Kabanata 9

82.7K 2.5K 551
                                    

LEI

I LOOKED AT myself in the mirror and wear the smile I used whenever I need to pretend that everything is fine. I didn't wear any makeup nor any accessories and expensive clothes.

Mas nakasanayan ko 'yong simpleng shirt at pantalon lang lalo na nang maging isa na akong ina. Ipapasyal kasi ni Trevor si Evo at kung mamalasin pa, baka hindi na iyon matuloy dahil mag-aalas nuwebe na ng umaga pero wala pa rin ang magaling na ama ni Evo.

Binagalan ko na nga ang paggayak pero 'yong ipangako niyang oras ay na-delay pa rin. Ano pa bang aasahan ko sa kaniya? Malamang sinusundan niya na naman si Cassie at nagpupumilit na kausapin siya nito.

Napangiti ako nang mapait sa inisip ko. Hindi ko lang matanggap na sa kabila ng lahat, hindi niya pa rin magawang i-prioritize si Evo, mas marami pa siyang inuna kaysa sa anak niya.

"Evo . . ." Napatingin ako rito na nakatingin sa may bintana at halatang naghihintay sa pagdating ni Trevor. Naiiling na lang akong lumapit sa anak ko at hinawakan ang kaniyang balikat. Kahit wala si Trevor, ipapasyal ko pa rin si Evo. Sumunod na lang siya kung gusto niya o kung may balak pa siyang sumunod.

"Evo, anak—"

"Dada!?"

Mabilis na napatayo si Evo at nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay nang matanawan pa lang niya mula sa hindi kalayuan ang parating na itim na sasakyan. Iyong sasakyan na laging gamit ni Trevor.

Agad akong sumunod dito at hindi ako nagkamali nang makita kong bumaba mula roon si Trevor at binuhat nito ang sumalubong na si Evo. Hinalikan niya sa pisngi ang bata habang may matamis na ngiti ang sumilay sa mukha nilang dalawa. Nag-iwas ako ng tingin kay Trevor nang lumingon ito sa direksyon ko.

"Sabi na nga ba, darating ka, Dada!"

"Of course. 'Pag sinabi kong darating ako, darating ako."

Gusto kong umirap sa sinabi niya nang ipinagkadiinan pa niya 'yong mga salita para marinig ko. Akala naman niya kung sino na siya, kung bibilangin, mas marami pa rin 'yong mga pangako niyang napako.

"Let's go," aya niya kaya sumunod na lang ako sa kanila. Bahagya lang akong natigilan nang maalala na ayaw niya akong pasakayin sa kotse niya.

"Sakay na, ano pang hinihintay mo d'yan?" inis niyang untag sa akin kaya napalingon ako kay Evo. Kinabahan ako na baka marinig nito 'yong klase ng pag-uusap namin ni Trevor, pero mukhang busy na ito sa panonood sa cell phone niya at nakasuot pa siya ng earphone.

"Hindi ba ayaw mong sumakay ako rito?" pagdadahilan ko kay Trevor, pero sa isang banda parang ayokong sumama sa kanila. Ewan ko ba, parang kinakabahan ako o dahil na-trauma na ako sa klase ng pagmamaneho niya.

"Don't be silly, Lei. You already ride in this car, remember?"

Oo nga pala, ito 'yong dala niyang sasakyan sa homecoming na halos atakihin ako sa puso sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya. Mas kinabahan lang ako pero sa huli ay sumakay na lang din ako sa passenger seat habang nasa backseat naman si Evo habang busy sa cell phone niya. Sakto na pagsakay ko ay napansin ko agad 'yong keychain na may metallic wings habang nakasulat sa loob ng clear glass ay ang special plate ng sasakyan na ito.

Nag-iwas ako ng tingin doon dahil naramdaman ko mismo 'yong pagkirot ng dibdib ko sa kakaibang sakit na gumuhit dito habang pinapaalala no'n ang isa sa malaking kasalanan ko.

"Cassie!"

Napapikit ako nang mariin nang marinig at makita ko sa isip ko ang mukha ni Cassie—mukha na puno ng hinagpis at dahilan kung bakit ganoon na lang kalalim ang galit niya sa akin.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon