EPILOGUE

4.3K 82 8
                                    

DAMZEL's POV

"Ahhhhh Damzel!!!!"

Halos lumundag ako patayo galing sa pagkaka-upo ko dito sa sofa sa salas kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko dahil sa sigaw ng asawa ko.

Mabilis akong tumakbo pa-akyat at sumunod naman sila Daniel sakin. Mabilis kong binuksan ang pinto.

"My wife! What happen--" napatigil ako nung makitang may dugo ang kanyang binti.

"D-Damzel! Anong tinatanga-tanga mo dyan! Manganganak na ata ako!" Mas lalo akong hindi makagalaw sa sinabi niya.

"What the fuck, kuya!" Sigaw ni Eion but still, I can't move in shock. "Shit!" Mabilis na tumakbo si Eion palapit sa asawa ko at binuhat.

"Walang hiya ka, Damzel!! Manganganak na ako't-lahat ay hindi ka pa gumalaw!!!" Rinig kong sabi ng asawa ko.

"Kuya!"

"Hyung!"

Natauhan lang ako nung paulit-ulit akong ina-alog ni Parker at Daniel kaya napatingin ulit ako kung nasaan ang asawa ko kanina.

Nanlaki ang mata ko nung wala na siya dun. "Where's my wife? Where's my wife?!" Taranta kong tanong.

"Lumabas na!"

Pagkasabi nila dun ay mabilis akong bumaba at naabutan kong pag-ikot ni Eion sa driver's seat kaya mabilis akong sumakay sa backseat kong saan niya pina-upo ang asawa ko.

"Fuck you, kuya Damzel!" Rinig kong sabi ni Eion bago pinaharurot ang kotse paalis.

Hindi ko siya pinansin at niyakap ko ang asawa ko. "Tangina ka, Damzel!" Mura niya.

"B-Baby, may masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko.

Tinignan niya ako ng masama. "Palit kaya tayo ng pwesto?!" Galit niyang tanong.

Nanginginig ang kamay kong pinunasan ang pawis niya. "I-I'm sorry,.my wife. I'm sorry."

"Tangina! Bilisan mo, Eion!!!" Sigaw niya.

Paulit-ulit na napamura si Eion dahil sa malakas na sigaw ng asawa ko. "Tangina rin, ate! Lakas mong sumigaw baka mabangga tayo."

"Wala akong pakialam!! Kayo kaya ang manganak dito!!!!" Sigaw niya.

Napatakip ako ng tenga at sabay kaming napamura ni Eion sa lakas ng sigaw niya.

"Bilisaaaaan mo kasi!! Lalabas na eh!!"

Mahigpit na humawak ang asawa ko sa kamay ko. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hospital kaya dali-dali kong binuksan ang pinto at lumabas bago binuhat ang asawa ko.

"Nurse! Nurse!" Dali-daling tawag ni Eion sa mga nurse.

Mabilis naman itong lumapit samin na may stretcher kaya hiniga ko ang asawa ko dun at hindi binitawan ang kamay.

"Ahhh tanginaaaa!!" Fuck!

"Sir, hanggang dito nalang po kayo, kami na bahala da asawa niyo." Sabi nung nurse at hinarangan kami.

Hindi na ako umangal at hinayaan sila. Sabay kaming napa-upo ni Eion sa waiting area habang sapo-sapo ko ang noo ko.

"Gago ka talaga. Manganganak na nga si ate kanina ay nakuha mo pang tumunganga." Sabi ni Eion.

Tinignan ko naman siya ng masama. "I was shocked!" Inis kong sabi.

"Kahit na!"

Hindi ko na siya pinansin napahilamos nalang ako ng mukha sa iba't-ibang nararamdaman.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan at iniluwa run ang doctor na nakangiti kaya mabilis akong napatayo.

"Kumusta ang mag-ina ko, doc?" Tanong ko.

"They're both safe and your son is healthy." Malapad ang ngiti niyang sabi.

Nakahinga ako ng maluwag at hindi ko na mapigilan ang pangingilid ng luha ko. "Can I see them?" I asked.

Natawa naman ng mahina ang doctor at tinapik ako sa balikat. "Later, Mr. Damien. Ililipat na sa kwarto ang asawa mo habang nililinisan pa ang anak mo. I'll go now." Paalam niya.

"Thank you so much, doc." She just nod to us bago siya umalis.






YNA's POV

"Nasan ang baby ko?" Tanong ko kay Damzel na inalalayan ako pa-upo.

He smiled. "Nilinisan pa siya." Sagot naman niya. "How do you feel?" Tanong niya.

Tinignan ko siya ng masama at sinuntok ang tyan niya. "Gago ka talaga! Hindi ka man lang nag-abalang buhatin ako kanina!" Inis kong sabi. Mas nauna pang matulala keysa tulungan ako.

"I was so shock, baby. I'm sorry."

Nandito rin lahat ng zeus at red pati na rin ang mga kapatid ko. Kinumusta rin nila ang kalagayan ko.

Napatingin kami sa pintuan at iniluwa dun ang nurse na nakangisi habang may karga-kargang sanggol. Nag-uunahan silang tumayo pero naunahan sila ni Damzel.

"Here's your son." Sabi nung nurse na malapad ang ngiti.

Agad na kinuha ni Damzel ang bata at dahan-dahang kinarga. "God! Oh God! Oh God!" Aniya.

"Hala ang cute!"

"Oh my god!"

"Omoo! Ang cute cute niya!!"

"Baby! Baby!"

"Shet! Kamukha ko, sobrang gwapo!"

"Ulol! Sakin nagmana oh!"

"Shet! Napakagwapo ng ina-anak ko, mana sakin."

Hindi na namin sila pinansin. Lumapit si Damzel sakin at umupo sa gilid ko. Kita ko pa na pumupula ang mata niya at pagtulo ng luha niya habang nakatingin sa anak namin.

"My son, my baby, my angel, my everything." Bulong niya. "I love you, baby. I love you so much." Sunod-sunod na tumulo ang luha niya.

Buti naman at hindi na siya nahimatay.

Napangiti ako at kinuha ang anak namin. Hindi ko mapigilang maging emosyonal nung nakarga ko ang anak namin. Ang sarap sa pakiramdam.

"Ano pong pangalan niyan, sir, ma'am?" Tanong nung babae.

"Asher Nazel, that's his name." Sagot ko without looking at her.

"Woah! Nice name!"

"Wow!"

"Yown oh!"

"Shit! Kahit pangalan ng pamangkin ko sobrang gwapo, tulad ko."

"Asher Nazel Suarez Damien. Nice!"

Hindi ko maalis ang tingin ko sa cute na batang karga ko habang hawak-hawak ko ang isang maliit niyang kamay. Grabe! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Hinalikan ni Damzel ang noo ng anak namin at hinalikan niya ako. "Thanks, God! Oh God! I love you both." Bulong niya at sinubsob ang mukha niya sa balikat ko. Alam kong umiiyak siya pero nakatingin parin ako sa anak ko. Hindi siya nakakasawang tignan.

He has a chubby cheeks, a dimple, matangos na ilong, makalap ang kanyang kilay at ang pula ng kanyang labi.

Son of God! My baby, my angel.

I'll be a good mommy to you, baby Asher. Gagawin ko lahat para sayo, baby. I love you so much.







-THE END OF THE STORY-

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now