Kabanata 3

87.5K 2.6K 202
                                    

LEI

"EVO, BAKIT MO binuksan 'yan?"

"Nauuhaw na po kasi ako." Mahina pa itong humagikhik habang nakatingin sa akin.

Napakamot na lang ako sa batok nang inumin na ni Evo 'yong malaking Chuckie habang nagpapa-cute pa ang mga mata niya at kitang-kita ko ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin.

Kahit kailan talaga ay hindi ko matanggihan ang ka-cute-an ng batang ito, mga tingin pa lang niya ay nakakatunaw na agad ng puso at ngiti pa lang ni Evo, natataranta na agad ako. Buti na lang talaga ay hindi nakuha ni Evo ang kasungitan ng Dada niya kundi, masasabi ko na lang na pinagbiyak talaga sila ni Trevor.

"Next time, huwag mo nang uulitin 'yan, ah. Baka hulihin tayo nung guard."

"Mama, babayaran naman natin 'to. 'Di ba nga kaibigan pa ni Dada 'yong may-ari ng grocery." Wala na talaga akong nasabi sa naging katwiran nitong si Evo kaya binuhat ko na lang siya pababa ng cart para makapagbayad na kami.

"Oh, huwag ka masiyadong malikot. D'yan ka lang, okay?" "Okay po!" nakangiti niyang sabi at nanatili lang sa pwesto niya habang iniinom pa rin 'yong malaking Chuckie.

"Ah miss, kasama 'yong iniinom niya," sabi ko sa kahera nang mapatingin ito kay Evo kaya ngumiti itong tumango sa akin.

"Mama, kain tayo sa Jabee!"

"Evo, mamaya na lang. Dalhin muna natin ito sa kotse." Dalawang malaking kahon kasi ang bitbit ko at hindi ko na nga mahawakan si Evo kaya sinusundan ko na lang siya ng tingin para hindi mawala.

"Mama, Jabee muna tayo! Jabee! Jabee!" nagtatalon niyang sabi at bago pa ako makapagsalita ay nagtatakbo na siya palayo sa akin.

"Evo, hintayin mo ako. Evo!" sigaw ko nang hindi na niya ako pansinin at nakipagsiksikan pa ako sa mga tao para lang habulin siya. Bigla tuloy akong hiningal at nangangalay ang kamay ko dahil sa bigat ng mga pinamili namin. Kung hindi lang nagmumuryot si Evo ay dapat talaga kasama namin si Manang, hindi sana ako nahihirapan magbitbit.

"Ev—" Natigilan ako sa pagtawag kay Evo nang makita ko siyang huminto kaya hinihingal kong ibinaba ang mga karton na hawak ko para iharap siya sa akin, pero bago ko pa iyon magawa ay natigilan na lang ako sa mahinang ibinulong niya.

"Dada?" Gulat ako nang banggitin niya ang Dada kaya dahan-dahan akong napalingon sa tinitingnan niya.

Doon, nakita ng dalawang mata ko si Trevor na hawak ang braso ng isang babae habang bakas sa mata nito ang pakikiusap, mga tingin na puno ng pagsusumamo.

Isang Trevor na malayong-malayo sa Trevor na araw-araw kong nakikita at nakakasama. Isang Trevor na mukhang hindi kayang manakit o magbitiw ng kahit na anong masakit na salita.

Hindi ko maunawaan kung bakit biglang nanikip ang dibdib ko nang mapagtanto ko kung sino ang babaeng kasama niya. Kahit nakatalikod ito sa akin ay hindi ako pwedeng magkamali, siya nga iyon . . . walang iba kundi— "Dada!"

"Evo!" Napabalik ako sa realidad nang makita kong tumakbo si Evo palapit kay Trevor at bago ko pa ito tuluyang mapigilan ay kusa nang huminto ang mga paa ko. Sabay na napalingon sa akin si Trevor at ang babae. Bigla akong nanlamig sa matatalim na tingin ni Trevor, bakas din ang inis at galit sa maamo at magandang mata ng babae.

Mas gugustuhin ko pang kainin ako ng lupa ngayon kaysa maligo ako sa mga nanlalamig nilang tingin. 'Yong mga tingin na nagpapaalala sa akin ng mga nakaraan. Mga nakaraan na kahit anong gawin kong pagsisisi ay hindi ko na kailanman maibabalik ang lahat ng nawala at nasira.

"Dada!"

"Cassie!"

Halos sabay na sumigaw ang mag-ama at nagpumiglas mula sa pagkakahawak ni Trevor si Cassie saka nagtatakbo palayo.

Napatingin pa si Trevor sa direksyon ko bago ibinaling ang tingin kay Evo na tumatakbo pa rin papunta sa kaniya. I know, the way he looks at our son is another pain from him and I won't let it happened.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Evo at bago pa tuluyang makahakbang palayo sa amin si Trevor ay mahigpit ko na siyang ikinulong sa mga bisig ko at idinantay ang ulo ko sa likuran niya.

