004

399 35 116
                                    

EUNICE


"We've been looking for you." sabi ni Night.


Nandito ngayon sa harap ko ang apat na kaibigan ni Jaiden. Si Zyron, si Clyde, si Teo, at si Night.


Okay, so kasama ko ngayon ang lima sa pinaka-popular at pinakakinababaliwan ng mga tao sa school. This is crazy.


"Isn't she the girl earlier?" tanong ni Zyron habang nakatingin sa'kin. Biglang nanlaki ang mata nya. "Don't tell me totoo 'yong sinabi ni Eleanor na kaya ka nakipag-break dahil—"


"That's not true, Zy." putol ni Jaiden.


Tinignan ako ng mga kaibigan ni Jaiden.


Eek. Ang awkward.


Teo cleared his throat, para bang sinesenyasan si Jaiden.


"Oh. Uh, guys, this is Eunice." pagpapakilala ni Jaiden sa'kin.


"Teo Villaroel, at your service." nakangiting sabi sa'kin si Teo, nginitian ko naman sya pabalik.


"His real name is Teodoro." bulong sa'kin ni Jaiden. Tumango naman ako.


Sinamaan sya ng tingin ni Teo.


"What? Sinabi ko lang naman, ah?" sabi ni Jaiden at itinaas ang dalawang kamay nya.


"Ayaw mo ba ng Teodoro, Teodoro?" tanong ko.


Palihim na tumawa si Jaiden, pati ang mga kaibigan nya, maliban kay Teo.


"Teo na lang, please." sabi nya kaya tumawa ako.


"Zyron Vladimir, miss beautiful." sabi ni Zyron at kinindatan ako. Ngumiwi ako sa ginawa nya at tinanguan lang sya.


"Clyde Valderamma." sabi ni Clyde at sumaludo sa'kin. Tinanguan ko rin sya.


"Night Villanueva." sabi ni Night at ngumiti sa'kin ng matamis, kagaya ng ginawa ko kay Teo ay nginitian ko lang sya pabalik.


Wala na muling nagsalita sa kanila. Bigla akong kinulbit ni Jaiden kaya napatingin ako sa kanya. He leaned closer to my ear.


"Say your name." bulong nya.


Napatango naman ako. "Oh, right," I cleared my throat. "Eunice Lottie Martin. Nice to meet you."


"Lottie? Aw, cute." parang mapang-asar na sabi ni Teo.


Sinamaan ko sya ng tingin. "May problema ka, Teodoro?" tanong ko.


Tumawa ng malakas ang mga kaibigan nya habang sya ay napailing na lang.


"Anong dala nyong sasakyan?" tanong bigla ni Jaiden.


"'Yong kay Night." tipid na sagot ni Clyde.


Tumango si Jaiden at tumingin sa'kin. "Gusto mo ba munang dumaan sa dorm namin, Eunice?" tanong nya.


Napatingin ako sa mga kaibigan nya na nag-aabang din ng sagot ko.


"Dali na, Eunice. Kami naman maghahatid sa'yo." pamimilit ni Teo at tinaas-baba ang dalawa nyang kilay.


Napatingin ako sa relo ko. Maaga pa naman. Kapag umuwi ako, baka tanungin ako ni Kuya kung bakit ang aga kong umuwi. Alangan naman sabihin kong nag-cut ako 'di ba?


"Sige."


Nakita ko ang pagngiti nila. Naglakad na kami papunta sa kotse. Kaming dalawa ulit ni Jaiden sa kotse nya at 'yong apat naman sa kotse ni Night.


Hoax (VBoys Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum