang tignan ang mga ilaw mula sa building na kumukuti-kutitap.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now