CHAPTER 17

3.6K 102 9
                                    

YNA's POV

Pauwi na ako sa bahay galing sa condo ni kuya Aries. Kinakabahan ako na ewan kasi hindi ko alam kong anong sasabihin ko kay Damzel. Kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko.

Nasa tapat na ako ng pinto. Nakabukas na siya siguro nandito sila--"NOONA!"

Napatingin ako sa hagdagn nung may tumawag sakin. Nasa tapat lang kasi ng pintuan ang hagdan. "Daniel." tawag ko.

Yumakap naman siya sakin. "Where have you been?" tanong niya.

"My wife!" biglang sulpot ni Damzel sabay yakap sakin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "I-I miss you." bulong niya.

Nanghihina ang tuhod ko sa di malamang na dahilan at buti nalang ay nayakap niya ako dahil kung hindi ay napa-uno na siguro ako.

"Hi Yna! Saan ka galing? Nag-alala masyado si Damzel." sabi ni Nathan na nasa likod ni Damzel.

"Yow Yna!" si Red.

"Hey!" Aizle.

Bumitaw naman si Damzel sa pagkakayakap at hinila ako papasok at naupo kami sa salas. Yung apat naman ay dumeretso sa kusina. Magla-lunch time na rin kasi.

"Where have you been? I'm so worried." nakatungong sabi ni Damzel.

Nakatingin lang ako sa kaniya. "S-Sorry." sabi ko at umiwas ng tingin.

"Sorry rin. Sorry kahapon. H-Hindi ko alam na gagawin niya yun at nabigla din ako. Hindi ko rin alam na pupunta siya dun kasi bigla-bigla nalang siyang sumusulpot." paliwanag niya.

Nakatingin lang ako sa paa ko at hindi makatingin sa kanya kahit ramdam kong nakatitig siya sakin. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag." sabi ko.

"Kailangan. Because you're my wife." aniya.

"Di mo naman ako mahal diba?" nabigla ako sa tanong ko at mas lalong hindi makatingin sa kanya.

Ramdam ko ring nabigla siya. "Sinong nagsabing hindi?" tanong niya.

Natigilan ako sa tanong niya at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. "A-Anong ibig mong sabihin?" utal na tanong ko.

Bigla niyang hinawakan ang isang braso ko at ang isang kamay naman niya at nasa batok ko kasabay ng paglapat ng mga labi namin at magkabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw sa pagkabigla nang ginawa niya.

Tumagal ng tatlong segundo bago siya humiwalay ng may ngiti sa labi. "I love you, baby. I love you so much." wika niya.

He loves me? Naramdaman ko nalang ang likidong dumaloy sa pisngi ko galing sa mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

"Oh damn, don't cry." wika niya at pinunasan ang luha ko.

I wrapped my arms on his nape and kiss him. Nabigla siya sa ginawa ko but I feel like he smile. He pull my waist closer to him and kissed me back. Parang huminto ang oras sa ginawa namin na para kaming may sariling mundo.

Humiwalay na rin ako sa kanya. "Mahal din kita, hubby. Mahal na din kita." nakangiting wika ko.

He smiled at me and the next thing I knew, we're kissing again.





KELLEAN's POV

Nakatingin lang kami nila Shan, Vivien at Christina kila Cedrick at Kevin na kanina pa nagsusuntukan. Sanay na din kami sa kanila, noon pa man ay ginagawa na nila yan at para lang kaming nanunood ng action movie.

"Napakabakla mo namang manuntok, tol! Wala na bang mas malakas pa dun?" mayabang na tanong ni Cedrick kay Kevin.

"Potek! Bakla ko mukha mo!" sagot naman ni Kevin at nagsuntukan ulit sila.

Napatingin ako kay babe Shan nung magsalita siya. "Nasan na kaya si kuya Luthor? Kanina pa yun wala ah." aniya.

"Siguro may inaasikaso lang." sagot ko at inakbayan siya.

Yumakap maman siya sakin habang nakahiga ang ulo sa balikat ko. "Lagi nalang siyang wala. Ano ba kasi yung inaasikaso niya." nakanguso niyang tanong.

Ngumiti ako at hinalikan ang labi niya na ikinabigla niya kaya natawa ako. "Wag ka kasing ngumuso dahil hahalikan talaga kita bigla." sabi ko.

Ngumiti naman siya at humiga ulit sa balikat ko. Kita ko pang namula ang pisngi niya kaya di ko maiwasang mapangiti dahil ang cute-cute niya. Mahal na mahal ko to eh.

Pero tama siya, lagi nalang umaalis si Luthor ng hindi nagpapaalam. Magpapaalam lang siya pagnakita namin siyang papaalis. Nako-concious tuloy ako kung anong ginagawa niya. Wala din naman siyang sinasabi.

"Hoy kayong dalawa! Pareho lang naman kayong ambabakla sumuntok eh!" sabi ni Vivien.

Natapos na pala silang magsuntukan at kanya-kanya nang upo sabay lagok ng beer.

"Si kuya Kevin parang nanununtok lang ng bata hahaha." natatawa namang wika ni Christina kaya natawa rin kami.

Napasimangot naman si Kevin. "Wag ka nga, Tina. Masakit lang talaga ang katawan ko." sagot naman ni Kevin.

"Palusot ka, tol? Hahaha." pang-aasar ni Cedrick.

"Ulol! Pakyo ka!"

"Hahahahaha."

"Teka, hindi pa ba bumalik si kuya Luthor?" takang tanong ni Kevin nung mapansing wala pa ang kuya.

Umiling kami ni babe. "Hindi pa nga eh, hindi rin naman siya nagpaalam kaninang umaga na aalis siya basta bigla-bigla nalang nawawala dito sa bahay." sagot niya.

"Ano ba kasing lagi niyang ginagawa? Bakit wala siyang sinasabi satin?" kunot-noong tanong ni Kevin.

"Ikaw, Vivien. Ikaw naman ang close ni Luthor, wala ba siyang sinasabi sayo?" tanong ni Cedrick kay Vivien kaya napatingin kami kay Vien.

Umiling naman siya at nagkibit-balikat. "Tulad niyo, wala ring sinasabi sakin." sagot niya.

Napabuntong hininga nalang kami. "Sa susunod kaya ay sundan natin siya?" suggestion ni Cedrick.

Nagkatinginan naman kaming lahat. "Pwede rin." sabay naming sagot.

"No need."

Napatingin kami sa pintuan nung may nagsalita na ikinatigil namin. Si Luthor na dere-deretso lang sa pag-upo at mukhang problemado.

"Saan ka nanggaling, bro? Lintek ka naman eh bigla-bigla nalang nawawala." kamot-ulong sabi ni Kevin.

Walang emosyon namang tumingin si Luthor sa kaniya. "May auction tomorrow and we have to go there." aniya.

Nagkatinginan kami at sabay na napatingin sa kaniya. "Sa babae/lalake?" sabay na tanong namin.

Hinawakan naman ni Luthor ang batok niya at pinatunog bago inihiga ang ulo sa sandalan ng sofa at pinikit ang mata. "For boys. Zeus will come too." aniya.

So, ibig sabihin ay sasali kami sa auction?







*-*-*-*-*-*

27 days nalang at pasko na! Charot. Birthday ko na pala sa March 27 hehe wala lang share ko lang :D

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now