Naramdaman ko pang pilit niyang inaalis ang pagkakayakap ko sa kaniya pero kahit masakit at mabigat sa loob ko ay nanatili ako sa pagkakayakap.

"P-please—huwag kang tumakbo palayo kahit para kay Evo na lang."

Alam ko na kung hindi ko siya pinigilan ay mas pipiliin niyang habulin si Cassie at ayokong umabot na pati si Evo ay handa niyang talikuran at iwan para sa babaeng iyon.

"Bitiwan mo 'ko."

"A-ayoko."

"Sinabing bitiwan mo 'ko!" Galit niyang hinila ang kaniyang braso paalis sa pagkakayakap ko at kasabay no'n ay ang pagpatak ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"P-please . . ."

"Dada?" Mabilis akong napatingala nang maramdaman kong nakalapit na si Evo sa amin at nakita ko pa itong nagpapalit-palit ang tingin sa amin ng Dada niya.

"Okay lang po ba kayo?" tanong nito habang bumaba ang tingin sa kamay ng Dada niya na mahigpit ang hawak sa braso ko. Tila napaso naman si Trevor sa tingin ni Evo kaya agad niya akong binitiwan.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para pasimpleng pahirin ang luha sa pisngi ko at sa pagharap ko sa kanila ay kitang hindi malaman ni Trevor kung ano ang uunahin niya, tila ba naguguluhan siya katulad din ni Evo na pilit iniintindi ang mga nangyayari.

Inis na sinambunutan ni Trevor ang sarili at masama niya akong tiningnan, pero pilit akong nakiusap sa kaniya gamit ang mga mata ko. Gusto ko na piliin niya si Evo sa mga oras na ito. Sabihin na niya na sobra akong makasarili o parusahan niya na lang ulit ako. Mas matatanggap ko pa iyon kaysa masaktan ang anak namin na makitang tinatalikuran niya ito para sa iba.

Bahagya pa siyang umupo para pantayan ang bata at nakangiti niyang ipinatong ang mga kamay niya sa magkabilang balikat nito.

"Yes, everything is fine. I'm talking with—with a client. Just stay with your mom, I need to do something important. Okay?"

"Mas importante pa po ba 'yan sa amin ni Mama?" diretsong tanong ni Evo sa kaniya. Napasinghap ako at ikinuyumos ang kamao para pigilan ang namumuong sakit sa dibdib ko.

Huwag niyang sabihin na aalis pa rin siya kahit inabutan na siya ni Evo? Mas pipiliin niya pa ring sundan si Cassie kaysa mag-stay kasama namin? Maiintindihan kong kaya niya akong iwan, pero ang anak namin? Hindi ko matatanggap kung magagawa niya itong talikuran.

"Ye—"

"Of course not! He will stay with us. Tama ba, sweetheart?" mabilis kong putol sa sasabihin niya at pilit na ngumiti. Nakita ko pang namilog ang mga kamao niya at kung wala lang kami sa pampublikong lugar ay malamang kanina niya pa ako pinaparusahan at sinisigawan.

Magalit na siya kung magagalit siya, handa akong saluhin lahat ng sisi niya sa akin, pero hindi ako papayag na maagrabyado si Evo.

"Come on, sweetheart. Samahan mo na kaming kumain ni Evo."

Lumapit na ako sa kanila at marahan na hinawakan ang balikat niya. Bahagya pa siyang napayuko at halatang pinipigilan ang sarili na bumuhos ang galit.

"Yes! Let's eat! Hihi!" masiglang sabi ni Evo kaya nakangiti ko itong binuhat. Mabilis na nawala ang lungkot na nakita ko sa mga mata nito kanina at napalitan ng kinang at tuwa. Bagay na nagbibigay ng lakas sa akin para lumaban. Si Evo na lang ang dahilan kung bakit nagagawa ko pang tumayo at bumangon sa araw-araw.

"Sweetheart, pakibuhat naman 'yong grocery. Ako nang magbibitbit kay Evo," mahinahon kong utos sa kaniya na kinatayo niya at kinangiti sa akin. Isang panibagong ngiti na bakas na mas tumindi ang inis niya para sa akin.

"Sure, palagi ka namang panalo," makahulugang sabi niya na kinaiwas ko na agad ng tingin bago tumungo sa fastfood chain. I know he's hurt; he was just hurt and it is because of my stupidity, but if he only knew that everything I did is for their own good, maybe he won't blame me for doing such stupid things.

It is for them that even it breaks me, hurt and kills all my dreams, I choose to do the right thing for them. Kahit pa ang kapalit ng lahat ng iyon ay kamuhian at talikuran ako ng mga taong mahalaga sa akin.

🦋🦋🦋
CreepyPervy

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon