CHAPTER 39

3K 68 3
                                    

YNA's POV

"Saan tayo pupunta? Uuwi na tayo?" Tanong ko kay Damzel habang sinuot niya sakin ang seatbelt.

Yumuko siya at hinalikan ang tiyan ko bago ang labi ko at sumagot. "Nope. We're going to the mall." Umayos na siya nang upo at inistart ang engine at pinaharurot paalis.

Kunot-noo ko naman siyang tinignan. "Anong gagawin natin sa mall?" Tanong ko.

"We have to buy your milk and foods you crave." Sagot niya nang nakangisi. Tumango-tango ako at tumingin sa bintana. "And also, we will buy clothes for our son." Dagdag niya.

Napatingin ako sa kanya. "Son?"

"Yeah."

Kumunot ang noo ko. "Hindi pa tayo nagpa-ultrasound, pano mo nalaman na son?"

"I just know." Sabay lingon niya sakin at kumindat.

*****

Pagkapasok namin sa kwarto ay agad akong pumasok sa banyo para maligo dahil gusto ko nang matulog. Hinubad ko na lahat nang damit ko at pina-andar ang shower.

Napalingon ako bigla sa pintuan nung pumasok si Damzel nang nakahubad...nakahubad? Shit! "Anong ginagawa mo dito?! Naliligo ako eh!!" Sigaw ko at dali-daling kinuha ang bathrobe pero isinandal niya ako sa semento at siniil nang halik.

Wala na! Nalunod na ako sa punyetang halik niya at wala akong nagawa kundi halikan siya pabalik.








AIZLE's POV

Nakatanaw ako ngayon sa isang coffee shop na di kalayuan mula dito sa kinatatayuan ko. Kanina pa ako dito nakatayo. Lintek!

Tinignan ko si Khairo Marquez na panay tingin sa relo niya. 30 minutes na akong nakatayo dito at 30 minutes na rin siyang nag-a-antay sa kameet niya. Gusto kong pumasok pero makikita niya naman ako dahil malapit lang siya sa entrance.

"Sinusundan mo rin siya?"

"Ay fvck! Shit!" Muntik na akong mapatalon sa biglaang pagsulpot nang babae sa harap ko. "V-Vivien?" Shit!

Ngumiti siya sakin. "Hi. Sorry, did I scare you?"

"N-No."

"Hmm.." tumango-tango siya. "Tara pasok tayo." Bago pa man ako makapalag ay kinuha na niya ang kamay ko at hinila.

Napangiti ako habang nakatingin sa kamay namin. Ang lambot nang kamay niya. Gusto kong hawakan kada segundo, kada minuto, kada oras, kada araw hehehe.

"Huy!"

"H-Ha?" Taka akong napatingin sa kanya.

Tinaasan niya ako nang kilay. "Para kang baliw. Ngumingiti mag-isa. Suotin mo ang sumbrero mo para hindi niya tayo makilala." Aniya.

Sinuot ko naman ang sumbrero ko pati narin ang sun-glasses ko at sabay kaming pumasok sa coffee shop. Pumwesto kami sa likod ni Khairo.

May lumapit na waiter samin. "Good day, sir, ma'am." Nakangiti ang waiter samin sabay abot nang menu.

"Pili ka. Kung ano sayo, yun na rin sakin." Sabi ko kay Vivien.

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن