CHAPTER 9

3.7K 102 0
                                    

YNA's POV

Tatlong araw na simula nung  kinidnap ako ng mga gagong nakaitim na yun. Akala ko talaga hanggang dun nalang ako eh pero syempre hindi ako papayag habang hindi pa ako nakaganti sa pumatay sa magulang ko.

Hindi namin sila kilala kahit sila Damzel ay hindi kilala yung mga lalaking yun at sabi niya baka pinagtripan ako nun o di kaya mga tauhan lang ng mga kalaban namin na gumagawa ng kanilang hakbang.

Sinabi narin nila sakin ang impormasyong nakuha nila sa kalaban at kaya ng sabi ni Damzel ay wag ako basta-bastang gumawa ng galaw na hindi nila alam para hindi daw ako mapahamak at sumunod naman ako.

Tinanong ko rin kung paano nila nalaman na nandun ako at sinagot naman nila na tinrack nila ang cellphone ko. Pero nakakapagtaka lang kung bakit nila ako tinrack. Kaya ba nila ginawa yun kasi alam nilang kinidnap ako? At paano nila nalaman? Hays. Ito ang gusto kong matutunan sa pagiging mafia. Siguro may nakakita sakin nung araw na yun o kaya isa sa mga red at zeus ang nakakita sakin kaya tinawagan niya sila Damzel na itrack ako? Oo tama! Siguro yun nga.

Humikab ako at nagstretch ng kamay bago tumayo. Pumunta na ako sa gitna at hinilot ang batok ko.

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko na prenteng naka-upo sa couch. Nandito kami ngayon sa training room sa bahay ni Damzel at nandito lahat ng red at zeus org.

Nasa gitna ako kasama si Red. Malayo ang distansya namin dalawa at seryoso lang akong nakatingin sa kaniya pero siya ay matamis ang ngiti sakin. Maglalaban kasi kami ngayon, natakot nga ako baka matalo ako ni Red eh.

"Masaya kapang magsuntukan tayong dalawa!" inis na singhal ko.

Tumawa naman siya pati ang iba. "Bakit bawal bang maging masaya?" nakangiting tanong niya.

Huminga nalang ako ng malalim at bumaling kay Damzel. "Naghihintay ka paba ng pasko bago kami magsimula?!" inis na tanong ko.

He smirked. "Start." tipid na wika niya.

Tumingin ulit ako kay Red na pasugod na pala sakin at aambang susuntok pero agad akong napaiwas at akma ko siyang susuntukin sa sikmura pero umatras siya para umilag. Suntok ako ng suntok sa muka niya pero ilag siya ng ilag kaya pinatid ko ang paa niya at natumba siya.

"Shit!" daing niya.

"Woah! Lampa ka pala, Red."

"Go insan!"

"Pinsan ko yan!"

"Hahaha Red tumayo ka bilis!"

Rinig kong sabi ng mga kasama namin. Hinintay kong makatayo si Red at deretso siya sa pagsipa sa ulo ko kaya yumuko ako para umilag. Susuntukin ko na sana siya pero nasalo niya ang kamao ko at umikot siya para mapunta sa likod ko habang hawak niya ako sa kamao kaya umikot ulit ako para magkaharap kami at sununtok ko siya sa mukha at muntik na siyang matumba sa lakas. Susuntukin ko ulit siya pero nasalo niya ulit ang kamao ko at pinatid ang paa ko kaya nahiga ako sa sahig. Inupuan pa ni Gago ang tyan ko at pinaulanan ng suntok pero sinangga ko ang mga braso ko.

Itinaas ko ang mga paa ko at hinila siya sa leeg gamit nun. Flexible kaya ang katawan ko kasi gymnastic ako nung elementary hehehe.

Nahiga siya kaya ako naman ang umupo sa tyan niya at pinaulanan siya ng suntok. Nung una ay natamaan ko siya pero gumulong siya bigla para maging dahilan ng paghiga ko. Akma siya uupo ulit sa tyan ko pero sinuntok ko na ang mukha niya at mukhang hindi siya nakabalanse kasi natumba siya.

"Walangya! Ang bilis mamatay nitong pulang ito!"

"Putcha Red hahahahaha!"

"Ako na bahala sa kabaong mo!"

"May lamay na mamaya! Hahahaha!"

Tinignan ko si Red na nakahiga parin at habol-habol ang hininga. "Tang*na! Sakit ng katawan ko." nakangiwing wika niya.

Ngumisi naman ako at inabot ang kamay ko sa harap niya para tulungang tumayo na agad naman niyang tinanggap.

Pagkatayo niya ay ginulo niya ang buhok ko. "Ngayon palang ako natalo ng babae langya!" natatawang aniya at umupo sa tabi ng kasama namin.

Natawa nalang ako sa kaniya at lumapit kay Damzel na nakasmirk sabay abot ng maliit na tuwalya at gatorade.

"Nice fight." wika niya.

Nagkibit-balikat ako at binuksan ang gatorade at inimon bago umupo sa tabi niya. Masakit rin ang katawan ko nung natumba ako sa sahig. Geez!

Kinuha bigla ni Damzel ang towel ko at siya ang nagpunas sa pawis ko. Nakaramdam ulit ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko sa ginawa niya.

"M-May kamay naman ako." nakangiwing wika ko sabay iwas ng tingin

Nagsmirk naman siya habang patuloy sa pagpunas sakin. "Marunong nga pero di mo naman ginawa." aniya.

Hindi ko na siya sinagot at hinayaan ko nalang siya sa pagpunas sakin nung biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko ito na nasa tabi ng upuan ko at tinignan ang tumawag.

Marion calling...

Sinagot ko agad ito. "Marion?"

[Where are you? Bakit hindi ka pumasok?] tanong niya.

"B-Busy lang ako. Bakit?" tanong ko.

[May practice tayo para sa graduation natin.]

"Ngayon ba?"

[Mamayang 3pm pa. Punta ka ha? Wala akong makausap dito eh.]

Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Oh yeah? I'll be there. I'll hang up now."

[Okey, then. See you later.] then he end the call.

"Who's that?"

Napalingon ako kay Damzel na kumunot ang noo sakin. "Kaklase ko." sagot ko sa kaniya at bumaling kay kuya Luthor na busy sa cellphone. "Kuya Luthor, ikaw sama sakin sa graduation ha?"

Nag-angat siya ng tingin sakin at tumango. "Alright. When?" tanong niya.

"April 1." tipid na sagot ko.

Tumango lang siya at tumingin ulit sa phone niya. "Gagraduate kana, Yna? Sama kami!" excited na sabi ni Vivien.

"Ako din!"

"Sama din ako!"

"Me too!"

Tumango ako at ngumisi. "No problem"

"Ano palang kinuha mong kurso, Yna?" tanong ni Aizle.

"Medicine." tipid na sagot ko.

"Medicine eh? Akala ko business ang kurso mo diba ikaw ang naghahandle ng companya niyo?" tanong naman ni Nathan.

Tumango ako. "Oo, pero gusto kong maging doktor." sagot ko.



*-*-*-*-*-*

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat