007

378 35 125
                                    

EUNICE


"Sa'n mo gustong pumunta?" tanong ni Jaiden habang kinakabit ang seatbelt nya.


"Ewan ko. Ikaw nag-aya 'di ba?" sagot ko.


Napatingin sya sa'kin bago sya tumawa. Umiwas naman ako ng tingin.


Ah, shit. Gano'n ba kahalata na kinakabahan ako?


Diretso lang ang tingin ko nang maramdaman kong hindi na gumagalaw si Jaiden. Tumingin ako sa kanya at nakitang titig na titig sya sa'kin.


"A-Ano ba? 'Wag mo nga 'kong tignan." naiilang na sabi ko at umiwas na naman ng tingin.


Kahit na sinita ko na sya ay patuloy nya pa rin akong tinitigan. Liningon ko ulit sya, sinubukan kong labanan ang tingin nya pero naiilang talaga ako.


Tangina.


"H-Hoy! T-Tumigil ka sabi, eh!" saway ko at mahinang pinalo ang braso nya.


Bigla nyang nilapit ang mukha nya sa'kin. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa nya.


Sobrang lapit ng mukha nya sa'kin, 'yong tipong isang galaw ko lang ay paniguradong lalapat ang labi ko sa kanya. Halos magkadikit na rin ang mga ilong namin dahil sa tangos ng ilong nya.


Hindi ako makapagsalita. Kinakabahan ako. Naiilang ako. Nalilito. Ano bang ginagawa nya?


Bumaba ang tingin nya mula sa mga mata ko papunta sa labi ko. Hindi ko napigilang kagatin ang labi ko dahil sa kaba.


Putcha, kanina pa 'ko nagmumura dito.


Dahil sa ginawa ko ay tumawa sya. Lumayo na sya sa'kin at do'n lang ako nakahinga ng maluwag.


Damn, muntik na 'yon, ah.


Inayos na nya ang sarili nya at hinawakan ang manibela. Binuhay nya ang makina ng kotse at sumulyap muli sa'kin bago tuluyang pinaandar ang kotse nya.


Buong biyahe ay hindi ako mapakali. Kanina ko pa pinaglalaruan ang sarili kong kamay na alam kong napapansin ni Jaiden.


"You look cute when you're tensed," kumento nya.


Tumingin naman ako sa kanya. "Ha?"


Binalingan nya ako ng tingin bago sya tumingin muli sa kalsada. "I said you look cute when you're tensed."


"Hindi ako nate-tense," pagtanggi ko.


Tumawa na naman sya.


Anak ng puta.


"Really? Kaya pala kanina ka pa hindi mapakali," aniya.


Tinignan ko sya. "Kaya kanina mo pa ako inaasar?"


He shot another look at me. "Naaasar ka ba?"


Bumuntong-hininga ako at padabog na sumandal sa upuan ko. "You're impossible, Jaiden."


He chuckled.


Kanina pa 'ko tinatawanan nito, ah, sapakin ko na kaya?


"Just kidding. Ikaw kasi, kanina ka pang balisa," aniya.


"Kasalanan ko bang kinakabahan ako?" mataray kong sabi.


Tinignan nya ulit ako. "We're going on a date, Eunice. Wala akong masamang gagawin sa'yo." seryoso nyang saad.


Hoax (VBoys Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz