CHAPTER 32

3.1K 65 1
                                    

YNA's POV

Pagpasok palang namin sa bahay ay nakita agad namin sila Nathan, Aizle at kapatid niya, si Red, Shan, Kellean, Kevin, Cedrick, kuya Luthor, Vivien, Christina at isang babae.

Unang nakapansin samin ang isang babae at agad na tumayo. "Zodiac sign!!" Excited na wika niya at lumapit sa gawi namin deretso yakap kay kuya Aries.

"Woah! Naka-uwi kana pala? Kailan pa?" Tanong ni kuya pagkabitaw sa yakap nila. Ako naman ay kumunot ang noo, magkakilala sila?

"Ilang araw na rin." Nakangiti siyang bumaling sakin at naglahad nang kamay. "Hi Yna! I'm Vivien's sister, Aries's bestfriend and Luthor's fiance. I'm Veronica Sheen Salvador." Pakilala niya na ikinagulat ko. Sister? Bestfriend? Fiance? What the hell?!

Kahit naguguluhan ay nakipag kamay ako. "Hi! Nice to meet you." Pinilit kong ngumiti.

"Yow Damzel and Yna!"

"Hi po! Hehehe."

"Hey guys!"

"Welcome back, lovers"

Bigla naman siyang sumeryoso at palipat-lipat nang tingin samin ni Aries. "Horoscope at Yna, may sasabihin ako sa inyo." Seryosong saad niya at ano daw? Horoscope? Pfft.

"Sure, maupo muna tayo." Pag-aaya ni kuya Aries.

Bumaling ako kay Damzel na buhat-buhat ang natutulog na si Daniel. "I'll be back." Wika niya at hinalikan ako sa labi.

Tumango lang ako at sumunod sa kanila kuya paupo sa sofa. "Kumusta kayo sa Hawaii?" Tanong ni Kevin.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "Okey lang." Sagot ko.

"So...ano na ang sasabihin mo, Nica?" Tanong ni kuya Aries kay Veronica na seryoso pa rin ang mukha.

Tumingin pa ito kay kuya Luthor bago tumingin sakin. Huminga pa siya nang malalim bago nagsimulang magsalita.

*****

"What the hell?!" Yan agad ang lumabas sa bibig ko pagkatapos niyang sabihin na may kapatid pala kami sa ama. So it means, niloko ni dad si mom noon pa?

"Fvck!" Napatingin ako kay kuya Aries na hindi makapaniwala.

"T-Totoo?" Di makapaniwalang tanong ni Shan habang ang iba naman ay tahimik lang at hindi rin makapaniwala.

Tumango si Veronica. "Oo, kung gusto niyo ay ipapa-DNA test ko sila para malaman natin kung totoo man o hindi." Sabi niya.

Bumaba na din si Damzel at agad na umupo sa tabi ko. "N-Nasan sila ngayon?" Tanong ko kay Veronica.

Tumingin siya sakin. "Pinatira ko sila sa isang condo ko para sa kaligtasan nila." Sagot niya.

Halos sasabog na ang ulo ko kakaisip at hindi parin makapaniwalang may kapatid pa akong tatlo sa ama. What the hell, dad?! Bakit mo niloko si mommy? Bakit mo kami niloko?!

Tumingin si Veronica kay kuya Aries. "Kapalaran, samahan mo kami ni Luthor sa condo at pupuntahan natin yung tatlo." Ampotek! Kapalaran?! Hahahaha gusto kong matawa pero di ko magawa.

Hindi pa rin talaga pomresso sa utak ko lahat nang nalaman ko. May kapatid pa akong iba, hindi lang isa kundi tatlo?!

"Yna, sama ka rin." Baling sakin ni Veronica.

Agad akong umiling. "Dalhin niyo nalang sila dito." Sabi ko pero nakatingin pa rin ako sa kawalan.

"Sige. Hon, Horoscope, alis na tayo." Rinig kong aya niya at nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumayo na sila.

"Balik lang kami." Paalam ni kuya at umalis na silang tatlo.

"What the really hell!" Bulalas ni Shan na mukhang ngayon lang ulit natauhan.

"Dammit! May tatlo pa pala kayong kapatid?! What the fvck? Bakit walang sinabi si tito?!" Panay ang kuyom nang kamao ni Kevin habang nakatingin sakin.

Hindi ko sila pinansin dahil kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala. Hindi ko alam kong paano ko ito isisink-in sa utak ko. Hindi ko alam kong anong gagawin ko.

Bigla namang may yumakap sakin. Si Damzel. Hindi siya nagsalita at niyakap lang niya ako nang mahigpit. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero para akong na-estatwa at hindi makagalaw.

"Let's go upstairs." Aya ni Damzel sakin at hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako at tumayo na rin. Pagkapasok namin sa kwarto ay agad akong niyakap ni Damzel. This time, nayakap ko narin siya pabalik.

"Magiging okey rin ang lahat, okey?" Sabi niya sakin at paulit-ulit na hinalikan ang ulo ko.

Tumango-tango lang ako at hindi makapagsalita. Umupo siya sa paanan nang kama at hinila niya ako paupo sa hita niya at niyakap ako sa bewang.

"Say something, my wife. Nag-aalala ako sayo." Wika niya sakin.

Tinignan ko siya deretso sa mata bago niyakap. "I-I'm sorry. I-Iniisip ko lang ang s-sinabi ni Veronica." Bulong ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan sa noo bago sa lips. "I'm just here by your side, okey? I'm always here for you."

I nodded. "Thank you so much." I said to him before I kissed him.

"Magpahinga ka na muna." Sabi niya at binuhat ako pahiga sa kama at agad siyang tumabi sakin at pinaunan ako sa braso niya. "Sleep now, my wife. You need to rest." Dagdag niya at hinalikan ako sa noo.

Tumango ako at niyakap siya bago ako pumikit. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin ako.



VIVIEN's POV

Pagkarating namin sa condo ko ay nakita namin si Ellian na nagluluto habang si Eion naman ay naka-upo sa sofa habang nanunood nang palabas.

"Hi guys!" Tawag pansin ko sa kanila.

"A-Ate, Veronica." Utal na sabi ni Ellian at nakatingin sa kasama ko.

Pumasok naman kaming tatlo. "Nasan yung isa niyong kapatid na si Parker?" Tanong ko kay Eion.

Tinignan niya pa kami nang mga kasama ko bago sumagot. "Nasa kwarto, natutulog." Sagot nito.

"Okey. By the way, this is  kuya Luthor, pinsan niyo. At ito naman si kuya Aries, kapatid niyo." Pakilala ko sa kanila.

Natigil si Ellian sa ginagawa at napatingin samin. Si Eion naman ay nakatingin din pero walang reaksyon bago tumango at tumingin ulit sa t.v.

Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa ini-asta ni Eion. "A-Ate, pagpasensyahan niyo na si Eion. Ganyan talaga yan." Paghingi agad nang tawad ni Ellian.

"Which room that Parker is?" Seryosong tanong ni Aries.

Tinuro naman ni Eion ang isang kwarto. "There." Dalawa kasi ang kwarto dito.

Tumayo si Horoscope at pumunta sa kwarto.



















*-*-*-*-*-*-*-*-*







Mafia Heiress Married the Mafia Boss- COMPLETED✔Where stories live. Discover now