016

315 34 137
                                    

EUNICE


You know that feeling when you're stuck between two things? That's what I'm feeling right now. Pakiramdam ko ay bihag ako ng dalawang bagay at makakatakas lang ako kung pipili ako ng isa.


After Night and I's talk, bumalik ako sa kuwarto para pag-isipan ang sinabi nya. Inabot na ako ng gabi sa kaiisip kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko, ngunit parang wala naman akong napapala. Gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko na malaman kung papaano ko pa ito aayusin.


Ganito ba talaga kahirap alamin kung mahal mo ang isang tao?


The last time I loved someone was way back years ago. Ace was the last man I loved. At ngayon ay hindi ko na maalala ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal. Maybe that was why I couldn't determine what I really felt for Jaiden.


But my mind also considered entertaining the idea that Night gave me. Na takot ako. Na hindi ko maamin sa sarili kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko dahil masakit ang aking pinagdaanan. Maybe I really was traumatized. Siguro ay natatakot nga talaga ako.


Tinago ko ang mukha sa aking dalawang palad. Napasabunot pa ako sandali sa aking buhok. Nalilito na talaga ako.


Napatingin ako sa phone na nasa tabi ko. I turned it on to look at the time. Napaamang ako nang makita alas-otso na ng gabi.


What the hell? Tatlong oras na akong nag-iisip dito? Am I going insane?


Napakagat ako sa labi bago tumingin sa pinto ng kuwarto. Hindi pa rin bumabalik si Jaiden hanggang ngayon. Balak nya yatang matulog sa labas para lang iwasan ako.


Matutulog na ba ako at hahayaang hindi bumalik dito si Jaiden, o hahanapin ko sya?


Nagpapalit-palit ang tingin ko sa pinto at sa kamang aking inuupuan. Umiling ako at humiga na sa kama. Bahala na. Babalik naman siguro sya rito kapag matutulog na sya.


But silly me still couldn't sleep. Nakailang gulong na ako sa kama ngunit hindi pa rin ako makatulog. I couldn't sleep knowing that Jaiden still hasn't come back. Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi ko na kinaya. Dali-dali akong bumangon at nag-ayos ng sarili.


Lumabas na ako ng kuwarto. Ilang segundo pa lamang akong naglalakad ay nahagip na ng mata ko si Jaiden. Nakaupo sya roon sa bench na inupuan naming dalawa noong gabing lumabas ako, pagkatapos kong malaman ang ginawa ni Alex. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya ako nakita.


I inhaled and exhaled. Hinanda ko muna ang sarili bago ako dahan-dahang naglakad papalapit sa kanya.


"Hey," mahinang bati ko.


Agad naman syang napalingon sa'kin, eyes widened from shock. He probably didn't expect me to find him.


"H-Hey," bati nya pabalik.


Napatingin ako sa bench na inuupuan nya. "Mm, pwede bang makiupo?"


He cleared his throat, probably to stop himself from stuttering. "Sure."


Dahil nasa dulo sya, umupo rin ako sa kanilang dulo ng bench. We were about two to three feet apart. Nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging ang ingay lamang ng kuliglig ang aming naririnig. It was also very dark, at ang nagsisilbing liwanag sa aming dalawa ay ang buwan sa langit.


Sinulyapan ko si Jaiden, ngunit hindi sya nakatingin sa akin. I cleared my throat to catch his attention, which I successfully did. Napatingin naman sya sa akin.


Hoax (VBoys Series #1)Where stories live. Discover now