015

304 33 141
                                    

EUNICE
DAY 12


"Do you need anything?" Jaiden asked me for the nth time.


Tumawa ako. He's been asking me questions like that since yesterday, and the day before that. Kung tutuusin ay hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa'kin, pero kung kamustahin nya ang lagay ko ay para namang nag-50/50 ako. Nevertheless, I adored his cute way of showing concern.


"No, thank you," I smiled, trying not to laugh at his cuteness. "Kahapon ka pang ganyan, ah?"


Sandali syang ngumuso. "I just can't stop it,"


"You can't stop what?" I asked, confused.


"I can't stop worrying about you."


I was stunned, again. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Napakagat ako sa aking ibabang labi para pigilan ang emosyon ko.


I've been feeling this uneasiness for God knows how long now. Lagi kong hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko. Alam ko naman kung ano lang kami ni Jaiden. We were only two teenagers pretending to be a couple. Ngunit sa loob-loob ko, alam kong may nagbago na. I mean, think about it, the reason of the deal itself also changed.


Noong una, kinailangan ko si Jaiden na magpanggap bilang nobyo ko para lang sa ikabubuti ng isipin ng mga tao sa'kin. But now, we're pretending so we could both move on. Hindi na lamang ito tungkol sa kagustuhan kong magbago ang pananaw sa'kin ng mga tao. Our feelings are in this deal as well.


When will this feeling stop? Bakit ba ako nagkakaganito?


Naputol ang iniisip ko, kasabay ng pagputol ng katahimikang bumalot sa kuwarto, nang may kumatok sa pintuan namin.


I quickly got up and walked towards the door. Nang buksan ko 'yon ay mukha na naman ng kaklase ko ang bumungad sa'kin. Siguro ay may activity na naman.


"Pinapatawag po ni Mandy ang lahat na pumunta sa main area."


Sabi na. Tsk.


Ngumiti lang ako sa kanya bago sinarado ang pinto. Napatingin ako kay Jaiden na nakatingin din sa'kin, probably wanting to ask what that was.


"Punta raw tayo sa main area, may activity na naman yata." I explained.


Tumango lang sya sa'kin. Ako naman ay lumapit sa bedside table at kinuha ang phone ko para makaalis na kami. Nang makalapit akong muli sa pinto ay nakatayo na roon si Jaiden, arms crossed across his chest.


Kahit na nasa harap na nya ako ay hindi nya pa rin binuksan ang pinto. Napataas naman ako ng kilay dahil hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sya roon at tinititigan lang ako.


"What?" I asked.


"Jacket," he motioned his head towards the cabinet, like he was commanding me.


"Bakit?" muling tanong ko.


Bakit ako magja-jacket? It wasn't even that cold outside kahit na gabi na. Mainit pa nga ang simoy ng hangin, eh.


Bigla nyang ibinaba ang tingin sa suot ko, so I did the same.


I was wearing shorts and a sleeveless top. May suot din akong tube since kita ang gilid ng katawan ko dahil sa laki ng armhole ng damit na aking suot.


Binalik ko ang tingin sa mga mata nya at nakitang nakatingin na rin sya sa mga mata ko. I knitted my brows. What was wrong with my outfit?


Hoax (VBoys Series #1)Where stories live. Discover now