018

283 32 210
                                    

EUNICE


"Sure ka bang a-attend ka sa party mamaya?" Indigo asked.


It's been a day, and I'm devastated to admit that I am still not okay. Who would be? Parang kahapon lang no'ng nalaman ko na may iba pa lang karelasyon ang nobyo ko. Parang kahapon lang no'ng nakipag-break sya sa'kin. I could never be okay that fast, could I?


I wanted to put my mind on other things, kaya nga nandito ako ngayon sa bahay ni Indigo dahil nagpe-prepare na sya para sa party nya mamaya. It's her 18th birthday today.


I manged to give Indigo a small smile. "Oo nga, a-attend ako. Hindi naman yata ako puwedeng mawala sa debut ng bestfriend ko."


She pouted at me. "Alam ko, pero ayos lang naman sa'kin kung hindi ka um-attend. Alam ko namang hindi ka pa okay."


Sandali akong natahimik sa tanong nya. Yes, I was not okay. I would rather rot in bed all day kaysa makita ko si Jaiden sa party mamaya, but I couldn't miss my bestfriend's special day. Hindi ako ganoon ka-selfish para magawa 'yon.


"Ayos lang talaga, promise," I tried to sound jolly. "Ikaw naman kasi, eh. Bakit inimbitahan mo pa 'yong mga 'yon?"


Agad syang sumimangot sa'kin. "Alangan namang ibahin ko pa 'yong invitation ko ng last minute? Hello? Ang tagal ko nang inimbitahan 'yong mga 'yon, 'no? At tsaka hindi sila puwedeng mawala sa birthday ko, kasali sila sa 18 roses, duh."


Tinikom ko na lang ang bibig ko at tumango. Ayaw ko munang isipin si Jaiden ngayon. I wanted to get him out of my mind quick, para hindi na magtagal ang pagdudusa ko.


"Huy," Indigo called me softly. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. "'Wag mo na syang isipin. Sige ka, hindi ka makakapag-enjoy sa party ko mamaya."


Napangiti ako sa sinabi nya. I really am grateful to have a friend like her by my side.


"Thank you, Indigo," I smiled genuinely. "Ano na lang ang magagawa ko kung wala ka?"


"Syempre, wala. Ano na nga lang ba ang magagawa mo kung wala ako? Kung ikaw ang bida, ako ang sidekick mo. Pero masyado akong maganda para maging sidekick. Mas bagay sa'kin maging bida," daldal nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin kaya ngumiti sya at nag-peace sign. "Charot. Pinapatawa lang kita, ano ba?"


Her way of making me laugh was effective. Ngumiti ako nang sabihin nya 'yon. Mukhang may pumasok na ideya sa utak ni Indigo dahil biglang lumiwanag ang mukha nya at dinuro nya ang mukha ko.


"Alam ko na," she grabbed my hand, making me stand up from my seat. "Ipapakilala na lang kita sa mga pinsan ko. Tara!"


Sinimulan nya akong kaladkarin palabas ng kuwarto nya at bumaba kami papunta sa sala. Agad kong nakita ang ilan sa mga tao roon, mostly ay mga kamag-anak ni Indigo.


"Ang aga naman ng mga bisita mo," I whispered to her while we were making our way through the crowd. "Mamaya pang alas-otso ang party, 'di ba? Tsaka hindi naman dito sa bahay nyo ang venue, bakit nandito sila?"


"Syempre, mahal ako ng mga 'yan, eh," she winked at me. Napatingin sya sa direksyong pupuntahan namin. "Ayon na sila!"


I looked ahead of us and saw a few people. Most of them were kids, the others were probably new teens. Sila siguro ang mga pinsan ni Indigo.


Indigo's family were always warm with me. Lagi akong welcome sa kanila. Sobrang mabait at makulay nila.


And when I say makulay, I really mean makulay.


Hoax (VBoys Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu