004

175 17 211
                                    

EUNICE


"It was him! Kitang-kita ko! Si Papa 'yon! Even Kuya was there!" pilit na pag-e-explain ko sa mga kaibigan ko.


The ten of us are complete today dahil Sunday at wala kaming pasok. Kahit noong isang araw lang kami nagkakilala ay kasa-kasama na rin namin sina Sky. They were very kind, and I know I've said that before, but it's true. Kaya nga kumportable na kami sa isa't-isa.


"Oh, ba't ka galit?" barumbadong tanong ni Indigo na pirming naka-upo sa upuan sa harapan ko.


"Hindi ako galit!" dabog ko, napapadyak pa.


"Ay, sumisigaw. Galit, oh." singit ni Teo at tinuro pa ako.


Imbis na magsalita ay napabuga na lang ako ng hangin. I stood up and went to hug Jaiden dahil na-stress ako bigla sa mga kaibigan ko. He hugged me back and even made me sit on his lap. I snuggled onto his neck, nakatalikod mula sa kanilang lahat.


"Yes, love?" he called me as he stroked the back of my head, but I remained silent. Naramdaman kong lumingon siya sa mga kaibigan namin. "Stop teasing her already."


"Ito naman, lumapit kaagad sa jowa! Porket wala kaming jowa, ah!" ngalngal ni Teo. "'Lika na rito, Lottie. Tuloy mo na'ng kuwento mo. Continue, continue."


Inalis ko ang pagkakasubsob sa leeg ni Jaiden at nakasimangot na nginusuan ang mga kasama namin.


"Ayoko na." pagsusungit ko kunyari.


They've been teasing me since earlier when I started talking. Mga bwisit sila. Maski 'yung anim ay nakikisabay rin kina Teo at Indigo, maliban na lang kay Night na kanina pang hindi nagsasalita.


"Ang arte, mars," irap ni Indigo. "Pero malay mo naman, walang ginagawang masama si Tito. Baka may ka-meet lang talaga siya noon. Kaibigan o kung ano man. 'Wag muna tayong mag-assume."


"She's right." Zyron agreed with his girl.


"Naks, suportado mo talaga ako, 'no? Apir nga, bro!" asar ni Indigo sa katabi, emphasizing the word 'bro'. Inirapan tuloy siya ng kausap. Ikaw ba naman kasi, tawaging 'bro' ng girlfriend mo. Who wouldn't get pissed?


"But what if it's not just someone? Paano kung... kabit nga?" I asked, desperate for answers.


Hindi naman ako puwedeng magpakatiwala ng sobra kay Papa. I still had to entertain the worst ideas. Hindi lahat ng masasamang point of views ay akala. Some are true, and I'm not an exception to that.


"Kaya nga huwag ka munang mag-assume. Mas mahihirapan ka lang kung sa masamang ideya ka magpapa-aliw," si Hailey naman ang sumingit. "Huwag mo munang isipan ng masama 'yung tao. Kausapin mo muna bago mo husgahan."


"Taena, words of wisdom," manghang-manghang sabi ni Teo. "Ang talino mo talaga, 'no?"


Hailey rolled her eyes. "Bobo ka lang."


"Ooh!" sabay-sabay na sigaw nilang lahat, maliban kina Night at Bella. Even Jaiden who I sat on top of also joined in on their nonsense.


"Bobo ka pala, eh." asar ni Clyde.


"Sino ka naman diyan, Teodoro?" Zyron teased too, laughing.


"Okay lang," sagot ni Teo at nagkibit-balikat, pagkatapos ay humarap siya sa katabi niyang si Hailey. "Sa'yo lang naman ako magpapakabobo." banat nito at kumindat pa.


Hoax (VBoys Series #1)Where stories live. Discover now