006

370 36 80
                                    

EUNICE


Kinabukasan ay maaga akong nagising. Syempre, may pasok, eh. Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon.


Shet. Jowa ko na si Jaiden.


Niyakap ko bigla ang unan ko at nagpagulong-gulong sa kama.


Ang weird, parang may mga paru-paro sa tiyan ko tuwing naiisip ko sya. Nakakakiliti. Nakakakaba.


Wait. What?


Napa-upo ako bigla sa naisip ko.


What the hell, kinikilig ba 'ko?!


Umiling ako. No, wala naman akong gusto kay Jaiden. Bakit ako kikiligin?


Napatango ako sa naisip ko. Tama, wala akong gusto kay Jaiden. Fake jowa ko lang naman sya. Nothing more, nothing less.


Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.


"Okay, Eunice. Breathe. Para kang buang. Mag-relax ka lang. Chill." bulong ko sa sarili.


Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Naligo na 'ko at pagkatapos ay nagbihis. Saktong pagkababa ko ay handa na ang almusal kaya kumain na ako.


"Aalis na po ako, Mama." nag-mano ako bago humalik sa pisngi nya.


"O sige. Ingat 'nak, ha?" sabi ni Mama na tinanguan ko lang. Lumapit naman ako kay Papa at nagpaalam rin.


Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng bahay.


Pagkalabas ko ay may nakita akong pamilyar na sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay. May taong nakasandal doon. I squinted my eyes to see whoever that was.


Nagulat ako nang makita ko si Jaiden na nakasandal sa sasakyan nya. Hindi sya nakatingin sa direksyon ko kaya hindi nya napansin ang paglabas ko.


"Jaiden?" tawag ko.


Lumingon sya sa'kin bago ngumiti.


"Good morning," hinalikan nya ang sentido ko nang makalapit ako sa kanya.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.


"Isn't it in the rules na dapat hatid-sundo kita?" kunot-noong sabi nya.


"Eh? Seryoso ka ba do'n?" tanong ko.


Sumimangot naman sya. Napatingin sya bigla sa phone ko na hawak-hawak ko.


"Pahiram ng phone mo," sabi nya.


"Luh? Bakit? Walang nudes dyan, ah. Inosente ako," tinaas ko pa ang dalawa kong kamay.


Sinamaan nya ako ng tingin. "Para kang si Zyron. Pahiram lang kasi," pamimilit nya.


"Bakit ba?" tanong ko.


"Secret," nilahad nya ang kamay nya.


"Anong gagawin mo?" nilayo ko ang phone ko mula sa kamay nya.


He rolled his eyes. "I need to text someone."


Tumaas ang kilay ko. "Ang yaman-yaman mo tapos wala kang load?"


Nagkibit-balikat sya. Napabuga ako ng hangin at in-unlock ang phone ko bago ko ito nilagay sa nakalahad na kamay nya.


Nakita kong nagpipindot sya kaya sinilip ko kung anong ginagawa nya. Nagtaka ako nang makitang nakabukas ang contacts ko.


Hoax (VBoys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon