CHAPTER 11

3.6K 95 3
                                    

AIZLE's POV

Tang*na! Kanina ko pa tinatawag si Vivien pero mukhang sobrang lalim ng iniisip at walang humpay sa pagtulo ang mga luha niya. Ano bang nangyari sa kaniya? Pinahidan ko na't lahat-lahat ang luha niya pero di parin nagising ang diwa niya.

"Hey, Vivien!" tawag ko at inalog-alog pa siya pero wala. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at.."VIVIEEEEN!!"

"Ay potangina ka!!" natawa ako dahil napatalon siya sa gulat. She glared at me. "BAKIT MO AKO SINISIGAWAN?!" galit na sigaw niya sakin.

Napakamot ako ng ulo. Wengya! "Kanina pa kita tinatawag at bakit ka umiiyak?" tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya at kinapa ang pisngi. "W-Wala to. Tara sa loob." anyaya niya at nagpaunang pumasok.

Nagkibit-balikat nalang ako at sinundan siya. "Damzel, san ka pupunta?" tanong ko nung makitang palabas siya.

"Somewhere." tipid na sagot niya at lumabas. Hays.





YNA's POV

Nandito ako ngayon sa guidance office. Bwesit kasi itong ex-bestfriend ko na mang-aagaw ng jowa eh bigla-bigla nalang akong sinugod ayan tuloy at nagsuntukan kaming dalawa na parang lalaki. Ang sakit tuloy ng mukha ko.

Nasa tapat ko siya na masama ang tingin sakin at syempre ganun din ako sa kaniya.

"Ms. Suarez, nasan na yung tinawagan mo?" tanong ng principal namin.

"Papunta na po." magalang na sagot ko.

Si Damzel ang tinawagan ko papunta dito. Si kuya Luthor sana kaso hindi ko makontak eh kaya si Damzel nalang. Geez! Nagugutom na ako.

*knock*knock*knock*

Napatingin kami sa pintuan nung may kumatok at kusa rin itong bumukas na iniluwa ang expressionless na si Damzel. Thanks God at nakarating na siya.

"Mr. Damien?!" gulat na tanong ng principal. Woah! Kilala niya si Damzel?

Kumunot pa ang noo ni Damzel na tumingin sakin bago siya tumingon kay Ms. Principal. "Goodafternoon, Ms. Cruz." bati ni Damzel.

"Ano pong kailangan niyo, Mr. Damien?" tanong ni Ms. Principal.

Tumingin sakin si Damzel. "My wife call me and there's something happens?." aniya.

Tinignan ko si Honey yung kaaway ko na natulala kay Damzel kaya di ko mapigilang maitaas ang kilay ko.

"W-Wife?" takang tanong ni Ms. Principal.

Damzel nodded. "Yeah. Ano nga palang problema?" tanong niya.

Ms. Pricipal cleared her throat. "Please, sit down, Mr. Damien." agad namang umupo si Damzel sa tabi ko.

Tumingin siya sakin. "What happen to your fvcking face?" tanong niya.

I glared at him. "Pwede ba, kausapin mo nayan gutom na ako eh." nakangusong sabi ko.

"Uh, about that Mr. Damien, nagsuntukan kasi sila nitong si Ms. Lopez kanina kaya sila nandito." sabi naman ni Ms. Principal.

*****

Matapos mag-usap-usap sa loob ng G.O ay lumabas na rin kami. Kasabay pa namin si gaga na kanina pa nakatingin kay Damzel ampotek!

"Uh, excuse me. Ako nga pala si Honey." biglang sulpot niya at naglahad ng kamay.

"He's not interested." sagot ko sabay hila sa kamay ni Damzel paalis pero hinawakan niya sa kabilang braso si Damzel.

"Hey! Wag ka ngang bastos, hindi ikaw yung kinakausap ko." inis na wika niya sakin.

"Eh ano naman sayo? I'm his wife kaya wala kang pakialam." ugh!

Ngumisi naman siya sakin. "Eh ano rin naman sayo kung asawa mo siya? Eh hindi naman ikaw ang kumukontrol sa kaniya." nang-asar pa talaga!

Naikuyom ko ang kamao ko at galit na tumingin sa kaniya. Magsasalita na sana ako nung makarinig kami ng kasa ng baril. Pareho kaming nagulat ni Honey na itinutok sa kaniya ni Damzel ang baril pero napangisi nalang ako.

"Get lost." wika ni Damzel at hinila ako paalis.

Nilingon ko pa si Honey at kinindatan pero hindi maipinta ang mukha niya. Buti nga sa kaniya.

Pagkarating namin sa parking lot ay agad kaming sumakay sa kotse niya. "Ano namang kalokohan ang ginawa mo babae?" biglang tanong niya at pinaharurot ang kotse.

"Diba sinabi ko na sayo na bigla niya nalang akong sinugod. Bakit ba ayaw niyong maniwala? Kahit tanungin mo pa ang mga kaklase ko!" inis na sagot ko.

"Tss."

"Oy, Damzel! Magdrive-thru tayo sa McDo gutom na kasi ako eh." wika ko.

"Alright."

Huminto naman ang kotse namin at binaba niya ang bintana sa side niya. "Goodafter..noon sir." bati nung babaeng crew.

"Ano sayo, Damzel?" tanong ko.

"Sundae and fries will do." aniya.

Tumango naman ako. "Two sundae with cookies, one spicy chicken, 2 large fries and one burger please." Sabi ko.

Agad namang nilista ng babae. Kaya nagsimula ng magdrive si Damzel para hintayin ang in-order namin.

Nung nakuha na namin ang order namin ay nagsimula na akong kumain at nagsimula namang magdrive si Damzel.

Tinignan ko yung sundae niya baka matunaw kasi hindi pa niya kinakain dahil nagdadrive siya kaya kinuha ko ito at binuksan.

"Ahh" sabi ko at tinapat sa kaniya ang plastic spoon na may sundae.

Kumunot naman ang noo niya pero sinubo din. Kumuha ako ng fries at sinubo sa kaniya. Palipat-lipat lang ako. Subo sakin, subo sa kaniya at hindi naman siya umangal.





SHAN's POV

"Uy walangya! Talo na naman tayo, ambobo kasi ni Cedrick eh!" nakabusangot na reklamo ni Red.

Naglalaro kasi sila ng Mobile Legends. Sa team ni Red ang kasama niya ay si Cedrick, Daniel at Nathan tapos ang kalaban nila ay sila Kellean, kuya Luthor, kuya Kevin at Aizle. Four vs. Four kasi sila at rank game pa. Pffft.

"Ambobo naman niyo naman hyung, aiish!" haha ang cute talaga ni Daniel. Marunong din siyang makisabay sa mas nakakatanda sa kaniya.

"Hahahaha talo na naman namin kayo! Ambobo niyo, pota!" natatawang wika ni Kellean.

I shift my gaze at Vivien. Kanina ko pa kasi napapansing tulala siya and I know kung ano na naman ang iniisip niya. It's Lerio, boyfriend niya.

Hindi ko rin maitangging may kasalanan ako o kami dahil kung napaaga lang sana ang pagligtas namin sa kanila ay sure akong buhay pa si Lerio kaso natagalan kami eh. Hindi namin basta-basta mahanap kung saan sila dinala ng kalaban.

Mahal na mahal niya talaga si Lerio. Mahal na mahal.

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now