CHAPTER 16

3.5K 104 0
                                    

YNA's POV

Inilibot ko ang mata ko nung magising ako. Nandito pa pala ako sa condo ni kuya Aries. Sabi niya kagabi ay mas gusto niyang magcondo keysa yung bahay talaga.

Bumangon na ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Hang-over nga naman. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si kuya Aries na nagluluto.

"Goodmorning, kuya Aries." bati ko. Ewan ko ba pero mas gusto ko siya tawaging kuya pero hinayaan niya lang din naman ako.

Lumingon siya sakin at ngumiti. "Goodmorning. Tamang-tama at tapos na akong magluto kaya kain kana." aniya sabay lagay sa mesa nung niluto niya.

Nagningning naman ang mata ko nang makita ko yun. "Adobo!" dali-dali akong umupo dahil nakaramdam nabdin ako ng gutom.

Narinig ko namang tumawa si kuya Aries. "Paborito mo ba yan? Parehas pala tayo." aniya at umupo sa harap ko sabay lapag ng kape sakin. "Ayan kape, para sa hang-over mo. Maaga pa para uminom ng malamig baka sumakit ang tyan mo kaya ayan kape." dagdag niya.

Di ko maiwasang mapangiti. "Salamat." sabi ko at nagsimula ng kumain.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos at nagpresinta pa akong maghugas ng pinggan. Ayaw pa sana niya pero pinilit ko siya. At siya naman ay naglinis ng mesa.

Hindi ko alam kong uuwi naba ako sa bahay ni Damzel o hindi. Hindi ko alam kong pano ko siya haharapin. Hindi ko alam kong paano ko aaminin na mahal ko na siya. Haay!!

"Nasan pala ang kapatid mo?" tanong ko nung naka-upo kami sa sofa.

Napatingin ako sa kanya nung hindi pa siya sumagot. "M-May asawa na siya." sagot niya.

Ako naman ang natigilan sa sagot niya. May asawa na ang kapatid niya? Bakit pakiramdam ko ako ang tinutukoy niya? Bakit pakiramdam ko ay siya ang kuya ko? Dahil ba sa kuya rin siya? Dahil ba sa kulay asul niyang mata?

"A-Anong pangalan ng kapatid mo?" utal na tanong ko.

Sana Ivanna Yvon ang pangalan niya. Nasa siya na ang kuya ko. Sana ako na ang kapatid niya. Sana ito na ang hinahanap kong kuya. Sana.

Nakatingin siya deretso sa mata ko at ganun din ako sa kaniya. Ewan ko pero nakita kong nangingilid ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sakin at ako naman ay bumilis ang tibok ng puso ko.

"P-Pag sinabi ko bang ikaw ang kapatid ko, matatanggap mo ako?" pagkatanong niya nun ay tumulo ang luha ko kasabay ng pag tulo ng luha niya.

Kung siya talaga ang kuya ko, hindi ko alam kong anong ibig niyang sabihin kong matatanggap ko ba siya. Hindi ko alam kong may kasalanan siya sakin.

Mababasa ko naman sa mga mata niya ang umasa. Siya ba talaga ang kuya ko? Sinadya niya ba yung itanong sakin?

"I-Ikaw ba ang k-kuya ko?" tanong ko.







ARIES's POV

"I-Ikaw ba ang k-kuya ko?" she asked me.

It means, she know that she has a brother? Did Luthor said to her? Naalala pa pala ako ni Luthor? How about my name? Nasabi niya ba ang pangalan ko kay Yna? Nasabi ba niyang Aries ang pangalan ng kuya niya?

I'm ready to tell her the truth. I'm ready to tell her that I'm her brother. I'm ready to accept if she will get mad of me dahil matagal niya akong hindi nakakasama? Dahil yung panahong namatay ang magulang namin ay wala ako sa tabi niya.

Dahan-dahan akong tumango. "Y-Yes, I'm your brother. I'm Aries Genesis Suarez, the missing son of Arjay Suarez and Yviona Suarez and...your brother." sagot ko.

Sunod-sunod na pag-agos ang luha niya tulad ko. Lintek! Baka akalain niyang bakla ako nito tsk. Basta ang alam ko lang ay masaya ako. Masaya ako dahil nasabi ko na sa kaniya ang totoo.

Bigla naman niya akong niyakap. "Finally, finally I met you. I met my my blue eyed-brother." sabi niya kasabay ng paghagulhol.

I smiled and hugged her back. "I-I'm sorry kong ngayon lang ako nagpakilala sayo. Pero matagal na kitang binabantayan. Matagal ko nang gustong sabihin sayo ang totoo pero natatakot ako. Akala ko magagalit ka sakin dahil wala akong nagawa sainyo, para protektahan sila mommy at daddy. I'm sorry, Yna. I'm sorry."

Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sakin pero hindi siya nagsalita at matuloy lang siya sa pag-iyak so I let her. Gusto ko ring magtagal ito dahil mahabang panahon ang nasayang ko na makasama siya. Kong sana noon pa lang, sana hindi nag-iisa ang kapatid ko. Sana matagal na kaming magkakasama.





YNA's POV

Wala akong pakialam kong ano man ang dahilan niya. Basta nakilala ko lang siya ay masaya na ako. Masaya na akong siya ang naging kuya ko. Masaya na akong nakita ko siya. Ang blue-eyed brother ko.

Nanatili akong nakayakap sa kaniya habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Ang sarap sa pakiramdam na nakayakap ko na ang kuya ko nang matagal.

Lumayo na ako sa pagkakayakap niya at agad naman niyang pinunasan ang mga luha ko sa mata at hinalikan niya ako sa noo. Mas lalo akong naging masaya sa ginawa niya. Ganito pala ang pakiramdam na may kuya ka.

"Gusto pa kitang makasama ngayon pero baka hinahanap ka nang asawa mo at may gagawin din ako." nakangiti niyang wika.

I nodded. "Kilala mo ba si Damzel?" tanong ko.

Tumango siya. "Matagal na. Actually, ako rin ang nagsabi sa kaniya nung nakidnap ka at sinundan kita non. Ako rin ang nagsabi na may pupuntang ibang mafia sa bahay niyo. Sumali ako sa iba't-ibang gropo para malaman ang mga plano nila sa inyo. Gusto kitang protektahan sa abot ng makakaya ko kaya ko ito ginawa." kwento niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Kuya, delikado yan! Pano pagnalaman nila na spy ka? Baka patayin ka nila!" nag-aalalang sabi ko.

Pano kong malaman nila na traitor siya? Anong nalang ang gagawin sa kaniya nung ibang gropo?

"That will never happen." sabi niya sabay kindat.






*-*-*-*-*-*-*

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now