CHAPTER 43

3K 64 1
                                    

YNA's POV

"Goodmorning!" Masiglang bati ko pagkapasok nang kusina.

"Goodmorning, noona, hyung!" Si Daniel.

"Goodmorning, ate, kuya!" Bati naman nang tatlo kong kapatid.

"Morning." Bati ni Damzel at inalalayan ako umupo bago siya umupo sa dulo.

"Hyung, kailan kamu pupunta sa hotel?" Tanong ni Daniel habang ngumunguya.

"Tomorrow? Gusto niyo sa hotel o dito nalang kayo? You can enjoy here swimming at the pool." Sabi ni Damzel at ako naman ay sumubo na nang pagkain.

"Mas mabuti pa nga na dito nalang, kuya." Sagot naman ni Ellian.

Tumango-tango si Damzel. "How 'bout you three?" Tanong nito sa tatlo.

"It's fine with me here." Tango-tangong sabi ni Eion.

"It's fine with me, too." Si Parker.

"Ako din, hyung." Si Daniel.

"Good--"

"Goodmorning!" Natigil si Damzel sa pagsasalita dahil sa sumingit.

Sabay-sabay kaming lumingun sa likod ko. "Kuya Aries!" Tumayo agad ako at niyakap si kuya.

"Woah! Namiss kita. Namiss ko kayo." Aniya.

Humiwalay ako sa yakap at tinignan siya nang masama at sinuntok ang dibdib. "Gago ka! Nag-alala ako nang sobra sayo! Hindi ka man lang nagtext o tumawag sakin!" Naiiyak kong.

"Aw-shit! Aw!" Daing niya at hinuli ang kamay ko bago niya ako niyakap. "Sorry, masyadong busy." Aniya.

"Calm down, my wife. Our baby." Sabi ni Damzel.

"Woah, baby? Buntis ka Yna?" Nangingiting tanong ni kuya Aries.

Inirapan ko lang siya bago ako umupo. "Oo." Sagot ko.

"Shet! Congrats! Hi kiddos!" Baling niya kila Parker.

"Hi kuya!" Si Ellian.

"Hey." Si Parker.

"Hyung!" Si Daniel.

Nagkamustahan, kwentuhan kami habang kumakain. Busy rin pala si kuya Aries sa pagbabantay sa mga Black Sinister at umuwi lang siya dito dahil sa nawalan niyang pag-imbita sa party.

Nung nalaman din niya na buntis ako ay sobrang saya niya daw. Para namang anak niya hahaha.

Nung matapos kaming kumain ay nanatili muna nang ilang minuto si kuya Aries dito bago nagpaalam. Sila Daniel naman ay nasa kanya-kanyang kwarto at kami ni Damzel ay nasa kwarto na rin.

Nakaharap si Damzel sa laptop niya para tapusin ang trabaho. Ewan ko ba sa kanya, ayaw daw niyang iwan ako dito. Dapat daw ay lagi niya akong bantayan.

Nung nakaramdam ako nang antok ay pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa makatulog.







SHAN's POV

"Alright, babe. I love you, take care." Sabi ko kay Kellean na nasa kabilang linya.

[Ikaw din. I love you, too, babe.] The call ended.

Pagkatapos nang tawag ay tumalikod na ako pero muntik na akong mapatalon sa gulat dahil nakatayo pala si Red sa likod ko.

"Anong ginagawa mo dyan?! Alam mo bang muntik mo na akong patayin sa gulat?!" Inis kong sabi sa kanya.

Tinaas niya naman ang dalawang kamay niya para sumuko. "Woah! Chill, Shan. Tatawagin lang sana kita para maglunch kaso may kausap kapa kaya naghintay lang ako." Aniya sabay sipol.

Matalim ko siyang tinignan. "You don't have to call me!"

Nilampasan ko na siya pero napatili ako nung may naapakan ako dahilan nang pagkatumba ko pero may nakasalo sakin.

Tinignan ko si Red nang matalim dahil ang lapit nang mukha niya sakin at dali-daling umayos nang tayo. Bigla nalang uminit ang pisngi ko sa nangyari.

"T-Thanks for catching me, pero hindi mo na kailangang ilapit ang mukha mo sakin." May diin kong sabi.

Nagkamot naman siya nang batok. "S-Sorry."

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya bago tinalikuran. Ewan ko ba pero naiinis talaga ako sa presensya niya.








VIVIEN's POV

"Lagi nalang  kitang nakikitang tulala." Napatingin ako kay Aizle na umupo sa tabi ko.

Ngumiti ako at tumingin ulit sa kawalan. Tatlong taon na ang nakalipas pero ganito parin ako. "May iniisip lang." Sabi ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Tungkol ba kay Lerio?" Ako lang ba? O talagang may bahid ng lungkot ang boses niya?

Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa kawalan bago bumaling sakin. Kita ko ang lungkot at inggit sa mga mata niya.

Tumingin ako sa kawalan. Ewan ko ba pero bumibilis ang tibok nang puso ko tuwing magtatama ang paningin namin. Para akong kinukuryente. Naramdaman ko ito kay Lerio noong--shit! Nanlaki ang mata ko sa naisip ko. Di kaya--

"Vivien? Okey ka lang?"

"H-Ha?" Napatingin ako sa kanya at lumunok dahil ang lapit nang mukha niya kaya tinulak ko siya nang bahagya. "O-Okey lang. Bakit?"

"Bigla kasing nanlaki ang mata mo eh. Kala ko nakakita ka nang multo." Aniya.

Uminit ang pisngi ko at umiwas nang tingin. "M-May naalala lang."

"Vivien, pwedeng magtanong?" Aniya.

Napatingin ako sa kanya saglit bago tumingin ulit sa kawalan. "Ano yun?"

Rinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Kaya mo pa bang magmahal nang iba?"

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko sa tanong niya. "I-I don't know, m-maybe? Natatakot na akong magmahal eh, ayaw ko nang maiwan ulit." Huminga ako nang malalim.

"Kung may nagmamahal sayong lalaki. Yung mahal na mahal ka talaga, matatanggap mo ba siya?"

Kumunot ang noo ko. "May tinutukoy ka ba kong sino yan?" Sabay baling ko sa kanya.

Bigla nalang siyang namula at umiwas nang tingin. "W-Wala ah! Natanong lang eh." Nakanguso niyang tanong.

Natawa ako nang mahina dahil sa kacute-tan niya. "Hmm..kung mahal na mahal talaga ako at hindi ako iiwan, why not? I'll give him a chance." Sagot ko.

Hindi na siya nagsalita na ipinagtataka ko pero hinayaan ko nalang at ako na ang nagtanong.

"Pwede ding magtanong?" Sabi ko.

"Hmm.." tumango-tango siya.

"May mahal ka na ba?" Tanong ko.

Mas lalo siyang namula. Bakit kaya? "M-Meron."

"Anong pangalan?"

"Viv--I mean, Victoria." Sagot niya at mas lalo pang namula.

Umiwas ako nang tingin nung bigla nalang may tumusok sa dibdib ko. Ano to? Narinig ko lang na may mahal siya at Victoria ang pangalan, bigla nalang nanikip ang dibdib ko. Selos ba 'to?

Hindi na ako nagsalita at ganun din siya. Tumayo na ako. "P-Pasok lang ako sa loob." Paalam ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na ako.

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now