CHAPTER 10

3.7K 93 0
                                    

VIVIEN's POV

Naka-upo ako ngayon sa couch dito sa isang malaking kwarto na may billiard table, mini bar, mini salas. Meron ding square table dito. Malaki ang mansion nila Mr. Damien.

Yung ibang lalaki ay naglalaro ng baraha habang si Shan at Christine naman ay naglalaro ng billiards. Si Luthor at Mr. Damien lang ang kasama ko sa upuan habang kumakain lang ako dito ng piattos habang nanunood sa kanila.

"Why are you not joining them, Vien?" biglang tanong ni Luthor.

Lumingon ako sa kaniya pero nakatutok lang siya sa cellphone niya kaya ibinalik ko ang tingin ko sa mga naglalaro at umiling. "I'm just tired. Anyway, magpahinga muna ako." sabi ko at tumayo.

Tumango lang naman siya kaya pumunta na ako sa pintuan at binuksan.

"San ka pupunta, Vien?" tanong ni Aizle.

Sumubo muna ako ng piattos bago siya nilingon. "Magpapahinga lang ako." pagkasabi ko nun ay sinara ko na ang pinto.

Pumunta muna ako ng kusina para uminom ng tubig. Minsan kasi dito kami natutulog sa mansion ni Mr. Damien at minsan naman ay umuuwi kami samin.

Ako nalang mag-isa sa buhay, ay nope! I have a sister pala but she's in Japan. May communication din kami. She's not part of zeus nor red org. She's working herself alone at tinutulungan niya rin ako minsan.

Pagkatapos kong uminom ay nagpasyahan ko munang lumabas para magyosi.

"Ma'am."

Muntik na akong mapatalon sa gulat nung biglang may humawak sakin sa balikat. Nilingon ko naman kung sino yun.

"S-Sorry, ma'am. Di ko po sinasadyang gulatin kayo." agad na hingi nang paumanhin ng main. May kasama din siyang dalawang maid.

I smiled. "Uhm, ano yun?" tanong ko.

"Itatanong lang po sana namin kung kailangan niyo ng merienda para ihatid namin dun kung nasan sila." sagot naman nung isang maid.

I shook my head. "Wag na. Lalabas lang din yung mga yun pag nagutom." sagot ko.

Tumango naman sila at nagpaalam bago nagmamadaling umalis. Potek! Kala ko multo yung humawak sakin. Tss.

Dumeretso na ako sa labas at agad sumandal sa gilid ng pintuan. Nilabas ko ang box ng cigarette ko at kumuha ng isa tapos ay binalik ko sa bulsa. Kumuha ako ng lighter at sinindihan.

Nag-angat ako ng tingin sa langit at di ko mapigilang mangilid ang mga luha ko kaya huminga ako ng malalim.

Sa tuwing titingin talaga ako sa langit ay ikaw ang maalala ko. Hindi kita malimut-limutan, Lerio.

Agad kong pinahid ang mga luha kong diko na mapigilang bumagsak. "Ang sakit parin pala sakin ng pagkawala mo, Lerio." banggit ko sa kawalan.

*Flashback*

"Pakawalan niyo si Lerio! Wala siyang kinalaman dito!" I shouted sa mga lalaking naka-itim habang patuloy parin sa pag-ayos ng mga luha ko.

Tinignan ko si Lerio na mukhang hirap na hirap na at madaming pasa. Sigurado akong binugbog na siya ng mga potang*nang ito.

He look at me back like me, his tears starts falling then he smile at me. Mas lalo akong napahagulhol dahil sa kaniya.

Wala siyang kinalaman dito and I don't even know kung bakit siya nandito. He is not a part of mafia. He's so inocent.

"Hindi naman talaga namin to kilala eh, boyfriend mo pala to? Ah, kaya pala nangingialam kasi nalaman niyang kinuha ka namin." one guy said.

Napamura ako sa sinabi niya. Pano nalaman ni Lerio na kinuha ako ng mga lalaking ito? Nakita ba niya? May nakakita bang iba at sinabi sa kaniya?

"P-Please, w-wag niyo s-siyang idamay." pagmamakaawa ko.

"N-No Vivien, h-hindi kita i-iiwan dito." kahit nahihirapan ay nakuha parin ni Lerio na magsalita.

I look at him in a guilty and a sad way. "L-Lerio, please. A-Ayokong madamay ka." I said begging kahit alam kong damay na damay na siya.

This is my fault. This is my fvcking fault. Kasalanan ko kung bakit siya nadamay dito. Kasalanan ko kung bakit nadamay ang mahal ko. Ang nag-iisang nandyan lagi para sakin.

"Sus! Tama na nga yang drama niyo!" sigaw nung isa.

I clench my fist in anger. I want to kill them, I want to fight. I want us to out of this place pero nakatali ako. Nakatali ang mga kamay at paa ko.

"Nasasayang ang oras. Vivien, ikaw ang uunahin namin patayin and besides, ikaw naman talaga ang sadya namin."

Gusto ko siyang murahin, barilin dahil,sa sinabi niya. Tinignan ko si Lerio na may lungkot at sakit ang mababasa sa mga mata habang patuloy parin sa pag-agos ang mga luha gaya ko.

"N-No! Don't kill her! Kill me instead her! Let her go!" sigaw niya.

Durog na durog na ang puso ko dahil sa sinabi niya at habang pinapanood ko ang nagmamakaawang siya. Hindi ako sanay na ganiyan siya. Mas sanay ako sa masiyahing siya.

"No! Don't say that!" sigaw ko sa kaniya.

"Tangina! Nakakarindi na kayo!" sigaw nung isa.

Nagulat kami nung bigla nalang tumayo si Lerio at nilabanan ang mga lalaking nandito. Kahit hirap na hirap na siya ay gumagawa parin siya ng paraan.

Nakita ko naman nakatutok sakin ang baril ng isang lalaki. "Say goodbye, Vivien." wika niya.

*BANG*

Nanlaki ang mata ko nung pinutok niya yun sakin pero wala akong maramdaman. Ang naramdaman ko nalang ay may yumakap sakin at siya ang natamaan ng bala.

"L-Lerio." nanginginig kong banggit.

Sinubukan niyang idilat ang mata niya at dahan-dahang hinahawakan ang pisngi ko. "I-I love y-you, V-Vivien. M-Mahal na m-mahal kita."

Malakas akong napahagulhol sa sinabi niya. Nakarinig ako ng ingay at putok ng baril na sigurado akong mga kasamahan kong ngayon lang nakarating.

"VIVIEN!"

Rinig kong tawag nila pero hindi ko pinansin. Nakatuon lang ang paningin ko kay Lerio.

"L-Lerio, no, no! M-Mahal na mahal din k-kita. W-Wag mo akong iwan." pagmamakaawa ko.

Ngumiti naman siya. Yung ngiting may halong lungkot at saya. Lungkot dahil hindi na kami magkakasama. At saya dahil ligtas ako, niligtas niya ako.

*End of flashback*



*-*-*-*-*-*-*

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now