CHAPTER 8

3.8K 102 18
                                    

YNA's POV

Lutang ang utak ko habang naglalakad. Ni hindi ko nga alam kong saan ako pupunta eh dapat nasa school ako ngayon pero hindi ako dinala ng mga paa ko dun.

Iniisip ko padin kung sino yung batang lalaki na kasama nina mommy at daddy sa picture. Hindi lang isa ang picture nila kundi madami at parang nasa four or five years old yung bata.

Wala naman akong kapatid at isapa wala silang sinabi sakin kung may kapatid ba ako. Kung kamag-anak ko man yun ay impossible dahil sila Shan, kuya Luthor at Kevin lang ang kamag-anak ako.

Naalala ko tuloy si Aries yung nakabangga ko sa mall na kulay asul din ang mata? Siya kaya yun? Napailing ako sa inisip ko. Impossible ding siya yun ni hindi ko nga siya kilala at tsaka hindi lang naman siya ang may asul ang mata dito no!

I came back to my senses nung bigla nalang may humintong puting van sa harap ko. Lumabas dun ang mga lalaking naka-itim at nanlaki ang mata ko nung bigla nila akong hinila papasok.

Sinubukan kong magpumiglas kahit nasa loob na ako ng van at humarurot. "Hala oy! Sino kayo?! Bitawan niyo nga ako! Ano ba!" sigaw ko sabay piglas.

Tinapakan ko ang paa ng isang lalaki na humawak sa kanang braso ko. "Ahhh! Shit! Shit!" mura niya. Nakaheels kasi ako kaya masakit.

Nung nabitawan niya ang kamay ko ay agad kong sinuntok gamit ang kanang kamay ko sa lalaking humawak sa kaliwang braso ko.

"AHH DAMN!"

"Ibaba nyo ako!!" sigaw ko.

Patuloy ko silang pinagsusuntok at tinapakan. "Ahhhh!" daing ko nung may humila sa buhok ko galing sa likod.

"Matulog ka muna." rinig kong sabi nung nasa likod ko.

Nakaramdam ako na parang may tumusok na injection sa leeg ko hanggang sa mawalan ako ng malay.






ARIES's POV

Kanina ko pa sinusundan si Yna na mukhang wala sa sarili. Hindi ko alam kong ano ang iniisip niya. Nakasuot pa naman siya ng uniform. Pfft.

Lalapitan ko na sana siya pero napatigil ako nung may humintong van sa harap niya. Mabilis siyang hinila papasok. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba na baka may mangyari sa kaniya.

Dali-dali akong pumasok sa kotse ko para masundan sila. Agad ko itong pinahahurot. I took out my phone from my pocket and dial someone's number. It took three rings before he answer.

[What do you want?] kalmadong tanong niya sa kabilang linya.

"Track me or track Yna's phone." I said and end the call.






NATHAN's POV

Mabilis kong pinaharurot ang motor ko pasunod sa kotseng sinasakyan ni Damzel. Kahit sila Aizle at Red ay nakasunod din.

Tinrack na din namin ang cellphone ni Yna kung nasan siya.

Huminto na ang kotse niya sa isang abandonadong building. Pucha! Nakakatakot tignan ng building na ito kahit napaka-aga pa. Hininto ko narin ang motor ko. Agad kaming pumasok.

"Let's seperate together." kalmadong sabi ni Damzel.

Nasipagtanguan naman kami bago naghiwalay ng pupuntahan. Sa gitna si Damzel at sa magkabilang side naman si Red at Aizle at ako naman ay dumaan sa likod.

May nakita akong tatlong naka-itim na napalingon sakin. Bago pa man nila ako mabaril ay inunahan ko na sila. Pucha! Hindi pa ako pwedeng mamatay no!

Nakarinig narin ako ng mga putok sa loob dahil nagpuputukan na rin sila. Pfft.






RED's POV

"Sabi ng mas gwapo pa ako sainyo eh!" sabi ko sa mga nabaril ko at inihipan ang dulo ng baril ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naghiwa-hiwalay kasi kami at walangya! Nakapadilim dito. Pero kahit madilim ay nakikita ko parin ng mapupungay kong pulang mata.

Kung nagtataka kayo kung bakit pula ang mata ko ay hindi ko rin alam hahaha basta ang alam ko lang ay namana ko ito sa tatay kong buang.

Nakakita naman ako ng pigura at alam kong kalaban yan at bigla nalang akong pinaputukan. Shit! Buti nalang pinaglihi ako ng mabilis kaya nakapagtago agad ako.

Inahanda ko na ang baril ko at lumabas sa pinagtataguan ko at pinaputukan siya. "Walangya! Hindi bagay sayo maging mafia dahil tanga ka!" para akong baliw dito na kinakausap ang patay. Tsk tsk.






AIZLE's POV

"SON OF A BITCH!" sigaw ng lalaking binaril ko sa magkabilang binti at kamay. Pfft. Brutal na kung brutal pero gusto ko siyang mahirapan.

I smirked at him. "Saan mo pa gustong tamaan? Sa mata? Saan banda sa left o right?" tanong ko habang nakasandal sa semento habang naninigarilyo. Dapat chill lang.

"DAMN YOU! MAMATAY KA RIN AT KAPATID MO!" sigaw niya.

*BANG*

Pinaputukan ko na ang ulo niya. "Wrong choice of word, asshole. Wag na wag mong idadamay ang kapatid ko." I clench my fist of anger.






YNA's POV

"Patayin na natin yan! Nandito na ang mga Zeus."

"Marami naring kasamahan natin ang namatay."

"Sige."

Gising na ang diwa ko pero hindi ko minulat ang mata ko hanggang sa makaramdam akong may humawak sa binti ko kaya napabalikwas ako ng bangon at sinamaan ng tingin ang humawak.

"MMMM!" hays. Nakatakip ng tape ang bibig ko.

"This is the end of your life." he said and pointed a gun on my forehead.

Mapapikit nalang ako at hinintay na pumutok ang baril sa noo ko. Hanggang dito nalang ba talaga ako?

Nakarinig ako ng maraming putok pero parang hindi naman sakin tumama.

"My wife!" eh?

Napadilat ako nang mata at tinignan kong sino ang tumawag sakin. "AMMM!"

Lumapit sakin si Damzel at tinanggal ang takip na tape sa bibig ko. "Are you okey? Sinaktan kaba nila?" nag-aalalang tanong niya.

Nakarinig ako ng ilang putok ng baril bago ko makita sila Aizle na pumasok sa pintuan. Thank you lord at ligtas ako.

Agad akong napayakap kay Damzel nung nakalagan niya ako at hindi ko maiwasan mapaiyak. Sa totoo lang, natakot ako nung tinutukan ako ng baril nung lalaki.

"A-Akala ko katapusan ko na." wika.

"Pfft. Hindi yan mangyayari." natatawang sabi ni Damzel at lumayo habang pinunasan ang luha ko.

Tumayo na ako na agad niyang inalalayan.


*-*-*-*-*-*-*

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