008

351 36 136
                                    

THIRD PERSON


"I can't believe it!" nanghihinayang na sigaw ng presidente ng SSG. "Hindi ako makapaniwalang lamang si Eleanor kay Eunice."


"Sayang. I was rooting for her pa naman." sagot naman ng vice president.


"Ako rin." sabi ng secretary at tumungo dahil sa panghihinayang.


Sa pagtungo nya ay napatingin sya sa sahig. Kumunot ang noo nya nang makita ang isang piraso ng papel na nakalapag lamang rito. Dahan-dahan syang tumayo at lumapit doon.


Tinitigan nya ang papel sa sahig. Nagtaka sya nang makitang isa iyon sa mga papel na pinamigay nila kanina, ang papel na ginamit nila upang bumoto. Doon ay nakasulat ang pangalan ni Eunice.


Iginala nya ang paningin sa paligid ng papel. Tanging ang trash can lamang sa tabi nito ang namataan nya.


Mas lalo syang nagtaka nang makita nyang may takip na ang trash can. Wala naman 'tong takip kanina, ah?


Biglang sumama ang kutob nya sa nakita. Hinawakan nya ang takip ng trash can at dahan-dahan itong inangat. Sinilip nya ang laman nito.


Nanlaki ang mata nya sa nakita.


"Guys, tignan nyo 'to!"


***


"Our new vice president, with 473 votes..."


Nag-abang ang mga tao sa sasabihin ng emcee. Inaanunsyo na ngayon ang nanalo sa eleksyon. Nasabi na ang karamihan sa mga nanalo at tanging presidente at bise presidente na lamang ang hindi pa nababanggit.


"Zoe Dela Cruz from the ILIE Party List!"


Napuno ang gymnasium ng sigawan at palakpakan habang umaakyat si Zoe sa stage.


Napangiti si Eunice. Masaya syang mula sa party list nila ang nanalo bilang bise presidente. She believed in Zoe, malakas ang pakiramdam nyang sya nga ang mananalo.


"And now, the moment we've all been waiting for. I will now announce the new SSG President!"


Nang sabihin iyon ay agad na kinabahan si Eunice. Kahit papaano ay may pakialam sya kung mananalo sya o hindi.


Kahit nakatalikod si Eunice ay napansin ni Jaiden ang pagiging balisa nya. Naisip nyang pakalmahin ito, ngunit naunahan na sya ng kanyang katabi.


"Lottie," ipinatong ni Teo ang kaliwang kamay sa kanang balikat ni Eunice. "'Wag kang kabahan, paniguradong ikaw'ng mananalo d'yan,"


Lumingon si Eunice sa likod nya kung saan nandoon si Teo. She smiled a little before she raised a brow at him. "Pa'no ka naman nakasiguro na mananalo ako?"


Ngumuso si Teo sa direksyon ng stage. "Kinausap ko sila, eh. Sabi ko ikaw 'yong i-announce na panalo. Kung hindi, ipapabugbog ko sila kay Clyde." biro nito.


Clyde frowned. "Gago, idadamay mo pa ako d'yan!"


Iniwasan ni Teo ang batok nito at tumawa. "Joke lang kasi! Pikon ka talaga, eh, 'no?"


Natawa si Eunice sa inaasta nila. They never fail to put a smile on her face.


Tinignan ulit ni Teo si Eunice. "Biro lang. Naniniwala kasi akong mananalo ka." at kumindat ito.


Napairap si Jaiden na nakatayo sa tabi ni Teo. Hindi naman nakatakas mula sa paningin ni Teo ang irap ng kaibigan.


"Hoy, aba't—" humarap sya kay Jaiden. "—iniirapan mo 'ko?!"


Hoax (VBoys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon