CHAPTER 34

3.2K 70 1
                                    

YNA's POV

Nalaman na namin ang resulta nang DNA test. 25% at ang ibig sabihin nito ay half-siblings ko talaga sila kaya agad na umalis sila kuya Aries, Veronica at kuya Luthor. Hindi namin alam kung saan sila pupunta.

Napatingin ako kay Parker na tahimik lang habang nakatingin sa kawalan. Pina-check-up narin namin siya dahil sa mga pasa niya. Gusto ko tuloy magalit sa gumawa nyan sa kanya. Lalo na nung sinabi sakin ni kuya Aries na may kakambal siya at pinatay nung gago niyang tito.

Yung mata niya ay katulad nang mata ni kuya Aries at namana nila kay Lolo na daddy nang daddy ko. Ako naman ay namana kay mommy dahil brown ito.

Tumayo ako at nilapitan si Parker. "Parker?" Tawag ko.

Lumingon naman siya sakin. "What po?" Tanong niya at tumingin ulit sa kawalan.

Sa dalawang araw nilang nakatira dito sa bahay namin ni Damzel ay sanay na rin kami sa ugali nila. Si Ellian at Parker lang ata ang may respeto. Tsk tsk. Si Eion kasi ay istrikto.

"Gusto mong kumain?" Tanong ko.

Tumingin ulit siya sakin na nakakunot ang noo. "Po?" Ay oo nga pala! Po lang ang alam niya sa tagalog.

"Do you want to eat?"

Umiling siya at tumayo. "No. I just want to rest po." Sabi niya at umalis paakyat sa kwarto niya.

Tinignan ko naman si Eion na nanunood nang t.v. Ganyan lagi ang ginagawa nyan. Tahimik habang nanunood nang t.v. Si Parker ay laging tulala pero minsan ay nakikipaglaro din kay Daniel. Si Ellian naman ay tinutulungan ang mga maid na nandito.

Wala ngayon dito si Damzel dahil may trabaho siya sa opisina niya. Si Daniel naman ay natutulog sa kwarto habang si Ellian ay natutulog din sa kwarto niya.

Doon sana namin sila patitirahin sa bahay namin dati nila daddy pero mas mabuti siguro na dito nalang sila para hindi sila mapahamak at meron na ding kasama si Daniel.

Nilapitan ko si Eion. "Eion, gutom ka ba? Gusto mong kumain?" Tanong ko.

Umiling siya habang nanatili ang paningin sa palabas. "Hindi." Tipid na sagot niya.

Huminga ako nang malalim at umupo sa tabi niya. Alas tres na nang hapon at wala naman akong masyadong ginagawa sa opisina kanina pero napapagod pa rin ako.

Inihiga ko ulo ko sa sandalan nang sofa at pumikit. Gusto ko sanang matulog pero baka may kailangan tong mga kapatid ko kaya mas gusto ko silang unahin bilang ate nila.

"Tanggap niyo ba talaga kami o napipilitan lang kayo?"

Napatingin ako bigla kay Eion sa tanong niya pero hindi parin siya sakin nakatingin. "Bakit naman kami napipilitan? Of course, tanggap namin kayo kahit hindi tayo magkapatid sa buo. Kung sana noon pa na alam kong may kapatid pala ako edi sana hindi kayo mahihirapan." Sagot ko sa kanya.

Tanggap ko naman talaga sila. Yun nga lang, gusto kong magalit kay daddy dahil sa panloloko niya at hindi pagsabi na may kapatid pa pala kami. Akala ko si kuya Aries lang pero meron pa palang apat at patay na ang isa.

"Matagal kana naming kilala. Sinabi ni mama noon samin pero hindi na kami nag-abala pa sayo. Anak lang naman kami sa labas." Sabi niya sakin.

"Wala akong pakialam kung matagal niyo na akong kilala. Wala na akong pakialam kung anak kayo sa labas. Ang importante sakin ay nandito na kayo sakin, samin. Hindi namin kayo pababayaan." Sagot ko sa kanya.

Malaman ko lang na ligtas sila ay okey na sakin. Yun nga lang maliban sa isa, kakambal ni Parker.

"Ngayon pa na nawalan na nang isa?" Nakangisi siya nang konti habang nakayuko.

I sighed heavily. "Alam kong may kasalanan ako, alam kong pabaya ako pero hindi ko naman alam na may mga kapatid pala ako. Hindi lang isa kundi, lima kasama na rin si kuya Aries. Akala ko noon ay nag-iisa lang akong anak nila mommy at daddy. Simula nung namatay sila ay ako nalang mag-isa, hindi ko pa alam na kapatid ko pala si kuya Aries." Kwento ko. "Ngayon aaminin ko na nabigla ako nung nalaman kong may kapatid pa pala ako pero andito rin ang saya ko." Ngumiti ako pagkasabi nun.

"Tsss." Sarap kausap no?

"Ikaw? Tanggap mo ba kami?" Tanong ko sa kanya.

Matagal pa bago siya sumagot. "Kung hindi ay dapat wala kami ngayon dito." Sagot niya.

Napangiti ako dahil tanggap niya kami. "Akala ko, hindi mo kami tanggap. Lagi kasing mainit ang ulo mo eh." Natatawa kong wika sa kanya.

"Tss."

"Oh diba? Sarap mong kausap eh." Natawa naman siya nang mahina. Ginulo ko ang buhok niya at tumayo. "Pahinga ka nga, lagi kang nakatutok sa t.v eh." Sabi ko sa kanya.

"Maya na." Tipid niyang sagot.

Tumango naman ako. "Sige, kuha lang ako nang makakain natin." Paalam ko. Tumango lang siya kaya pumunta na ako nang kusina.









AIZLE's POV

"Checkmate!"

"Pucha!"

"Hahahaha!"

"Mukhang problemado tayo ngayon ah?"

Tinignan ko si Red na umupo sa tabi ko. "Hindi ah." Sagot ko.

Ang totoo niyan, problemado talaga ako. Namomroblema ako kung paano ko liligawan si Vivien. Takte! Ngayon pa ako naging ganito sa babae eh. Ewan ko ba, iba ang nararamdaman ko kay Vivien eh. Mukhang hindi lang kaibigan kundi higit pa run.

"Maniwala?" Kulit din nito eh!

Tinignan ko si Red nang masama. "Maglaro nga ulit kayo ni Nathan! Kainis ka." Pagtataboy ko.

Tumawa naman ang gago. "Tignan mo nga yan oh! Natalo ko lang, nagtampo na." Tatawa-tawang wika niya habang tinuturo si Nathan.

Tinignan ko naman si Nathan na prenteng nakaupo sa tabi namin habang nagce-cellphone at nagyoyosi. "Tampo ba yan? Busy yan sa paghahanap nang chix!" Sagot ko.

Ibang klase din kasi itong si Nathan eh. Hindi na mag-aabalang kontakin ang mga babae niya kundi dederetso siyang pupunta kung saan niya nahanap.

"Ang ganda nang ate ni Vivien no? Yun nga lang ay pag-aari na ni Luthor. Si Vivien nalang kaya sakin---awww!! Gago! Selos ka?!" Aniya nung binatukan ko siya.

"Ulol!" Gago nito, agawan ba naman ako.















*-*-*-*-*-*-*

Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now