002

458 40 107
                                    

EUNICE


"Tapos 'yon, pumasok na ako sa bahay." pagtatapos ko ng kuwento.


Nandito kami ngayon sa classroom. Habang nag-hihintay sa professor namin ay kinuwento ko kay Indigo 'yong nangyari pagkatapos kong umalis sa bahay nila.


"Shocks, pogi ba?" tanong nya habang maarteng nakahalumbaba sa harapan ko.


Napaisip ako.


Oo, sobrang guwapo nya.


Pero hindi ko 'yon sinabi kay Indigo. Baka mamaya, asarin pa 'ko na may gusto do'n. Hello? I just met him. Ang OA kung may gusto na kaagad ako sa kanya, 'di ba?

"Okay lang," I shrugged.


Napatingin sya sa'kin. "Ka-edad lang ba natin?"


"Siguro,"


"Dito napasok?"


Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong nya. "Tsk. Pa'no ko naman 'yon malalaman? Buang ka ba, Indigo?"


"Malay mo nakikita mo sya dito sa school, duh. Isip-isip rin. Sayang utak, 'di nagagamit." mataray nyang sabi.


Umirap lang ako at binalewala ang pagtataray nya. Kung hindi ko lang kaibigan 'tong si Indigo, malamang sa malamang nasapak ko na 'to. Kaso wala, eh. Sanay na ako sa pambabara nya. Parehas lang naman kaming matabil ang dila.


"Ewan ko. Siguro. Familiar 'yong mukha nya, eh."


Nag-isip pa sya ng itatanong sa'kin pero wala na syang masabi.


"Tsk, tama na ang tanong. Hayaan mo na 'yon." sabi ko at umayos ng upo.


Hindi ko naman maitatangging gusto ko ngang malaman kung sino 'yong lalaki kahapon. Sino ba namang makakalimutan sya kaagad? He almost killed me, plus, he looked... hot.


Sakto namang dumating na ang professor namin at nag-check ng attendance. Nagtawag muna sya ng ilang pangalan bago nya pa nasabi ang pangalan ko.


"Martin, Eunice Lottie?"


Itinaas ko ang kanang kamay ko upang makita nya ang presensya ko. "Present."


"Sure ka bang ayaw mo malaman kung sino 'yon? Ikaw rin, baka maging jowa mo pa." bulong sa'kin ni Indigo habang nagtatawag pa rin ng mga pangalan ang professor namin.


See? Parehas lang kaming mag-isip.


"Sanchez, Indigo?"


"Present, Sir." sabi ni Indigo bago muling nagbaling ng tingin sa'kin.


Okay lang naman na hindi ko sya makilala. Bakit ko ginagawang big deal? Muntik nya lang naman akong masagasaan, eh. Marami pang lalaking puwedeng jowain d'yan sa gilid-gilid.


Umiling ako. "'Wag na." tinignan ko sya before I gave her a reassuring smile.


Ilang oras pa ang nagdaan bago matapos ang morning classes namin. Nang marinig namin ang pag-ring ng school bell, senyales na break time na, ay mabilis pa sa alas-kuwatro na nagsitayuan ang lahat.


"Tara sa canteen?" sabi ni Indigo habang ako ay abala pa sa pag-aayos ng gamit ko.


Tumango lang ako sa kanya bago kami lumabas ng room ng sabay. Naglakad kami papuntang canteen at nakita ang kumpol ng tao malapit sa isang table. Because of curiosity, lumapit doon si Indigo para malaman kung anong nangyayari.


Hoax (VBoys Series #1)Where stories live. Discover now