011

337 34 181
                                    

EUNICE
DAY 1


"Good morning."


Bumukas ang mga mata ko nang makarinig ako ng boses. Bumangon ako at nag-Indian sit sa kama. Kinusot ko ang kanang mata ko so my vision could adjust.


Una kong nakita si Jaiden na nakaupo sa lamesa at nakahalumbaba habang nakatingin sa'kin. Napansin ko ring iba na ang suot nya ngayon sa suot nya kagabi. Siguro ay nakaligo at nakapagpalit na sya.


"Morning," I murmured. "Anong oras na?"


"Nine." simpleng sagot nya.


Nanlaki ang mata ko.


Taena ka, nine na?! Ang aga-aga ko na ngang natulog kagabi para maaga rin akong magising, tapos nine na ka'gad?!


Speaking of kagabi, pagkatapos sumagot ni Jaiden sa tanong ko, nag-aya na akong matulog. No'ng oras na 'yon, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya umiwas na ako.


Yesterday, err, yester-night was a roller coaster of emotions for me. Mula sa kaba, hanggang sa hiya, hanggang sa kilig, lahat na yata naramdaman ko, love na lang kulang. Chareng.


"Bakit hindi mo 'ko ginising?" tanong ko.


"I tried," natatawang sabi nya. "You wouldn't get up. Humihilik ka pa nga."


Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Humihilik ako? Parang ang labo naman. Hindi ako humihilik, 'no. Mema 'tong si Jaiden.


"'Wag ka nga, hindi ako humihilik."


Nakangisi lang syang tumango. Napairap naman ako. Kay aga-aga, bina-badtrip ako nito.


Tumayo na ako at dumiretso sa cabinet para kumuha ng damit. I went straight to the bathroom and got bathed. Nagmadali na ako sa pagligo dahil nga late na akong nagising. Baka mamaya may ginagawa na palang activity 'yong mga kaklase ko, tapos kami lang ang wala. Nakakahiya naman sa kanila.


Tanging denim shorts lang at loose tee ang sinuot ko. Pinatuyo ko lamang ang buhok ko at hinayaan 'yong nakalugay.


Nang matapos ako ay agad akong lumabas. Nakita ko si Jaiden na nakasandal sa tabi ng pinto ng kuwarto at may kung anong tinitignan sa phone nya. Ang isa nyang kamay ay nasa loob ng bulsa ng cargo short nya at ang isa naman ay nakahawak sa phone.


Ang guwapo.


I was stuck staring at him habang nakatayo ako sa labas ng CR. Natulala ako sa kapogian ni Jaiden.


Hayop, napapadalas na yata ang pagtitig ko sa mga lalaki, ah? Parang nahahawa na ako sa kaharotan ni Indigo. Tsk, tsk. Bad influence talaga.


Inangat bigla ni Jaiden ang tingin nya sa'kin. Pinasadahan nya ng tingin ang itsura ko bago nya ako nginitian.


"Let's go?" aya nya na tinanguan ko naman.


Sinuot ko ang sandals ko at lumapit kay Jaiden. Binuksan nya ang pintuan at sabay kaming lumabas.


Dahil nasa tapat lang ng kuwarto namin ang main area, nakita ko agad kung gaano kadami ang tao ro'n.


Grabe, 'di naman ako informed na kailangan pala gumising ng maaga.


Pagkatapos i-lock ni Jaiden ang pinto sa likod namin ay napatingin sya sa'kin. I also looked back at him.


Naramdaman ko ang paghawak nya sa kanang kamay ko kaya napatingin ako ro'n. Ibinalik ko ang mga mata ko sa kanya para tignan kung naiilang ba sya tuwing hinahawakan nya ang kamay ko, pero muli lang syang ngumiti sa'kin.


Hoax (VBoys Series #1)Where stories live. Discover now