CHAPTER 38

3K 72 3
                                    

YNA's POV

"My wife, let's go?" Aya sakin ni Damzel.

Nakahikab akong tumango at sabay na kaming lumabas nang kwarto. Magpapacheck-up daw kasi ako, hindi ako naka-isip niyan kundi si Damzel. Lagi ba naman akong tulog at nawala sa utak ko na magpacheck-up.

Pagkababa namin ay nandun sila Red, Nathan, Aizle, Celine, Ellian, Eion, Parker at Daniel sa salas.

"Alis na kami. Kayo muna bahala dito." Paalam ni Damzel sa kanila.

"Yes, hyung!"

"Sige!"

"Opo, kuya."

"Ingat kayo!"

Hindi na namin sila pinansin at lumabas na kami nang bahay papuntang kotse niya.

Binuksan ni Damzel ang passenger's seat kaya pumasok na ako. Sinuot ko na ang seatbelt at siya naman ay umikot papuntang driver's seat at umupo.

"Do you want to eat first, my wife?" Tanong niya at pina-andar ang kotse.

Umiling ako. "Hindi. Mas gusto ko pang matulog eh." Sagot ko sabay sandal nang ulo ko sa sandalan.

"Alright. Matulog ka muna. I will wake you up pag nandun na tayo." Aniya sabay halik nang mabilis sa lips ko.

Hindi ko na siya pinansin at pinikit ko nalang ang mata ko hanggang sa makatulog ako.

*****

"Wake-up, baby."

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko dahil sa nararamdaman kong may humalik-halik sakin. Nasa gilid ko na si Damzel.

"We're here."

Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na ako nang kotse at nagsimula nang maglakad papasok. Lumapit kami sa front desk kung nasan ang isang babae.

"Excuse me, miss." Sabi ni Damzel.

Bigla nalang nag-init ang ulo ko dahil sa tigin ang ngiti nung babae kay Damzel. "Yes, sir?" Malandi niyang tanong. Gusto ko tuloy siyang sabunutan.

"We have an appointment with Dra. Lopez." Sabi ni Damzel dun sa babae.

Nilagay pa niya ang buhok sa likod nang tenga niya. "Ano pong name niyo, sir?" Aba! Pinanindigan ang malanding boses ah! Hoy! Baka nandito ang asawa sa tabi niya? Bwesti!

"Damzel Troy Damien."

"Sige po, sir. Upo ka po muna dun at maghintay sandali, sir."

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya at tinignan nang masama ang nurse. "Ah ganun? Siya lang ang pinapaupo? Baka ako yung magpapacheck-up te!" Inis kong sabi, medyo nagulat pa siyang napatingin sakin.

"Hush, my wife." Inakbayan na ako ni Damzel at umalis dun sa harap nang nurse at pina-upo.

"Wag nalang tayong magpacheck-up at buong magdamag nalang kayong maglandian dun!" Asar na sabi ko.

"Landian? What the hell?!" Kunot ang noo niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin-tingin nalang sa paligid. Napahikab ako at naramdaman ko namang hiniga ni Damzel ang ulo ko sa balikat niya kaya hindi na ako pumalag.

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora