Kabanata 16

85.2K 2.7K 841
                                    

Dedicated to all readers of HBW, the most awaited part. LoL

TREVOR

"HOW COULD I trust the Del Valle? Ano bang pinagkaiba n'yo sa ibang mga negosyante? Masiyadong mabulaklak sa umpisa at kapag nakuha na ninyo ang gusto n'yo, you're going to invade one's company and family," seryosong sabi sa akin ng isa sa pinakakilalang tao sa mundo habang bitbit pa nito ang tono niyang kastila. He came from a royal family in Spain and he was the target of Del Valle to get in through business. Kapag nagawa namin itong papirmahin, malaking pera ang ipapasok niya sa pamilya and at the same time, we can establish business in Spain.

Pero hindi ko inaasahan na ganito pala kahirap kumbinsihin ito. Halatang wala siyang tiwala sa kahit na sinong tao at parang marami na siyang pinag daanan kaya hindi ko siya basta mapapasakay sa mga mabubulaklak kong pananalita.

"We are different, we can assure you with our good services. Kung papayag kayo, bibigyan namin kayo ng karagdagang proteksyon para pangalagaan ang pamilya n'yo," nakangiti kong sabi kahit pa ang totoo ay napipikon na ako sa kaniya. He has the same old as my parents yet he had more than anything we have. Bigla niya akong tiningnan nang seryoso diretso sa mga mata ko na sadyang nakaka-intimidate, pero nagulat ako nang bigla rin siyang tumawa.

"Do you make your own research, Mr. Del Valle? It looks like you didn't. I never expect na ikaw ang ipapadala ng angkan mo para kumbinsihin ako. Isa kang baguhan." Naikuyumos ko ang kamao ko sa sinabi ng matandang ito. Ako? Baguhan? I've run our business since I graduated in college, how dare is he to tell that I'm new with this!

Napapikit ako nang mariin at kinalma ang sarili. Hindi ako dapat magpadala sa init ng ulo, I need to settle this as soon as possible. Ito ang ibinigay na kondisyon sa akin ng magaling kong mga magulang bago ko ma-i-file ang annulment paper namin ni Lei.

Madali ko lang mapapapirma si Lei pero mahihirapan akong itaas iyon sa batas dahil mismong magulang ko ang tutol sa bagay na 'yon. Damn! I don't fucking understand what's with that girl, bakit ba ganoon na lang kung ipilit siya sa akin ng mga magulang ko, lalo na si Mommy.

"Hindi mo matanggap ang pagtawag ko sa 'yo bilang baguhan? Mas hindi mo siguro matatanggap kung sasabihin ko na hindi kayo makakapasok sa negosyo ko, you can't be part of it. Now, you may leave, I have a lot of business to deal with," nakangiti nitong sabi pero bakas ko na hinahamon ako nito. Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo at rejection kaya babalikan ko ang matandang ito at ako mismo ang makakapagpapirma sa sa kanya. Makukuha at mapapasok din namin ang negosyo niya.

"Fuck!" Inis kong inihagis ang mga gamit sa lamesa kasabay ang pagbukas ng pinto at bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Jay.

"Woooah! What's wrong?"

"That fucking old man, he rejected my proposal! I can't forgive him!"

"Old man?"

"Mr. Castellano," inis kong sagot kay Jay at umupo. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan itong araw na tinanggihan niya ako, sa unang pagkakataon ay may tumanggi sa mga business proposal ko at siya pa talaga?

"Ca-Castellano? Fuck! Bigatin 'yon, ah. Kahit kami nahihirapan na makapag-close deal sa kaniya."

"Damn! I'll make him write his name on my contract soon. Makikita niya kung paano ako magpasunod ng tao."

"Dude, ingat lang. Kung ako sa 'yo, huwag mong gamitan ng pwersa. Balita ko kasi, wala nang kinakatakutan iyon simula nang mamatay ang asawa niya at mawala ang nag-iisa niyang anak."

"I don't fucking care! Wala na pala siyang pamilya kaya dapat lang na bago siya mamatay ay makuha namin ang negosyo niya."

Mas nanggigil ako ngayon na makuha ang Castellano sa kaniya at kaya niya ba sinabi na sana nag-research ako dahil sa sinabi kong bibigyan ko ng proteksyon ang pamilya na wala na pala sa kaniya? Stupid! Why would I care if he has? All I want is his signature from this deal.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon