CHAPTER 48

2.9K 61 3
                                    

YNA's POV

"Let's go, wife?"

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a cream corporate dress and think brown belt. And christian louboutin cream heels.

Nakangiti akong humarap kay Damzel. "Yup, let's go?" Sabi ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Damn beautiful." Nakangiti niyang wika sabay hapit ng bewang ko palapit sa kanya. "You're beautiful always and forever in my eyes." Bulong niya at hinalikan ako sa labi.

Nung maghiwalay kami sa halik ay agad akong kumuha ng tissue sa bag at pinunasan ang lips niya. "Nagkalipstick ka tuloy." Sabi ko.

Hinalikan niya ang noo ko at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ay basta nag-aya lang siya bigla na magde-date daw kami. 4th monthsary din kasi namin ngayon. Pormadong-pormado ang suot niya. Mas lalo siyang gumwapo.

Nung makapagpaalam na kami sa kanila, pati na rin kay kuya Aries na nandito ay lumabas na kami ng bahay.

Pinagbuksan ako ni Damzel ng pinto at agad akong pumasok. Pagkasarado niya ay dali-dali siyang umikot papasok sa driver's seat.

Lumapit pa siya sakin at hinalikan ako sa pisngi bago pinaharurot ang kotse paalis.

"Saan ba kasi tayo magde-date?" Tanong ko.

"You'll see, my wife." Nakangiti niyang sagot pero nasa daanan ang paningin.

Kinuha ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan. Napangiti nalang ako at tumingin sa bintana habang nanatili kaming magkahawak ng kamay.

Kaya daw kami magde-date ngayon ay hindi daw kami pwedeng magkasama sa araw na bago ang kasal namin dahil yun daw ang tradisyon.

Hindi nagtagal ay nakarating kami--halos malaglag ang panga ko dahil sa ganda ng labas ng isang resto na maraming hearts. Romantic restaurant ata. Hindi ko mapigilang maging excited papasok. Kung maganda dito sa labas ay mas lalong maganda dun sa loob.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nung biglang binuksan ni Damzel ang pinto sa gilid ko. Hindi ko man lang namalayan na nakababa na pala siya dahil sa pagka-mangha ko.

Itinapat niya ang kamay niya sa harap ko para maalalayan kaya tinanggap ko nalang ito at lumabas niya. Isinara na niya ang pintuan at pinulupot ang braso ko sa braso niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakangiti siya sakin kaya ngumiti rin ako at nagsimula na kaming maglakad papasok.

Pinagbuksan naman kami ng pinto nung lalaki--"Nathan?" Takang tawag ko.

Ngumiti naman siya. "Good evening, Mr. and Mrs. Damien. Enjoy your date." Pormal niyang sabi sabay kindat.

"Don't winked at my wife, Nathan, if you don't want to die." May pagbabanta sa boses ni Damzel.

Tinakpan naman ni Nathan ang bibig niya na para bang nagpigil ng tawa. "Yes, boss. Pfft." Aniya.

"Bakit ka nandito, Nathan?" Tanong ko.

"Kami ang naghanda, Yna. Pasok na kayo." Aniya.

"Let's go, my wife." Sabi ni Damzel.

Tumango nalang ako at hindi na nagtanong. Nung makapasok kami ay inilibot ko agad ang mata ko at hindi ko mapigilang mamangha sa ganda.

Pagpasok mo palang ay makikita mo na agad yung kulay gold letter balloons na nakalagay na 'Happy 4th Monthsary of Love and Happiness, My Wife. I Love you'.

Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko sa nabasa. Mahal na mahal din kita, Damzel. Happy 4th monthsary of love and happiness.

Walang ibang lamesa na nandito maliban na nasa gitna. Wala ring ibang tao. Nakakalat sa sahig ang rose petals, pulang balloon na heart shape, tapos nakasabit ang maraming mga pictures.

Hinawakan ko ang mga picture at tinignan. Hindi ko mapigilang mapangiti nung makitang kaming dalawa ni Damzel ang nasa picture at meron din ako lang mag-isa na pinopost ko sa facebook, instagram at twitter ko.

Bigla namang humarap si Damzel sakin na nakangiti at pinunasan ang luha ko. "Happy 4th monthsary, baby. I love you so much." Aniya.

"Happy 4th monthsary din. Mahal na mahal na mahal kita."

Hinalikan niya ako sa kabi na agad ko namang tinugon pero una akong humiwalay baka magkalat yung lipstick ko. Natawa lang siya at iginaya ako pa-upo bago siya umupo sa harap ko.

Saktong pagupo naming dalawa ay may lumapit na lalaki samin at agad ko itong nakilala. Hindi na ako nagulat kung nandito si Aizle na nagseserve ng pagkain namin at hindi na rin ako magugulat kung makikita ko si Red dito.

"Enjoy your night, Mr. and Mrs. Damien. Happy 4th monthsary for the both of you. Staystrong." Nakangiting bati niya.

Ngumiti naman ako. "Salamat, Aizle." Sabi ko.

Nakangiti siyang tumungo bago umalis. Napatingin ulit ako kay Damzel na nakangiting nakatitig sakin kaya ngitian ko siya pabalik.

"Kain na." Sabi ko at nilagyan ng pagkain ang pinggan niya.

"I love you." Aniya.

Ngumiti ako sa kanya. "I love you, too."

Masaya kaming kumain ni Damzel. Naubos din namin ang pagkain na nakahanda dito at busog na busog ako.

Nung bigla nalang tumugtog ang kanta ay tumayo na si Damzel at naglahad ng kamay sa harap ko. Nagaya siyang magsayaw at agad naman akong pumayag at tinanggap ang kamay niya.

Naglakad kami hindi malayo sa mesa. Pinulupot niya ang dalawang braso ko sa batok niya at ang kamay naman niya ay nakapulupot sa bewang ko at inilapit sa kanya.

Nakangiti kaming nagsayaw sa isa't-isa. Dikit na dikit ang katawan namin at ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"Mas lalo akong naiinlove sayo, baby." Aniya.

Parang kinilig ang bulate sa tyan ko dahil may gumalaw. "Ako din eh. Sobra pa sa 100 percent ang pagmamahal ko sayo."

He kissed my forehead at pinagdikit ang noo namin sa isa't-isa. "Akin ka. Walang pwedeng umangkin sayo. Kung may nagtangka mang agawin ka sakin ay ililibing ko ng buhay."

Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi. "Sayo lang ako. Pagaari mo ako."

"Goodgirl. I love you."

"I love you, too."

Hinawakan niya ang isang pisngi ko at siniil ng halik ang labi ko na kaagad kong tinugon. Walang tao at ingay ng kanta. Parang kami lang talaga ang nandito ni Damzel. Ng taong mahal ko.


Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now