005

377 34 86
                                    

EUNICE


You are invited to
Grade 10-A's Grand Reunion


We will be spending 14 days at TSB Paradise Resort, starting this Saturday. Hoping for your arrival!


Note: You are free to bring 1-2 people if you please.


"Oh, invitation lang naman 'to, ah? Bakit ka namomroblema?" tanong ni Indigo matapos basahin ang email na natanggap ko kani-kanina lang.


Hindi ko sya pinakinggan. I continued walking around in circles.


"Anak ng—hoy, Eunice! Umupo ka nga! Nahihilo ako sa'yo!" sigaw nya.


"Kinakabahan ako. Ayaw kong pumunta!" tumigil ako sa paglalakad.


"Oh, e'di 'wag kang pumunta!"


"Kapag hindi ako pumunta, magmumukha akong affected pa rin sa nangyari dati." natataranta kong sabi.


"E'di pumunta k—putangina, bahala ka d'yan!" pagsuko nya.


Pumadyak-padyak ako. "Eh, Indigo! Anong gagawin ko?" parang paiyak na 'ko sa tono ng boses ko.


Bumuntong-hininga sya. "Mamaya na 'yan. Nandyan na si Prof, oh!" tinuro nya ang kadarating lang na Prof namin.


Umupo na ako sa upuan ko. Ngunit habang nagdi-discuss ay lutang ako. Walang pumasok sa utak ko. 'Yong reunion pa rin ang inaalala ko.


Pagkarating ng break time, hindi ko tinantanan ang phone ko. Paulit-ulit kong binasa ang invitation na natanggap ko.


"That's it!" biglang sigaw ko.


Nagulat si Indigo sa biglaang pagsigaw ko. Natapon sa kaniya ang crisps na kinakain nya. Sa inis, binato nya ako ng crisps.


"Kingina ka! Bakit bigla ka na lang sumisigaw dyan?!" sigaw nya.


"Tignan mo, Indigo!" nilapit ko ng todo ang phone ko sa pagmumukha nya.


"Alam k—tsk! Ano ba?! Kita ko, okay?!" masyado ko atang nailapit ang phone ko sa mukha nya.


High blood ba 'tong hayop na 'to? Iba ang timpla ngayon, ah?


"Note: You are free to bring 1-2 people if you please." binasa ko ang huling nakasulat sa invitation.


"Anong mayroon d'yan?" tanong nya habang ngumunguya.


"What if, magdala ako ng jowa? That way, may pagtutuunan ako ng pansin. Hindi ako magmumukhang kawawa if ever na makasalamuha ko si Ace. 'Di ba?!" excited na sabi ko.


Tinaas nya ang kilay nya. "May jowa ka ba?"


Nawala ang ngiti sa labi ko. "Wala." sabi ko at bumusangot.


"Oh, e'di sinong dadalhin mo?" tanong nya ulit.


Sumipsip ako sa Chuckie na iniinom ko. "Ewan ko."


Hoax (VBoys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon