CHAPTER 2

4.9K 123 2
                                    

AIZLE's POV

Nandito ako ngayon sa opisina ni Damzel. I'm just staring at him na mukhang malalim ang iniisip. Oh well, kailangan na kasi niyang magpakasal sa anak ng bestfriend ng mommy at daddy niya bago pa mawala ang lahat ng pinaghirapan niya.

Yun kasi ang ipinagkasundo ng daddy niya at bestfriend ng daddy niya na ang mga anak nila ang magpakasal. Kung hindi man magpapakasal si Damzel dun hanggang sa matapos ang February ay mawawala lahat sa kaniya.

"Kailan mo balak sabihin sa kaniya?" tanong ko.

Tinignan niya ako ng masama. Takte! Nagtatanong lang eh. "I don't have to tell her because I know, she know it already." sagot niya.

Oo nga Aizle, wag kang tanga! Pinagkasundo nga diba? "Sa tingin mo ba, ang pumatay sa magulang niya at pumatay sa magulang natin ay iisa?" tanong ko.

"Are you stupid? Ang pumatay sa magulang natin ay patay na. So it means, ang mga anak nila ang gumawa nun." inis na sabi niya.

"Ano? Paano? Sinong pumatay?" langya! Sana hindi nalang ako nagbakasyon eh, outdated tuloy ako.

"Her parents who killed them." sagot niya.

Kaya pala pinatay ang mga magulang niya. "Woah! Hindi ba, delikado na ang buhay ng future wife mo? Kaya as soon as possible ay dapat magpakasal na kayo." takte! Ako yung kinakabahan eh.

Matagal nang kilala ni Damzel ang magiging asawa niya, kaya nga simula nung mamatay ang parents ng future wife niya ay lagi na niya itong pinababantayan patago.

Ehem! Concern na siya sa magiging future wife niya ah. Ayos yan!







SHAN's POV

Nandito kami ngayon sa bahay ni Yna, pinsan ko. Kasama ko lahat ng members ng Red Organization. Ngayon na namin sasabihin kay insan ang tungkol sa Mafia at hindi ko alam kong anong magiging reaksyon niya.

Ayaw kasi munang ipasabi noon nila tito at tita nung buhay pa sila (parents ni Yna) ang tungkol dito kay Yna dahil ayaw nilang magalit ang anak nila sa kanila. Ayaw kasi ni Yna sa mga mamatay tao noon paman.

Nandito kami sa salas ngayon, nakaupo, naninigarilyo, umiinom habang hinihintay si insan na umuwi galing sa school.

"Magagalit kaya si Yna pag nasabi na natin?" kuya Kevin asked. My brother.

"Maybe. But we'll do everything para maintindihan niya." sagot naman ni Kellean habang naninigarilyo. Boyfriend ko.

I sighed. "Siguro naman matatanggap niya na siya na ang bagong boss ng Red Org." I said.

"What are you guys doing here?"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. It's Yna. "Insan." tawag ko.

"Bakit?" tanong niya. "Ahh! Buti nalang at nandito kayo, may gusto lang akong linawin." dagdag niya.

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi niya. "Ano yun?" tanong namin.

"Hmm. Just wait here, may kukunin lang ako sa taas." paalam niya at umakyat.

"Ano kayang gusto niyang linawin?" tanong ni Christina.

"Hindi kaya, alam na niya at gusto lang niyang linawin?" napatingin kaming lahat kay Vivien.

"May point ka, siguro let's just wait her for a while." sabi naman ni Cedrick at tahimik na kaming lahat.

Hindi rin naman nagtagal ay bumaba na si insan na may dalang papel. "Alam ko na ang tungkol sa Red Organization." aniya.

Nagulat kaming lahat at nagkatinginan bago ulit tumingin kay Insan. "PAANO?" tanong namin.

Nilapag niya naman ang mga papel. "Here, nabasa ko dito lahat. At lahat kayong nandito ay mga mafia." aniya.

Kinuha naman ni kuya Kevin yung nilapag ni insan at binasa. "Well, mukhang hindi na namin kailangang mag-explain sayo, Yna." aniya.

Umupo naman si Yna sa tabi ni kuya Kevin. "Actually, gusto kong magalit nung nalaman ko yan. Gusto kong magalit kila mommy at daddy at sainyo pero nung nabasa ko lahat ay naintindihan ko na." sabi niya.

"But, we know nothing kong sino ang pumatay kila boss." sabi ni Christina na mukhang malalim ang iniisip.

"Alam ko kung sino."

Napatingin kaming lahat kay insan. "Alam mo? Paano? Sino?" tanong ko.

"Tatlo silang pumatay kila mommy at daddy pero isa lang ang alam ko doon." aniya ni insan sabay lapag ng calling card sa mesa.

Kinuha ko yon at tinignan. "K-Khairo Marquez?!" gulat na sabi ko.

Bakit siya??!!







YNA's POV

"K-Khairo Marquez?!" gulat na basa ni insan.

Kilala niya kaya yan?

"Yan diba yung bestfriend mo na kasama mo sa Korea, Shan?" tanong ni Kevin.

"Oo. At kasali siya sa Mafia? At bakit niya pinatay sila tita at tito? Sa pagkaka-alam ko may gusto siya sayo insan." sabi sakin ni insan.

Kunot-noo ko naman siyang tinignan. "May gusto sakin?" tanong ko.

Don't. Kill. Her.

Don't. Kill. Her.

Don't. Kill. Her.

Nagpabalik-balik sa utak ko yung sinabi nung lalaki nung gabing pinatay nila sila mommy. Di kaya siya yung Khairo Marquez? Kaya ba ayaw niya akong ipapatay dahil gusto niya ako? But hell! I will never ever like him.

"Yna, sino na ang naghahandle ng kumpanya niyo?" tanong ni Kevin.

"Ako." tipid na sagot ko.

Hindi naman ako nahihirapan sa paghandle dahil tinuruan naman ako ni daddy noon pa kung paano maghandle ng kumpanya. Ang pinaghihirap ko lang ay ang schedule ko sa school at trabaho. Ayaw ko din naman kasing tumigil sa pag-aaral. 4th year college na ako at tatlong buwan nalang ay graduate na ako.

"What are we going to do now?" tanong ni Vivien.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko. Ni gumamit nga ng baril ay hindi ko magawa eh, magplano pa kaya? Psh.

*ding*dong*

"Ako na ang magbubukas." presinta ni Christina at tumayo.

Kumunot nalang ang noo ko. Wala naman akong ini-expect na bisita bukod na mga nandito ngayon.

Pumasok na si Christina na may kasamang lalaki, medyo may katandaan na.

"Si Atty. Domazo daw siya at may sasabihin sayo, Yna." sabi ni Christina.

Tumayo naman ako. "Goodafternoon, Atty. Maupo po kayo." pormal na sabi ko.

"Goodafternoon, Ms. Suarez." aniya at umupo.

"Bakit po?" tanong ko.

Inabot niya naman ang isang envelope sakin kaya kinuha ko. "Last will and testament yan ng daddy mo na si Mr. Suarez." aniya.

Last will and testament?



*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Sorry guys kung sabay-sabay akong maga-update ng stories. Ganito kasi ako pagmay naisip na kwento sa utak ko ay agad kong sinulat. Hihihihi.

Pagpasensyahan niyo ko napo ako dahil hindi ko talaga matiis tung nasa utak ko eh at baka mawala pa kung anong bagong story ang nasa utak ko.

Please check my wall and follow my accounts there. Thank you :*

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now