013

320 35 150
                                    

EUNICE


"I was only gone for minutes, pagbalik ko may anak ka na?" natatawang sabi sa'kin ni Jaiden after I told him how a child ended up in our room.


Ngumuso naman ako sa pang-aasar nya. I looked at the little boy I found na ngayo'y nakaupo na sa kama namin at nilalaro ang laruan na nahanap ko sa bag nya. Buti na nga lang at may dala syang bag dahil wala naman akong mahahanap na gamit para sa bata rito sa kuwarto.


Tumingin muli ako kay Jaiden who was sitting by the dining table with me. Kanina pa sya tumitingin do'n sa baby boy pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya lumalapit dito.


I held his hand and pulled it para mapatayo sya. "'Lika, papakilala kita."


Nagpahila naman sya sa'kin at sabay kaming lumapit sa bata. We kneeled on the side of the bed para makita ng ayos ang mukha nya.


"Psst, baby. May ipapakilala ako sa'yo," I reached for his small hand para makuha ko ang atensyon nya.


He looked at me with his innocent eyes. Napangiti naman ako. Cutie!


"This is Kuya Jaiden." I shot a sideward glance to the man beside me.


"Hi." nakangiting bati ni Jaiden sa kanya.


His eyes then landed on Jaiden, tilting his head to the side. Sandali nya itong tinitigan before his face lit up. He extended his short arms towards Jaiden, parang nagpapabuhat.


"Daddy!"


We both looked at the child confused. Nagkatinginan kami ni Jaiden, then I let out a giggle. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa bata.


"Sure, sya si Daddy." sabi ko sa bata habang nakangiti.


Jaiden laughed at what I said. Tinignan nya ako at tumingin din ako sa kanya. Mapang-asar akong ngumiti.


I jerked my thumb towards the kid's direction. "Daddy daw, oh."


He playfully shook his head before carrying the boy. Ang bata naman ay tuwang-tuwa at sumandal pa sa dibdib ni Jaiden.


He smiled while looking at the little boy, then his eyes looked at mine.


"If I'm the dad, then are you the mom?" nakangising aniya.


Natigilan naman ako sa sinabi nya. I met his gaze before I arched a brow.


"Bakit ako ang mommy? Ako ba ang nag-ire sa kanya?" taas-kilay kong tanong.


He also raised a brow, naghahamon. "Bakit ako ang daddy? Ako ba ang gumawa sa kanya?"


I felt my cheeks get warm. Pulang-pula na siguro ako ngayon. I bit both of my lips dahil wala na akong masagot. I only nodded at him, giving up.


"Oo na. Ako na ang mommy." I rolled my eyes.


Ngumiti naman sya ng matagumpay. His eyes landed back on the little boy na nakatulog na sa balikat nya.


"What's his name?" tanong nya sa'kin.


I shrugged. "Hindi ko nga alam, eh,"


Namataan ko ang bag nya na nakapatong sa kama. Umupo ako sa kama at inabot 'yon. I fumbled with the tag na nakasabit sa may zipper nito. It was a bag tag.


"Liam," basa ko sa nakasulat dito.


Napatingin naman sa'kin si Jaiden nang magsalita ako. I also raised my look back at him.


Hoax (VBoys Series #1)Where stories live. Discover now