020

284 33 262
                                    

EUNICE


"Seryoso? Umamin sya sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong ni Indigo.


I nodded at her, a little embarrassed. Kakatapos ko lang ikuwento sa kanya ang naging pag-amin sa'kin ni Red kagabi.


Inalis nya ang pagkakatutop ng kanyang bibig at hinampas ako sa braso. "Taray mo naman. May Jaiden ka na, may Ace pa, ngayon may Red ka na rin. Anong shampoo mo, inday?"


Inismiran ko sya. Jeez, wala na talagang sineryoso ang babaeng 'to. Bilang lang ang mga pagkakataong nagseryoso sya, and those were very rare chances.


"Sumeryoso ka nga," saway ko sa kanya. "Kaya kita pinuntahan dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Tulungan mo 'ko, hindi 'yong puro ka hirit dyan. Babanatan na kita, eh."


Ngumuso sya at humalumbaba sa harapan ko. "Malay ko kung anong gagawin mo. Sa'kin ba nagkakagusto, ha? Alam mong wala akong alam sa mga ganyan, eh. Wala akong bebe."


"Ows?" nginisian ko sya. "Anong tawag mo kay Zyron?"


Natigilan sya at mabilis na ibinaling ang tingin sa'kin, nanlalaki ang mga mata. "A-Anong Zyron?"


Pinitik ko ang noo nya. "'Anong Zyron' ka dyan? Maang-maangan?"


"H-Hoy," dumiretso sya ng upo at tinuro ako. "Ma-issue ka, ah? Hindi kami ni Zyron. 'Wag kang TH."


"Hindi kayo o hindi pa kayo?" I continued teasing her, emphasizing the word 'pa'.


"Hindi pa—" natigilan sya sa pagsasalita at tinakpan ang sariling bibig.


I rolled my eyes and smirked wider. "Huli."


"Hoy! Hindi nga kami!" she suddenly stood up and kept pointing at my face. "Hindi kami, naiintindihan mo? Hindi kami!"


"Okay," mapang-asar kong tugon. "Sabi mo 'yan, ah?"


Muli syang umupo sa harap ko, nakabusangot ang mukha. "Gago ka. Ikaw ang pinag-uusapan natin dito, 'wag mo 'kong idamay!"


I laughed at her. As my laughter died down, muli kong naalala ang problemang dinadala ko. I still had to solve that, and I didn't know how.


Simula noong umamin sa'kin si Red ay hindi pa ulit kami nagkikita. I went to school early today para hindi na nya ako maabutan at maihatid pa. Maybe he sensed that kaya hindi nya rin ako sinundo ngayon.


"Huy," Indigo snapped her fingers in front of my face, dahilan kaya nagising ang diwa ko. "Ano na? Nage-emo ka na naman dyan."


Umiling ako at napahawak sa aking sentido. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."


Umayos ng upo si Indigo at pinag-krus ang mga braso nya. "Sino ba kasing gusto mo?"


"Alam mo naman kung anong sagot ko dyan, Indigo." I said, turning my head to her.


"Gusto kong marinig mula sa'yo," mataray nyang sabi. "Sino sa kanila ang gusto mo?"


I bit my lower lip, hesitating whether I'd tell her or not. But it was Indigo. Lahat ng tungkol sa'kin ay alam na nya, ano pang maitatago ko?


"Si Jaiden." I whispered so she could barely hear.


"'Yon naman pala, eh," she exclaimed. "E'di sya ang i-pursue mo."


"Hindi 'yon gano'n kadali, In—"


"'Yan din ang sinabi mo sa'kin dati," she cut me off. Napataas ang kilay ko, confused about what she said. "Naalala mo no'ng naghahanap ka ng isasama sa reunion nyo?"


Hoax (VBoys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon