Kabanata 32

206 11 57
                                    

"Give me the umbrella."


Sabi ni Jayce na nakalahad ang kamay ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay.


Bakit? Pumayag ba ako sa gusto niyang mangyari?


"Wala kang ibinigay na choice," masungit na sabi ko sa kanya. "So, I'll be staying in my car."


"Now is not the time to be stubborn," sagot niya bago tumalikod sa akin.


Did he just call me stubborn?!


Padabog kong binuksan ang payong at naglakad palabas ng hotel. Dahil sa inis ay hindi ko na inantala ang lakas ng ulan at hinayaan nang maputikan ang aking mga paa.


Alam ko naman na kahit sementado na ang dinaraanan ko ay hindi maaanlintana na mayroong nahahalong mga buhangin at lupa rito. At kapag nabasa iyon ay magiging maputik at madulas.


Pero dahil hindi na ganoong kaliwanag sa daraanan ay hindi ko maaninag ng husto ang daang tinatahak ko.


"Oh, shit!"


Hindi ko inaasahang magkakamali ako nang paghakbang. At dahil medyo madulas iyong dinadaanan ko ay inihanda ko na ang sarili sa masakit na magiging pagbagsak ko sa maputik na bahagi ng semento. Pero laking gulat ko ng may brasong pumalibot sa aking baywang kaya hindi ako tuluyang napaupo roon.


"Bakit ba hindi ka nagdadahan-dahan?" pagalit pero sinserong tanong ni Jayce.


Mabilis kong iniayos ang aking tayo sa tulong niya at inialis ang braso niyang nakapalupot sa aking baywang.


"Nagdadahan-dahan ako. Sadyang madulas lang yung daanan."


"Bakit ba hindi mo ko hinintay?"


"Why should I wait for you?" inis kong tanong sa kanya. "Sa kotse nga sabi ako matutulog."


Tumalikod na ako sa kanya at nagmadaling maglakad papunta sa parking nang tuluyan na nga akong madulas.


"Oh, shit!" inis na sigaw ko.


Masakit ang balakang ko sa pagkakabagsak ko sa lupa. At dahil ang parehas na siko ko ang naitungkod ko ay ramdam ko ang gasgas doon. Idagdag mo pa na naputikan ang damit ko.


Sa kotse na nga ako matutulog e! Tapos ganito pa ang nangyari. Nawala tuloy ang antok ko!


Ang dumi ko na. Ayaw kong marumihan ang loob ng sasakyan ko. Ano ba naman kasi 'yon, Adeline! Hindi ka nag-iingat. Alam mo na ngang umuulan e!


"Let me help you," sabi ni Jayce at inialok ang kanyang kamay.


Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now