Kabanata 11

84.7K 2.7K 933
                                    

LEI

I WOKE UP as early than my usual time and immediately finished all my things before he wakes up from his bed. Sumama rin akong maghatid kay Evo kahit pa wala akong gagawin sa eskwelahan, ayoko lang na mag-abot kami ni Trevor kaya nga sa kwarto na ako ni Evo natulog at hindi na naglinis nang makarating kami mula sa pamamasyal kahapon. Alam kong magtatalo lang ulit kami at parang wala ako sa mood na makipag-away sa kaniya at ayoko ring makatikim ng parusa.

Buti na lang ay saktong nag-reply na sa akin si Kiko. Napangiti ako nang mabasa ang text niya, gusto niya na ako makausap, kaya walang segundo akong sinayang at dali-daling nagtungo sa isang coffee shop.

Saktong pagpasok ko ay humalimuyak na agad ang napakabangong amoy ng kape, amoy na nagpapaalala sa akin noog unang beses kong makilala si Kiko at hindi pa rin kumukupas ang ngiti sa labi ko sa kung gaano ako nagpapasalamat sa pagtulong niya sa akin.

. . . Ang tagal ko nang nakaupo rito, ilang beses na akong sinulyapan ng kahera at naging mapagmatiyag ang mga mata ng babae. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at sa 'di maipaliwanag na hiya ay muli 'kong inilihis ang tingin sa babae, napayuko at nahihiyang ininom ang hiningi kong tubig para pawiin ang panunuyo ng lalamunan.

Ito ang unang beses na makarating ako ng Maynila, napalalaki ng building at napakarami ring tao, naligaw rin ako pero buti na lang ay kasama ko si "magta" kaya nakarating ako sa coffee shop na sinasabi ni Cassie na 'di naman kalayuan sa bus station. Usapan kasi namin ay sasalubungin niya ako sa bus station pero may biglaan siyang naging lakad kaya sinabi niya na magkita na lang kami rito at maghintay ako nang kaunting oras, iyon nga lang ay mainit na ang puwitan ko pero wala pa rin siya. Kaya naman kanina pa ako minamata ng babae dahil sa bukod na nakatambay ako ay wala rin akong in-o-order.

Matagal na rin noong huling beses kaming magkita ni Cassie, siguro ay may dalawang taon na simula nang maka-graduate kami ng high school at mas pinili niya nang mamalagi rito sa Maynila. Kaya nang sabihin niya na lumuwas ako ay hindi ako nagdalawang-isip, excited rin kasi akong marinig ang mga kwento niya tungkol kay Trey dahil 'di niya akalain na sa iisang iskwelahan lang sila pumapasok ni Trey.

Nabuhayan ako ng dugo at muling nanumbalik sa akin ang mga alala namin noong mga paslit pa kami sa probinsya. Masayang naglalaro at nagtatawanan sa mga kalokohan, 'yon nga lang ay nabawasana ang saya na 'yon nang umalis na sa probinsya sina Trey, second year high school kami noon sa isang pampublikong paaralan sa may baryo. May pagkakataon na umuuwi si Trey noon sa probinsya sa tuwing Pasko at binibisita niya kami ni Cassie pero simula nang magkolehiyo na siya ay hindi na ito nakadalaw pang muli.

Napatalon ako sa gulat nang maingay na tumunog ang di-pindot kong cell phone, nakuha no'n ang atensyon ng marami, may ilang nagpigil ng tawa at ay ilang nagsawalang-bahala. Agad akong yumuko nang bahagya dahil sa hiya at pasimpleng sinagot ang tawag ni Cassie.

"Hey, bess!" bungad niya sa akin at sumigla ang puso ko sa tuwa.

"Cassie nasaan ka na? Nandito na ako sa may coffee shop."

"Oh, my bad. I'm still here pa sa photoshoot pero don't worry, isang cycle na lang then we're done. Kaya mo pa maghintay? Or do you want me na tawagan ko na si Trey? I'm sure he'll pick you at magugulat 'yon na makita ka."

"Ay, huwag na! Hihintayin na lang kita. Nakakahiya kay Trey," pagtanggi ko agad kay Cassie. Totoong nahihiya ako kay Trey hindi lang dahil sa crush ko siya pero kasi . . . hindi ako sigurado kung naalala niya pa ako o ano, kahit pa close kami noon ay may taon na rin na hindi kami nagkita at nagkausap.

"You sure?" paninigurado ni Cassandra at tumango ako, ngumiti, kahit pa hindi niya ako nakikita.

"Oo, hintayin na lang kita."

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon