CHAPTER 12

3.6K 104 0
                                    

YNA's POV

"Insan, kumusta pala ang companya niyo? Gusto mo tulungan kitang maghandle?" tanong ni Shan habang binabalatan ang hipon.

Nandito kami sa kusina ngayon ng mga girls. Kami ang magluluto ng dinner at ang mga boys naman ay nasa salas busy sa kakalaro ng mobile legends.

"Hindi na, insan. Malapit narin naman akong makatapos at makakafocus na ako sa companya." sagot ko habang nilalagay sa itlog at harina ang hipon habang sila Christina at Vivien naman ay humihiwa at gilalagyan ng cheese ang tilapia.

"Magna cumlaude yan si Yna." singit ni Christina.

I shrugged my shoulders. "Hindi naman." sagot ko. Sure akong si Marion ang magna, talino kaya nun laging perfect.

"Vivien, ikaw magprito nitong tilapia." wika ni Christina kay Vivien.

Tumayo naman agad si Vivien. "Alright"






RED's POV

"Let's get ready later, may bisita tayo." sabi ni Damzel na kakababa lang ng hagdan.

Bisita daw? "Areglado, boss!" sagot naman nila Nathan.

Yung tinutukoy ni Damzel ay may darating dito sa bahay niya mamaya na kalaban namin. Langya! Pano kaya nalaman ni Damzel yun? May spy kaya siya? Takte!

"Boys, kain na tayo!" tawag ni Shan na kakalabas ng kusina.

Tumayo naman kami papunta sa kusina. Nakahanda na ang mga pagkain at nakaupo narin sila. Kaniya-kaniya naman kami ng upo. Nasa dulo ng mesa si Damzel at nasa kanan naman niya ay si Daniel, Yna, Ako, Aizle at Nathan. Sa tapat naman namin ay sila Shan, Kellean, Luthor, Vivien, Christina, Kevin at Cedrick.

"Let's eat."

Nagsimula na kaming kumain.






YNA's POV

"Tulog kana." wika ni Damzel pagkalabas ko ng banyo. Naka-upo siya sa paanan ng kama habang nag-aayos ng baril.

I pouted my lips at padabog na umupo sa kama. "Bakit mo ako pinapatulog? Maaga pa naman." sabi ko.

Tinignan niya naman ako ng seryoso. "Are  you ready to kill people?" biglang tanong niya.

Medyo nagulat ako sa tanong niya. "Ha? Bakit?"

"We have a visitors later. An enemy." aniya at nagpatuloy sa ginagawa.

Enemy? Ibig sabihin--"Sige ba! Enemy naman pala eh!" excited na tugon ko.

"Come here, mag-ayos ka rin ng baril." aniya.

Agad naman akong lumapit sa kaniya at inayos ang baril. Marunong na rin ako nito kasi tinuruan niya ako. Nung una nga ay naipit pa ang kamay ko pero nawala naman kaagad ang sakit.

Alam niyo bang sobrang excited ko at the same time kinakabahan. Paano kung ako ang mabaril ng kalaban? Waaa pano na? Siguro naman hindi ako pababayaan ni Damzel no? Oo tama kaya dapat nasa tabi niya lang ako.

Bigla namang tumayo si Damzel. "Stay here. Pupuntahan ko lang sila." wika niya.

I nodded. "Okey." at lumabas na siya ng kwarto namin.

*BLAG*

Eh? Napatingin ako bigla sa may bintana at agad akong napatayo ng makita ko ang isang lalaki. Hindi ko kilala kung sino at may baril siyang nakatutok sakin. Damn! Pano siya nakapasok di--Oh god! Pano nabukas ang bintana?

"Oh, my bad. I know you're so shocked kung sino ako? Well, magpakilala muna ako para bago ka pa mamatay ay kilala mo na kung sinong pumatay sayo. I'm Inigo Saffron, and I'm the one will kill yo--"

Nanlaki ang mata ko nung biglang may bumaril sa kaniya sa noo. Oh my god! Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Damzel.

Ilang beses na ba akong muntikang mamatay? Baka sa susunod na tutukan ako ng baril ay wala nang tutulong sakin at katapusan ko na.

"Are you okey?" nakalapit na pala si Damzel sakin.

Dahan-dahan naman akong tumango. "S-Salamat."

"Tss. Get your guns and we'll go downstairs." wika niya.

Agad ko namang kinuha ang dalawang silencer na baril sa kama at lumabas ng pinto. Nasa likod niya lang ako habang nakikiramdam kasi ang dilim mukhang sinadya nilang patayin.

Teka, nasan kaya sila insan? Nasabihan na kaya sila ni Damzel? Naramdaman ko naman may tao sa likod namin kaya tinutok ko ang baril ko at agad na kinalabit ang gatilyo. Nakarinig kami ng bumagsak kaya natamaan ko kung sino man yun.

"Nice."

Napalingon ako kay Damzel na mukhang nakatingin dun sa nabaril ko kaya ngumiti lang ako kahit hindi ko alam kung nakikita ba niya ako.

Dahan-dahan kaming bumaba ng hagdan. Nung makababa kami ay agad akong hinila ni Damzel at isinandal sa semento na muntikan na akong sumigaw pero agad niya tinakpan ang bibig ko.

"I want to do this to you, right here, right now." before I could say anything my eyes widened of what he did.

H-He kissed me?!! What the hell?!! Para akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok. Ano bang ginagawa niya?!

"Ops! Sorry!" natatawang bulong niya but I was stunned.

This is our second kiss! Oh my god! Ano bang nakain niya at nagawa niya pa akong halikan sa ikalawang pagkakataon?!

Nagising lang ang diwa ko nung may naaninag akong lalaki sa di kalayuan na nakatingin samin habang nakatutok ang baril kaya itinaas ko ang kamay ko at kinalabit ang gatilyo. Buti nalang at marunong ako kaya natamaan siya.

Inis naman akong humarap kay Damzel at nagawa pa talaga niyang ngumisi huh? "Mamatay na tayo't lahat halik lang talaga talaga ang nasa utak mo?!" inis kong tanong.

He chuckled. "Hindi tayo mamamatay." he said.

Bwesit to! Nakakainis! Muntik na kaming mabaril kung hindi ko lang napansin yun lintek talaga!

At isa pa, wala siyang karapatang halikan ako no! Mag-asawa lang kami pero hindi ibig sabihin nun ay pwede na niya akong halik-halikan! Ano siya sinuswerte? Nakawan ba naman ako ng halik!

Napapikit ako nung biglang umilaw. Napakasakit kasi sa mata na galing ka sa madilim tas biglang lumiwanag.

Dahan-dahan ko naman minulat ang mata ko ang nakita kong may hawak na maliit na remote si Damzel mukhang yan siguro ang ginamit siya.

Tinignan ko ang maligid at ganun nalang ang gulat ko ng makita ang mga nakabulagtang lalaki sa sahig. Tinignan ko rin yung pwesto ng binaril ko kanina at  nakita kong sa noo ko siya natamaan.

For real?!!





*-*-*-*-*-*

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now