CHAPTER 19

3.4K 93 3
                                    

YNA's POV

"Don't worry about us. Malaki ang respeto ni Kellean sakin and about Vivien and Christina ay hindi naman sila gagalawin nila kuya Luthor. Ginawa lang nila yan para walang ibang makakuha sa kanila." tumango nalang ako sa sinabi ni Shan at humingin ulit sa harap.

"Luthor Ivan Alfereraz. 25 years old." pakilala ni kuya Luthor.

"Luthor Ivan Alfereraz who wants to start the bid?"

"100,000." agad-agad? Napatingin ako kung sino yung sumigaw at napangiwi ako nung makita medyo kay katandaan na. Nasa 40's na ata.

"200,000!"

"300,000!"

"400,000!"

Tuloy-tuloy lang sila sa pagbibid at ako naman ay napatingin kay Vivien na nakatingin lang sa stage. "Hindi ka magbibid?" tanong ko.

Nakangiti naman siyang lumingon sakin. "Magbibid pero sa huli ko na sasabihin para sure na ako ang makakuha kay Luthor." aniya kaya tumango nalang ako. Ako lang talaga ang walang alam sa ganito.

"1 million!"

"1.5 million!"

"2 million!"

"3 million!"

"4 million!"

"4 million that's it?" tanong nung host at wala namang nag salita. "4 million have wo--"

"5 million!" sigaw na singit ni Vivien.

Napatingin naman ako sa mga babaeng nagbid kanina at mga dismayado ang mga itsura at nakakatawa.

"5 million have won!" anunsyo nung host.

Gaya kanina ay may sumundong babae kay Vivien at iginaya paakyat sa stage. Agad namang inalok ni kuya Luthor ang braso niya at tinanggap naman ni Vivien.

"Mind to introduce yourself, beautiful lady?" wika nung host.

Ngumiti naman si Vivien at kinuha ang mic. "I'm Vivien Nichole Salvador, 23 years old." nakangiting wika niya.

"Congratulation, Ms. Salvador." sabi nung host bago bumaba sila Vivien at lumapit samin.

"Our next man auction. Please introduce yourself." wika nung host.

Napalunok naman ako nung si Damzel na pala at nakatitig lang siya sakin. Kinakabahan talaga ako. "Damzel Troy Damien, 25 years old." malamig na wika niya.

"Damzel Troy Damien who wants to start the bid?"

"500,000!" halos lumuwa ang mata ko sa sobrang laki. Joke. Ang laki naman nun!

"1 million!"

"1.5 million!"

"2 million!"

"3 million!"

"5 million!"

Napapikit ako ng mariin sa sunod-sunod na sigaw ng mga kababaihan. Kagaya ni Vivien ay hinintay ko muna silang matapos.

"20 million!" god sobrang laki na.

"20 million that's it?" tanong nung host at wala nang nagsalita kaya sumigaw na ako.

"25 million!" sigaw ko.

Kita ko namang ngumiti si Damzel. "25 million have w--" natigil ang host nung may sumigaw ulit.

"30 million!"

Halos sasabog ako sa inis nung marinig ang familliar na boses na yun kaya nilingon ko ito. Nakita ko si Honey na matamis ang ngiti sakin kaya di ko na mapigilang ikuyom ang kamao ko.

"35 million!" sigaw ko.

"40 million!" sigaw niya ulit. Bwesit! Gusto ko siyang patayin lintek. Balak niya bang agawan ulit ako ng asawa?

Relax, Yna. Mananalo ka, kaya mo yan. Wag mo nang pansinin ang bubuyog na na yan at patuloy lang sa pagbi-bid.

Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang inangat ang gilid ng labi ko at kinindatan si bubuyog. "100 million!" sigaw ko.

Hinintay kong sumigaw ulit siya pero unti-unti nang mawala ang ngiti niya kaya napasmiked ako at kinindatan siya ulit. Kita ko naman ang inis na mukha niya. Mainis kalang.

"Wow! 100 million have won!" anunsyo nung host.

Nilapitan naman ako nung babae at iginaya sa stage. Nilingon ko pa ulit si Honey at kinindatan for the nth time bago umakyat sa stage. Akala niya ha.

"Akala ko hindi ka magbibid kanina." bulong ni Damzel sakin sabag alok sa braso.

Agad ko naman itong tinanggap. "Akala mo lang yun." nakangiting sabi ko.

"Introduce yourself, beautiful lady." nakangiting wika nung host sabay abot ng mic sakin.

Kinuha ko naman ito. "I'm Ivanna Yvon Suarez-Damien, 20 years old." pakilala ko.

"Oh you are Mr. Damien's?" tanong nung host.

"Wife." tipid na sagot ko bago kami bumaba ng stage.

*BOOM*

Nagsigawan ang lahat ng biglang may sumabog pati ako napasigaw at agad na nagkabulabog ang mga tao dito.

"Wife, let's go." wika ni Damzel sakin.

*BOOM*

Nakarinig ulit kami ng pagsabog. "Shit!" mura ng mga kasama namin.

"Kailangan na nating maka-alis dito dahil mukhang madaming bomba ang nilagay." sabi ni Nathan.

"Yna! Yna! Damzel!"

Napatingin ako sa tumawag samin. "Kuya Aries!" tawag ko. Nandito pala siya.

"Sumunod kayo sakin bilis." wika niya at tumakbo. Walang nagsalita at sumunod kami sa kanya.

Napahinto kami nung may mga lalaking may dalang baril ang sumalubong samin at mabilis ang kilos ng mga kasama ko at naglabas ng baril sabay ng pagputok sa mga lalaking.

"Shit!"

Napalingon kami sa nagmura. "Nathan!" sabay na sigaw namin nung makitang dumugo ang balikat niya.

Agad namang binaril ni Damzel ay bumaril kay Nathan at nagsimula na agad kaming tumakbo. Bigla nalang naglabas ng isang silencer na baril si Damzel at inabot sakin.

"Take this." wika niya.

Tumango naman ako at tinanggap ito at sakto namang may nakita akong lalaki sa gilid ni Damzel na nakatutok ang baril sa kanya at agad ko itong pinaputukan bago pa niya mabaril si Damzel. Muntik na yun.

Ganito ba talaga basta auction ay may gyera? Pero infairness ah, parang sanay na sanay na akong pumatay at hindi man lang ako nakunsensya pero kabado ako para sa mga kasama ko pero alam ko namang magagaling sila eh.

Madami kaming nadaanang mga patay. Mababae man o lalaki ay nakabulagta sa sahig. "May bomba dito!" napatingin kami kay Aizle nung sumigaw siya.

Tinignan namin ang tinignan niya at--"Shit! Bilisan natin!" dali-dali kaming tumakbo palayo dun pero may naapakan ako kaya napabitaw ako kay Damzel sabay ng pagsabog kaya natumba ako.

Medyo napalayo sila Damzel sakin. Ramdam ko ang sakit at init ng katawan ko. Napahawak ako sa ulo dahil sa sakin ng pagka-untog ko sa sahig at nanlaki ang mata ko nung may maraming dugo ang kumalat pero hindi ko alam kong sakin ba yan o sa iba.

"Yna!"

"Wife!"

"Shit insan!"

Kita ko pang tumakbo sila palapit sa akin bago ako mawalan ng malay.









*-*-*-*-*-*-*-*-*

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang