CHAPTER 47

3K 58 1
                                    

YNA's POV

"Pili po kayo ng gown dito, ma'am." Sabi nung wedding organizer na kinuha ni Damzel para sa kasal namin sabay abot ng ipad.

Kinuha ko ito at tinignan ang mga designs ng gown. Sobrang mahal ng gown pero worth it naman dahil sobrang ganda.

Nung nakapili na ako ay pinakita ko sa organizer. "This one. Kailan 'to?" Tanong ko.

"4 to 5 days, ma'am, para matapos gawin." Nakangiti niyang sabi.

Tumango ako. "Ito na yung napili ko." Sabi ko.

"Yes, ma'am." Aniya. "How about the motif, ma'am? Meron din pong pagpipilian dito."

Naghanap naman ako ng motif na maganda. "Gusto ko yung snow ang motif." Sabi ko at ngumiti.

Nagdesisyon akong hindi kami sa simbahan ikasal ni Damzel. Gusto ko dun sa pinakasikat at pinakamagandang beach resort dito at dun na din gaganapin ang reception. Rerentahan kasi namin ang buong resort para walang maka-abala samin. Dun din kami tutuloy ng dalawang araw dahil gusto kong enjoyin naming lahat ang lugar.

Nakakuha narin kami ng photographer, chief at kung anu-ano pang kailangan sa kasal. Once in a lifetime lang naman to kaya gusto kong sobrang engrande ng kasal. Tulad ng wedding dream ko. Hehehe.

Nung matapos ay nagpaalam na ang organizer na aalis na at hinatid naman siya ni Ellian palabas habang sila Eion, Daniel at Parker naman ay naglalaro ng billiard.

Umakyat na ako sa taas at naabutan ko si Damzel na nakadapa habang mahimbing na nakatulog. Maaga siyang umalis kanina dahil madami siyang na missed na trabaho sa dalawang opisina pero maaga din siyang umuwi at hindi ko alam kong tinapos ba niya ang trabaho niya dun o hindi. Sabi niya lang kanina ay kailangan daw lagi siyang nandito sa tabi ko pero ayan, tulog si gago. Siguro ay napagod sa trabaho.

Napahikab ako dahil nakaramdam nadin ako ng antok kaya lumapit na ako sa kama at dahan-dahang humiga para hindi siya magising but I failed, nagising siya.

"Baby ko.." namamaos niyang sabi.

"Sorry, tulog ka ulit." Sabi ko at humiga.

Pagkahiga ko ay nakadapa siyang umunan sa braso ko habang ang mukha naman niya ay nakasubsob sa dibdib ko at ang isang kamay niya ay nakayakap sa bewang ko.

Hinalikan ko ang noo niya bago niyakap ng mahigpit at tinanday ang isa kong binti sa bewang niya.

"I love you, mahal ko." Paos niyang sabi.

"Mahal din kita, mahal ko. Mahal na mahal." Sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin sakin at hinalikan ako sa labi bago sumubsob ulit sa dibdib ko. "Magpahinga ka din, asawa ko. Papakasalan pa kita." Aniya.

Natawa naman ako ng mahina sa kanya. Kung ano-ano nalang ang tinawag sakin. "Oo na. Sleep well, baby." Hinalikan ko ang buhok niya.

"Ikaw din. I love you. I love you. I love you." Paulit-ulit niyang sabi.

"Ano ba yan! Matulog ka na nga." Sabi ko at mahinang pinalo ang braso niya.

Nag-angat ulit siya ng tingin at hinalikan ng labi ko ng matagal na agad ko namang tinugon. Nung humiwalay na siya sa halik ay tumango siya at simubsob ulit.

Napangiti ako at pumikit hanggang sa makatulog ako.








ARIES's POV

"Kuya!" Tawag ni Ellian pagkalabas ko ng kotse. Nasa labas siya ng gate nila Damzel.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Bakit ka nandito sa labas?" Tanong ko.

"Ah! Hinatid ko lang yung wedding organizer nila ate Yna." Sagot naman niya.

Tumango naman ako. Ikakasal nga pala ulit si Yna at Damzel. "Tara pasok tayo. Sinong nandyan?" Inakbayan ko siya at sabay kaming naglakad papasok.

"Si ate Yna ay nagpaalam na matutulog muna siya tapos yung tatlo naman ay naglalaro ng billiard." Sagot niya.

Pagkapasok namin sa loob ay ang mga maid lang ang nakikita ko na naglilinis. "Sige. Dito pala ako matutulog hanggang sa magsawa ako dito." Natatawa kong sabi.

Natawa rin siya. "Ikaw talaga. Sandali lang, kuya ha? Kukuha muna ako ng merienda." Paalam niya.

Tumango ako at ginulo ang buhok niya. "Sige. Pupuntahan ko nalang din ang tatlo."

"Sige."

Dumeretso na siya sa kusina habang ako naman ay dumeretso sa isang kwarto dito sa baba kung nasaan yung tatlo.

Pagkapasok ko ay naabutan kong si Eion na ang titira. "Yow!" Bati ko.

"Hey, kuya." Sabi naman ni Parker.

"Hyung!" Si Daniel.

"Kuya." Tumango si Eion sakin.









AIZLE's POV

"Yow, Ellian." Bati ko kay Ellian pagkapasok ko sa bahay nila Damzel. Kakalabas lang niya ng kusina at may dala siyang tray ng merienda.

"Kuya Aizle. Hi Celine." Bati niya.

"Hi ate Ellian!" Bati naman ng kapatid ko sabay kaway.

"Sila Damzel nga pala?" Tanong ko.

"Nasa taas sila ni Ate Yna. Nandito din si kuya Aries, nasa loob." Sabi niya sabay turo kung saan nandun ang billiaran.

Tumango ako at sumunod sa kanya habang hawak-hawak ko ang kamay ng kapatid ko.

"Kuya! Bitawan mo nga ako, hindi naman ako tatakbo eh." Nakanguso niyang sabi.

Natawa lang ako at ginulo ang niya. Papasok na sana kami nila Ellian at Celine dun nung may bagong dating.

"Sup!"

"Hey!"

Bati ng kakapasok lang na si Nathan at Red. "Yow!" Bati ko.

"Kuya Nathan, kuya Red." Si Ellian.

"Hi po!" Bati ng kapatid ko.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob at naabutan namin na sila na naglalaro ng billiards habang si Eion naman ay nakaupo sa bench dito habang hawak-hawak ang tako.








CELINE's POV

Nakaupo ako sa bench dito sa loob habang nakanguso at pinagdidikit ang dalawang hintuturo ko. Pano pa naman kasi, naiilang ako sa titig ni Eion sakin. Sa tuwing titingin ako sa kanya ay magtatama ang paningin namin.

Kumuha nalang ako ng merienda na nandito sa harap ko at sinubo. Nakayuko lang ako habang subo ng subo kasi nahihiya ako sa titig niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinakita ang pagkain ko para alokin pero umiling lang siya. Ang gwapo talaga ni Eion.

Eh? Nakayuko ulit ako dahil bigla nalang uminit ang pisngi ko. Waaaa anong bang nangyayari sakin. Lagi nalang umiinit ang pisngi ko kay Eion.



Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now