003

431 38 158
                                    

EUNICE


"Hi, Jaiden!" sigaw ni Indigo.


What the hell?! Si Jaiden? Si Jaiden ang muntik nang makasagasa sa'kin kahapon? Sya rin 'yong bumangga sa'kin ngayon? Hobby nya ba ang mangbangga?


Ah. Kaya pala familiar ang mukha nya. Lagi syang pinapakita sa'kin si Indigo, or ituturo nya kapag nakakasalubong namin dito sa campus. Matagal nang walang tsismis sa'kin si Indigo tungkol kay Jaiden, kaya siguro hindi ko sya namukhaan kahapon.


Hindi pinansin ni Jaiden si Indigo, bagkus ay ibinaling nya sa'kin ang tingin nya.


"You?" he said and tilted his head, almost like he was studying my face. "I almost ran over you yesterday, right?"


Napalunok ako. Patay na.


"HA?!" malakas na sabi ni Indigo.


Jaiden and I both flinched dahil sa lakas ng boses nya. Maski ang mga kaibigan ni Jaiden (na ngayon ko lang napansin, nasa likod nya pala) ay napatalon dahil sa lakas ng sigaw ni Indigo.


"Indigo, tara na." sabi ko at hinila sya.


"Wait, wait, wait!" sabi ni Indigo at hinila ang braso nya mula sa'kin.


"Ikaw 'yong muntik nang makasagasa sa kaibigan ko?" tanong ni Indigo kay Jaiden at dinuro pa ito.


"Indigo, buang ka. Tara na." saway ko sa kanya. Tangina, nakakahiya talaga 'tong kasama.


"Wait lang, Eunice! Tumali ka nga d'yan!" sabi nya at hinawakan pa ang magkabilang balikat ko para hindi ako gumalaw.


Palipat-lipat ang tingin ng mga kaibigan ni Jaiden sa'kin at kay Eunice, habang si Jaiden ay nanatiling nakatingin sa'kin simula kanina.


"Eunice, huh?" biglang nagsalita si Jaiden. Napatingin ako sa kanya dahil sa pagtawag nya sa pangalan ko. "You're feisty." kumento nya.


Tinaasan ko sya ng kilay. "Excuse me?"


Sinasabi nyang feisty d'yan? Mama nya feisty.


"I said you're feisty. Kahapon pa lang, tinarayan mo na 'ko." ngumisi sya ng slight. Slight lang naman.


"Aba't—" pinigilan ko ang sasabihin ko. Baka mamaya, murahin ko ang hayop na 'to.


Nag-effort pa 'kong alamin kung sino sya, bwi-bwisitin rin lang pala ako. Hustisya naman.


"I want to say sorry for what happened yesterday."


Mas tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. I wasn't expecting him to say that. Mr. Popular is saying sorry to me? Talaga ba?


Mabait rin naman pala 'to, eh. Ayos, nag-sorry rin. Akala ko pa naman antipatiko, 'yon pala may konsensya naman. Siguro puwede ko nga syang jowain in the near future. Mabait naman pala an—


"It's your fault, tumawid ka rin agad."


Ayon lang. Ayos na sana, eh. Umimik pa ang gago.


Pumintig ang tainga ko sa sinabi nya.


"Hoy," panimula ko. "Hindi ko kasalanan na tumawid ako, 'no? Kasalanan mo kasi ang bilis mong magpatakbo!"


Narinig ko ang pagbungisngis ni Teo na nasa likod nya kaya napatingin ako sa kanya. Agad naman syang umiwas ng tingin dahil tumatawa pa rin sya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Jaiden at nagkibit-balikat lang sya.


Hoax (VBoys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon